NAALIMPUNGATAN si Bria na parang may humahaplos ng masuyo sa noo niya. Gusto sana niyang magmulat ng mga mata pero ayaw muna niyang pakiharapan ang taong humahaplos sa noo niya May ideya na kasi si Bria kung sino iyon. Sa pamilyar na amoy pa lang nito na nanunuot sa kanyang ilong ay alam na niya kung sino. Sa init na lang ng kamay nito at sa pamilyar na t***k ng puso niya ay alam niyang kung sino iyon. Si Frank Dylan De Asis. She held her breath as she felt something warm and soft touch her forehead. He was giving her a kiss on her forehead. At halos tumigil ang t***k ng puso niya nang marinig niya ang mga salitang hindi niya inaasahan na maririnig niya mula sa labi nito. "I love you, Bria," Frank whispered after he gave her a kiss on her forehead. Mayamaya ay naramdaman niya a

