Episode 1
" Zyrine Zenobia Aguirre! Kailan kaba matututong sumagot kaagad ng tawag ko? " naiinis na sigaw ni Lexie nang sagutin ko ang tawag niya. Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sakin, ayaw ko kasing tinatawag ako sa buong pangalan. Ayaw ko yung Zenobia, napapangitan ako.
" Ano bang kailangan mo? Saka pwede, don't call me Zenobia? Ang ganda ganda ko tapos tatawagin mo ako sa ganung pangalan. " pagtataray ko dito na ikinatawa niya.
" Nagawa mo na yung assignment? " tanong nito.
" Yep! " maikling sagot ko, napatingin ako sa may labas nang mapansing may kotseng pumarada.
" Pakopya " napabuntong hininga ako sa sinabi nito.
" Lagi na lang! " Sabi ko, napakunot noo ako nang makitang lumabas si mama sa kotse at may kasama itong matangkad na lalaki pero hindi ko nakita ang mukha. Agad din silang nawala sa paningin ko dahil pumasok na sila ng bahay.
" Tinamad kasi akong gumawa! " sabi nito.
" Sige na, isesend ko sayo. "
" Hintayin ko ha! nga pala, wag kang magsusumbong kay Ryan. Magagalit na naman yun sakin, sabihin na naman di ako nag-aaral. " napangisi ako sa sinabi nito.
" Ah, alam ko na para hindi ka laging nag-aabang ng sagot sakin. Sabihin ko na lang sa kanya na igawa ka niya ng assignment. " pagbibiro ko, tila nahimigan ko naman ang pagsimangot nito.
" Wag naman! magagalit yun. Kapag tinopak pa naman yun, ang hirap suyuin. " napangiti ako sa sinabi niya. Sana all may lovelife.
" Sige na, isesend ko. Hintayin mo na lang. " sabi ko rito para matahimik na.
" Sige salamat bes, wag ka magsusumbong. " natatawa nitong sabi.
" Oo na nga, ang kulit! " tila naiinip ko namang sabi.
" Sige na, bye! " paalam nito at hindi na ako hinintay pang magsalita at pinatay na ang tawag.
Bumangon ako ng kama at kinuha ang papel ko sa bag. Hinanap ko yung assignment at pincturan saka sinend sa kanya.
Napangiwi ako nang tumunog ang tiyan ko, hindi pa nga pala ako kumakain. Itinabi ko ang papel at nagpasyang lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain sa kusina.
Kumunot ang noo ko nang makita si mama at yung lalaki sa sala nakaupo, pero hindi ko makita yung mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa akin.
Ngumiti ng maluwang si mama nang makita ako at kita ko ang kaligayahan sa kamyang mukha.
Naglakad ako palapit sa kanila dahil curious ako kung sino ito.
" Zyrine this is Zeus. Zeus this is Zyrine, my daughter " pagpapakilala ni mama sa kasama niyang lalaki nang makalapit ako, nakatayo lang ako sa gilid at nakatingin kay mama.
" Hi Zyrine " nakangiting bati ng lalaki, I looked at him na ngayon ay nakaangat na ng tingin sakin, at bumilis ang t***k ng puso ko nang masilayan ko ang kanyang mukha. Napakurap-kurap pa ako.
Gising ba ako? O nananaginip lang? Bakit may anghel sa aking harapan?
Napakagwapo nito, he has thick, perfectly shaped eyebrows and hazel color of eyes. Sobrang tangos ng ilong at mapupula ang mga labi. Shems! Mas makinis pa yata ang mukha niya kesa sakin, may malalalim siyang dimples at tila wala na siyang mga mata kapag nakangiti.
" Zyrine "
" Ha? " gulat na tanong ko sa pagtawag sakin ni mama.
" Are you okay? " tanong nito.
" A-no, ammp! Yes " s**t, bat ganito. Sobrang init ng mukha ko.
" Dito na titira si Zeus "
" Whaaaaat? " laking gulat ko sa sinabi ni mama. Sino ba siya?
" Zyrine, i'm sorry kung hindi ko sinabi sayo at kung hindi man lang ako nagpaalam sayo. Zeus and i are married. Kahapon lang kaya nawala ako ng ilang araw dito sa bahay. " nanlaki ang mga mata kong nagpalipat lipat ang tingin sa kanila. Lumapit si mama dun sa lalaki and there, i saw their holding hands.
" Kalokohan " tumatawang sabi ko. I can't believe this. Si mama mag-uuwi ng lalaking mala-anghel? Tapos kasal na sila ng diko alam? Nooo!! I know her, she love my father so much. Kahit matagal nang patay si papa hindi ko siya nakita kahit kailan na may kasamang lalaki.
Pero may part sakin na gustong maniwala. E sa gwapo ba naman kasi ng nilalang na ito, kahit sino siguro maaakit dito. Pero, sa tanya ko nasa 28 years old lang ito. Tapos si mama 42 years old na.
" It's not a joke " napatingin ako sa lalaki.
" Zyrine, Zeus is now your step-father. Please respect him the way you respect me. " My gooood! Mababaliw yata ako dito.
" Mom, prank ba to? Look at him, he look like 28 years old and you. f**k! Mom your 42 years old, are you out of your mind? "
" Zyrine, age doesn't matter. We love each other " Nanay ko pa ba to?
" What about dad? You love dad very much. I can't believe this mom " naguguluhan ko paring sabi.
" Zyrine, matagal nang patay ang papa mo. It's time for me to find my happiness. "
" Oh, f**k! I can't believe this. You're crazy, both of you are crazy " naiiling kong sabi saka tumalikod at pumasok na sa kwarto.
Narinig ko ang mga yabag ni mama na nakasunod sakin. Pabagsak akong umupo sa kama at sumandal sa may headboard.
" Anak! " malumanay na tawag sakin ni mama pero hindi ko ito nilingon.
" Anak, hindi mo ba gustong maging masaya ako? " tanong nito na tila nangongonsensya.
" Anak, matagal narin akong nagluluksa sa pagkawala ng papa mo. Oras narin siguro para hayaan ko ang sarili kong maging masaya. " paliwanag nito, hindi ko alam pero tila nanikip ang dibdib ko.
" Alam kong nakakabigla pero umaasa ako na matatanggap mo ang relasyon namin. Alam kong naguguluhan kapa kaya hahayaan muna kitang mag-isip. " sabi nito at tinap niya ang balikat ko bago tuluyang naglakad palabas ng kwarto ko.
Bumuntong hininga ako saka humiga at pumikit.
Matatanggap ko ba? Bilang isang anak, ang hiling ko lang maging masaya si mama. Siguro nga dapat narin siyang maging masaya, siguro hayaan ko na kasi ang dami narin niyang hirap para palakihin ako at pag-aralin. Siguro nangangailangan narin siya ng katuwang.