KUMUNOT ang noo ni Bria nang pagkarating niya sa school ng nang anak ay namataan niya ang pamilyar na kotse ni Frank na nakaparada do'n. What is Frank's car doing there? Kaya pala hindi niya namataan ang presesniya ni Frank sa labas ng bahay nila dahil naroon ito sa school ng anak. Pero ang gumugulo sa isip niya ay kung ano ang ginagawa ni Frank do'n? Nagpatuloy si Bria sa paglalakad, sinubukan nga din niyang silipin si Frank mula sa loob ng kotse pero dahil tinted ang bintana ay hindi niya makita ang nasa loob. Pero sigurado siyang walang tao sa loob ng kotse dahil kung mayro'n ay baka lumabas na iyon dahil sa pagsilip niya. Bria looked away from the car and focused her attention on the school exit. She was waiting for her son to come out. At mayamaya ay namataan niya si Brylle. P

