KAHIT na sinabi ni Bria kay Frank na hindi niya mapapabigyan ang hiling nito na bigyan niya ito ng pangalawang pagkakataon ay hindi pa din ito umalis sa tabi nilang dalawa ni Brylle. Dati ngang gawi, paggising nila sa umaga ay madadatnan na nila ito sa kusina na abala sa pagluluto ng breakfast nila. Hindi na din niya kailangan mag-igib ng tubig ng banyo dahil ginagawa na din ni Frank iyon. Pati nga sa pag-aasikaso sa anak nila, tinutulungan siya nito. Sa totoo lang simula noong dumating ito sa buhay nila ay medyo napagaan ang trabaho niya. Hindi na niya nararamdaman ang pananakit ng katawan sa trabaho dahil napapagaan ang trabaho niya. Gaya na lang ngayon, magta-trabaho sana siya pero inunahan na siya ni Frank, nauna na ito sa pinagtataniman nila at ginagawa ang trabaho niya. At kahit na

