BRIA couldn't take her eyes off the man standing in front of their house. At hindi nga din niya inaasahan ang magiging reaksiyon ng puso niya ng sandaling iyon habang nakatingin siya sa lalaking ngayon ay titig na titig sa kanya. Ramdam na ramdam din niya ang pagbilis ng t***k ng puso. Ang lalaki kasing nakatayo sa harap ng bahay nila ay ang lalaking hindi niya inaasahan na makikita, ang lalaking ama ng anak niya. Si Frank Dylan De Asis. At nang sandaling iyon ay nararamdaman din niya ang panlalamig ng kanyang mga kamay at bahagyang panginginig ng kanyang katawan. At doon lang inalis ni Bria ang tingin sa lalaki ng marinig niya ang boses ng anak. "Mama, okay ka lang po?" tanong ni Brylle sa kanya. At nang akmang lalapit ito sa kanya ng mapatigil ito ng magsalita siya. "S-stay wh

