"WHAT?" Napansin ni Bria ang gulat sa mukha ni Ervin matapos niyang ikwento dito ang tungkol sa pagtatagpo ng landas nila Franco Dawson at Ate Danielle noong minsang tumawag ito sa kanya through video call. "Nakita nila si Brylle?" dagdag pa na tanong nito. Humugot naman si Bria bago siya dahan-dahan na tumango. "O-oo," sagot niya. "Anong reaksiyon nila?" sunod na tanong nito. "Ano pa nga ba? Siyempre, nagulat sila nang makita nila si Brylle lalo na at kamukha ito ni Frank. At nagulat din sila nang malaman ng mga ito na ako ang ina ng batang kamukha ng kapatid nila," sagot ulit niya sa lalaki. "Wala silang sinabi sa 'yo?" "Hindi ko na sila hinintay na magsalita, umalis agad kami ni Brylle. Alam mo naman na hindi ako pwedeng lumapit sa kanila," sabi niya, kahiy na pilit niyang

