" Saan ba tayo pupunta? " naiinis kong tanong kay Zeus. After niya magpropose sakin, naging okay narin naman kami. " Basta, wag kana lang magreklamo. Sumama kana lang, di naman kita ipapahamak e. " sabi nito at iginiya niya ako para pumasok sa sasakyan. Sino bang hindi maiinis sa kanya, gabing gabi na oh. 10pm na, juskoo naman tong lalaking to. Hindi na lang ako umimik at pumikit na, bahala siya matutulog muna ako. " Zenobia " nagising ako sa marahan niyang pagtapik sakin. " Andito na tayo " nakangiting sabi nito. Tumingin ako sa paligid at napakaliwanag dahil sa bilog na bilog na buwan. May pinindot siya sa gilid at biglang bumukas ang bubong ng sasakyan. Naging open na ito kaya kitang kita ko ang napakaraming bituin sa langit. Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking

