Paggising ko ay naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko at pagkahilo. Ilang araw ko narin namang nararamdaman to, hindi ko lang pinansin dahil sa mga nangyari. Mukhang kailangan ko na magpacheck up, baka kung ano na ito. Tinatamad akong bumangon pero kailangan kong pumasok dahil last day na ng examination namin saka kailangan kong puntahan si Zeus ngayon. Miss na miss ko na siya e. Bumangon ako at agad naligo saka lumabas ng kwarto pagkabihis. Naabutan ko si mama sa kusina na nagluluto ng sinangag. Bat ang baho naman ng bawang? para akong nasusuka. " Good morning anak! " bati nito nang makita ako. " Good morning po! " sagot at uminom ng tubig para mawala ang paglalaway ko. " Sana ma, ginising niyo na lang ako at ako na nagluto. Dapat nagpapahinga na lang kayo e. " sabi ko dito. " Hayaan

