NAPATIGIL si Bria sa paglalakad nang makita niya ang pagbukas ng pinto sa private room kung saan na-admit si Tita Dana. Dahan-dahan din niyang ibinaba ang hawak na cellphone nang makita niya si Frank na lumabas do'n. At nang makita siya nito ay inisang hakbang lang nito ang pagitan nila. Kinagat naman ni Bria ang ibabang labi ng yakapin siya ni Frank nang mahigpit ng tuluyan itong nakalapit. "Sorry. I needed to leave earlier," paghingi nito ng paunmanhin ng pakawalan siya nito mula sa pagkakayap. Tumaas naman ang isang kamay niya para sapuhin ang pisngi nito. "You don't have to say sorry, Frank. Your family needs you, too," wika naman niya. "But you are my family, too," giit nito. Hindi naman siya nagsalita, sa halip ay hinaplos lang niya ang pisngi nito. "How's Tita Dana?" tanon

