INIWAS ni Bria ang tingin kay Frank nang makita niya ang pag-angat ng tingin nito sa gawi niya nang mailapag nito ang anak sa kama pagkatapos nitong makatulog ng kumalma ito sa pag-iyak. At bago niya iniwas ang tingin sa lalaki ay nahagip niya ang mga mata nito na namumula gaya na lang ng mga mata niya. Pinagdikit niya ang ibabang labi nang marinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga. "Bria." She heard Frank call out to her; his voice softened. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin patungo dito. And she was immediately met with his softened gaze. "Can...we talk?" tanong nito sa kanya. Saglit naman siyang nakatitig kay Frank bago siya dahan-dahang tumango. Naisip niyang iyon na siguro ang pagkakata

