"BABE." Napakurap-kurap si Bria ng mga mata nang maramdaman niya ang paghawak ni Frank sa kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Napatingin naman siya dito at nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya, napansin nga din niya ang pag-aalala na nakabalatay sa mga mata nito ng sandaling iyon. "B-bakit?" tanong niya ng magtama ang mga mata nila. Naramdaman niya ang pagpisil ni Frank sa kamay niya. "You okay?" tanong nito sa kanya. "You are pacing out," komento nito. "Oh, sorry. May iniisip lang ako," sagot naman niya dito. "Care to share me why is your thinking?" masuyong tanong nito. "Oh, there's nothing to share. Hindi naman masyado importante," sagot niya kay Frank. Medyo napapaisip lang kasi siya sa mga banta ni Franchesca sa kanya. Na

