KANINA pa tinitingnan ni Frank si Bria, sinusubukan kasi niyang huliin ang tingin nito pero mailap ang mga mata nito sa kanya. Napapansin niya simula noong gabing niyakap niya ito noong ma-out of balance ito at napasubsob ito sa kanya ay napansin na niya ginagawa nitong pag-iwas. When he tries to approach her, she quickly turns her back, and when he runs into her, she hastily changes direction to avoid him. Sa totoo lang ay nakakaramdam ng kirot ang puso ni Frank sa pag-iwas sa kanya ni Bria. Kung siya lang ang pagpipiliin ay gusto niyang lagi niya itong nakikita, gustong-gusto niya kapag nagtitigan silang dalawa ni Bria. Gusto niyang nasa tabi lagi niya ito. And Frank wanted to have a second chance with her, a chance to be with her. He wants a complete family - him, Bria, and their c

