Episode 2

1156 Words
" Zyrine, let's eat " bungad ni mama sakin paglabas ko ng kwarto. Nadatnan ko silang kumakain na, umupo ako sa kaliwa ni mama, sa kanan kasi niya nakaupo ang stepfather ko daw. Hayst! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. " Kumusta ang pag-aaral mo? " tanong ni mama habang kumukuha ako ng kanin. " It's okay " tipid kong sagot. 4rth year college na ako sa course na Bachelor of Arts in History. " Ihatid na kita sa school " napaangat ako ng tingin sa aking great-great stepfather. " No thanks " feeling close, kahit gwapo ka dimo makukuha ang loob ko noh! " Pumayag kana, para hindi kana mahirapan sa pag-commute " saad ni mama. " Mas gugustuhin ko pa po magcommute kesa maabala kayo " sarcastic kong sabi. " Zyrine please! " napatingin ako kay mama na tila nagsusumamo ang mga mata. Kahit naman nagpadalos-dalos siya sa pagdedesisyon at kahit galit ako mahal ko parin siya. " K fine " i rolled my eyes. At nakita ko sa pheripheral views ko na nakangiti silang dalawa. After namin kumain ay nauna na akong pumasok sa kotse ng aking stepfather. Diko alam kung bat naisipan nitong ihatid ako. After 5 minutes ay lumabas narin siya ng bahay at sumakay ng kotse. Ano pa kayang ginawa niya dun? Hayst! Bobo ka Zyrine, malamang naglampungan muna sila ng mama mo. Narinig kong pina-andar na niya ang kotse. Tahimik lang kami habang nasa byahe. Buti naman, ayaw ko rin naman siyang kausap e. Pagkapark niya sa school ay agad akong bumaba pero dipa ako nakakalakad ng tawagin niya ako. " What? " bored kong tanong. " Bakit kaba galit na galit sakin? " He asked. Bakit nga ba? Aywan basta ayaw ko sa kanya. Hindi ko siya gustong maging stepfather. " If you really love your mother then give me a chance na maging tatay sayo. " " Oh come on, we both know na hindi kita gustong maging tatay at hindi mo rin ako gustong maging anak-anakan. I feel it so you don't have to pretend dahil wala naman dito si mama " pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at umalis. Nakakainis, sa dinami-dami ng lalaki dito sa lupa bakit siya pa? " Zyrine " sigaw ni Lexie pagpasok ko ng room namin. Saka ako niyakap, akala mo talaga e hindi kami nagkita ng matagal. " Oh, bat parang masama na naman ang umaga mo? " tanong nito. Napabuntong hininga ako at umupo sa may gilid sa likuran. Ayaw ko sa harap, masyadong pansinin ng mga teacher e. " Ikaw ba pag nakasama mo sa iisang bahay ang stepfather mo at nagpilit pang ihatid ka, gaganda pa ang umaga mo? " naiinis kong sabi. Alam narin niya dahil sinabi ko, one month narin kasi na nasa amin ang stepfather ko. " Hay naku! Hayaan mo na lang yang mama mo kung doon siya masaya. " hay naku, sana ganun kadali. " Zyrine " napatingin kami sa may pinto and there pumasok ang dalawang kulugo na sina Patrick at Ryan. Si Ryan at Lexie ay magjowa tapos si Patrick nanliligaw sakin. Business administration ang kurso nila. Napunta lang yang mga yan dito para mambwisit. Diko nga alam kung nanliligaw ba tong si Patrick dahil wala naman ibang ginawa kundi asarin ako. " Andito na naman lamang kayo " mataray kong sabi. Ngumiti lang ang mga kupal. " Ang sama ng umaga mo ah baby " sino pa ba nagsalita? Edi si Patrick. Mula noong nanligaw yan baby na tawag sakin, ang kapal ng mukha. " Ikaw, tigilan mo ako sa pababy baby mo. Lumayas nga kayong dalawa dito. Nakakasawa na ang mga pagmumukha niyo " kunot noong sabi ko. At tumawa lang ang mga lechugas, nakisama pa si Lexie. " Parating na si ma'am " sabi nung isang kaklase namin kaya naman tumakbo na palabas yung dalawa. " Bye baby, see you later " with matching flying kiss pa tong bwisit na Patrick na to bago tuluyang makalabas ng pinto. Sinamaan ko ito ng tingin pero wala na, nakaalis na. Paano ba gaganda ang umaga ko? Hayst! " Good morning class " bati ng kapapasok lang na si maam Ara. Si ma'am Ara ang teacher namin sa dalawang history subject. " Good morning ma'am " bati namin. Pero ako sa labas parin nakatngin. " Mag-papaalam lang ako today. Dahil nga sa pagbubuntis ko, kinakailangan ko munang huminto sa pagtuturo. Pero don't worry kasi may papalit naman sakin at for sure matutuwa kayong maging teacher ito " sabi ni maam habang hinahaplos ang malaking umbok ng tiyan niya. Sino kaya ang papalit sa kanya? Sana naman kasing bait lang din ni ma'am. " Ma'am lalaki po " tanong ng isa naming kaklase. " Yes " nakangiting sagot ni maam. " Binata ma'am? " tanong ni Cindy. Ang lalandi naman juskooo! " Oo binata at gwapo " natatawang sabi ni ma'am. Hay naku, bahala kayo dyan. I yawned, inaantok ako. Dumukdok ako sa aking armchair at pumikit. " Sir pumasok kana " narinig kong sabi ni maam. Pero hindi ko na lang pinansin. " Oh my god " " Ang gwapoooo! " " Makalaglag panty si sir " " Mukhang anghel na bumaba sa lupa" Ilan lang yan sa mga narinig kong bulong-bulungan. Sus, ang dami naman gwapo dito sa campus e. Si Patrick gwapo din, dapat yun ang landiin nila para naman wala na nang-aasar sakin. " Sir, maiwan na kita. Ikaw na bahala magpakilala " narinig kong sabi ni maam at mukhang umalis narin. " Good morning class, I'm Zeus Meyers, I'll be your temporary prof. in history 6 and 7 " Napa-angat ako nang marinig ko ang boses at napatingin sa harapan. Nakita ko ang nakangiti kong stepfather sa harap. Noooo! It can't be, nananaginip na naman ba ako? " Sir, ilang taon kana po? " tanong ni Maicca. " I'm already 27 " muntik nang lumuwa ang mga mata ko. Akala ko kasi nasa 28 na siya, diyos ko mama! Bakit naman ganito kabata ang pinili mo? Para mo na tong anak e! " Lexie, kurutin mo nga ako " siniko ko si Lexie dahil nakatulala na po siya sa aking stepfather. Palibhasa hindi niya kilala. " Bakit? " takang tanong niya. " Sabihin mo, nananaginip ako diba? " nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi saka ako binatukan. " Aray naman " reklamo ko pero yung boses ko sapat lang na marinig niya. " Hindi ka nananaginip, totoong may anghel sa harapan natin " kinikilig nitong sabi at itinuon na ang mga mata sa aking stepfather. Oh noooo! Lord, bat naman ganito? Tumingin ako sa kanya at saktong nakatingin naman siya sakin. Nag-smirked pa ang bwisit. Ang dami pa nilang tinanong sa aking stepfather na ngayon ay teacher ko na, pero hindi na ako nakinig. Hanggang sa narinig kong nagpa-alam na siya. Hindi ko na alam ang ibang nangyari dahil lutang na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD