FRANK was clueless how to court a woman. Sa buong buhay kasi niya ay hindi pa niya nasusubukan ang manligaw kaya nangangapa pa siya. Well, he was aware of the basics of dating, such as giving flowers and chocolates to the woman he wanted to court. Wala na siyang maisip na iba pa kaya naisip niyang humingi ng tuloy kay Kuya Francis niya. Na-ikwento kasi nito sa kanya noon kung paano nito niligawan si Ate Victoria noong panahon may amnesia pa ito. At gusto niyang humingi ng payo at tips dito. Kaya kinuha ni Frank ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. At saka niya tinawagan ang Kuya Francis niya. Nakatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. Pero sa halip na si Kuya Francis ang sumagot ay narinjg niya ang boses ng pamangkin na si Callum. "Hello po?" magalang na bati

