TUMAYO si Frank mula sa pagkakaupo niya sa maliit na sofa para refill-an ng tubig ang baso niya. But the real reason why he stood up was to see Bria, who was busy chopping ingredients to cook for their snack. Nakatalikod ito sa kanya ng makalapit siya pero alam niyang naramdaman nito ang presensiya dahil napansin niya ang pag-ayos nito ng tayo, napansin din niya ang pagka-tensed ng katawan nito sa presensiya niya. Lumapit pa siya hanggang sa tumigil siya sa gilid nito. Napatitig siya sa likod nito. And right now, he wanted hug her from the back. He wanted to feel her warmth again, but he restrained himself. He didn't want to rush things because he was afraid she might push him away again. Hindi niya iyon kakayanin. Baka daanin na lang niya ito sa santong paspasan. Baka pilitin niya iton

