"GOOD NIGHT po, Papa." Narinig ni Bria na wika ni Brylle sa Papa nito nang makapasok sila sa loob ng kwarto ng tawagin na niya ito para matulog. Medyo late na nga dahil nakipag-kwentuhan pa ito sa Papa nito. At kung hindi lang niya ito tinawag ay wala pa yata itong balak na matulog. Mukhang nawiwili ang anak na kasama ang Papa nito. Well, pinagbibigyan naman ni Bria ang anak na makasama nito ang ama dahil napapansin niya ang saya sa mukha nito. Alam din kasi niyang nangulila ito ng husto dahil maraming taon na hindi nito nakasama ang ama at alam niyang bumabawi ang anak sa maraming taon na iyon. At ganoon din si Frank sa anak. Umungkulo naman si Frank para magpantay ang mukha ng dalawa. Tumaas ang isang kamay nito para haplusin ang buhok ng anak bago nito hinalikan sa noo si Brylle. "G

