SA tuwing may kumakataok sa pinto sa bahay nila Bria ay hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Alam na kasi niya agad kung sino ang nasa labas ng bahay nila. Si Frank. And just like that, her heart skipped a beat as she heard a faint knock on the door. Humakbang naman si Bria patungo do'n. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago niya binuksan ang pinto. At bumungad agad sa kanya ang gwapong mukha ni Frank. "Hi!" bati nito sa baritonong boses nang magtama ang mga mata nila. "May...dala akong meryenda," mayamaya ay wika nito sabay taas ng kamay. Bumaba ang tingin niya sa hawak nito at napatitig si Bria doon nang makita niya ang hawak nitong meryenda ng sandaling iyon. Pansit. At nang mapansin ni Frank na nakatitig siya do'n ay nagsalita ito. "Paborito

