DAHIL yata sa pag-iyak ay nakatulog ang anak ni Bria sa bisig niya. Naramdaman kasi niya ang mas lalong pagbigat nito mula sa pagkakabubat niya dito. Humawak nga din ang isang kamay niya patungo sa ulo nito nang mahuhulog na iyon mula sa pagkakasubsob nito sa leeg niya. Ang isang kamay ay nakahawak sa ulo at ang isa naman ay nakahawak sa likod nito para suporta habang patuloy siya sa paglalakad. "Bria!" Napatigil naman si Bria sa paglalakad ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon na tumawag sa pangalan niya. At nang mag-angat niya ng tingin sa kanyang harapan ay nakita niya si Frank na nakatayo sa harap ng bahay nila. At nang mapansin nito na buhat-buhat niya ang anak ay mabilis itong lumapit sa kanya. "What happened?" tanong nito nang mapansin nito ang ekspresyon ng mukha ni

