"f**k!" Nag-angat ng tingin si Bria kay Frank nang marinig niya ang pagmumura nito pagkatapos nitong makipag-usap sa kausap nito sa kabilang linya. Nasa opisina ulit siya ni Frank. And this time ay pina-finalize na nila ang design ng building dahil uumpisahan na ang construction niyon next week. Busy silang dalawa sa pagbibigay ng kanyang suggestion nang may tumawag dito. At nang mapatingin siya dito ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito, napansin din niya ang inis na bumalatay sa mukha nito ng sandaling iyon. Nakita nga din niya ang pagluwag nito sa suot na necktie. He looks problematic. Hindi naman niya napigilan na mapaisip kung sino ang tumawag dito at mukhang bad news ang sinabi ng kausap. And she wasn't used to seeing Frank like that. "Okay ka lang?" hindi si

