NAGPAALAM na sina Bria sa lalaking kausap nila sa pinuntahan nilang site. Pagkatapos nga nilang magpaalam ay agad ng humakbang si Frank paalis ng hindi man lang siya hinihintay. Napaka-un-gentleman talaga nito. Saglit namang napaawang ang labi niya pero ng makabawi siya ay agad niya itong sinundan. Hawak-hawak kasi nito ang payong niya at medyo natutusta siya sa init ng araw. "Wait," wika naman niya dahil hindi niya ito mahabol, malalaki kasi ang mga hakbang nito. Pero sa halip na bagalan nito ang paglalakad ay naglakad ito sa paraan ng gusto nito. Kaya ang ginawa ni Bria ay tinakbo niya ang natitirang distansiya ng pagitan nila para maabutan niya ito. Pero hindi inaasahan ni Bria na may maapakan siyang nakausling bato. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng mapatid siya

