" I'm home! " napatingin ako sa pintuang bumukas kasabay ng pagpasok ni Zeus, mula kahapon ay nakapatay ang aking cellphone hanggang ngayon kaya hindi ko expected na uuwi na siya kasi ang sabi niya limang araw siya dun, pero pangatlong araw pa lang ngayon, umuwi na ito. " Umuwi kapa " mahinang sabi ko at itinutok ang mga mata sa Tv, nasa sala ako ngayon at nanonood. Alas nuwebe narin ng gabi kaya si mama nasa kwarto na at nagpapahinga. May ngiti sa labing naglakad si Zeus palapit sa akin at humalik sa aking pisngi, hindi ko lang ito pinansin. Umupo ito sa tabi ko at agad akong umiwas nang akmang yayakapin ako nito. " Baby naman, nagmamadali akong umuwi dahil miss na miss ko na kayo tapos ganito lang dadatnan ko " nakasimangot niyang sabi, namiss ko rin siya pero sa tuwing naaalala ko na

