"BRIA, wake up." Nagising si Bria nang marinig niya ang masuyong boses na iyon. Naramdaman nga din niya ang mahinang pagyugyog sa braso niya. "Wake up, Bria.." Dahan-dahan na nagmulat ng mga mata si Bria at pagmulat ay ang mapupungay na mga mata ni Frank ang unang nakita niya. "Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot," wika nito sa masuyong boses. "Si...Brylle?" tanong niya sa halip mag-komento sa sinabi nito. Kahit na masama ang pakiramdam ay ang anak pa din ang iniisip niya. "Naihatid ko na sa school," sagot naman nito sa kanya. Sumulyap si Bria sa orasan na nakasabit sa dingding. At bahagyang namilog ang mga mata niya nang makitang alas diyes na ng umaga. Umidlip lang siya ng ihatid ni Frank si Brylle sa school at hindi inaasahan na makakatulog ulit siya. "Nilut

