AFTER SIX YEARS... "MAMA!" Nag-angat ng tingin si Bria nang marinig niya ang boses ang pamilyar na boses na iyon na tumawag sa pangalan. At hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang limang taong gulang na anak na si Brylle na naglalakad palapit sa kanya. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo para salubungin ito sa paglapit sa kanya. At nang makalapit ito sa kanya ay agad itong yumakap sa binti niya. Hinawakan naman niya ito sa balikat. "Kamusta, Kuya?" masuyong tanong ni Bria dito. Kuya ang endearment niya sa anak. Yakap pa din nito ang binti niya ng mag-angat ito ng tingin. At agad na tumuon ang itim na mga mata nito sa kanya. Hindi naman maiwasan ni Bria na mapatitig sa mukha ng anak na carbon copy ng ama nito na si Frank. Siya ang naghira

