" Zyrine, may problema kaba? Napapansin ko kasi halos isang linggo ka nang ganyan " nag-aalalang tanong ni Lexie. " Ha? " takang tanong ko. " Zyrine, wag kana magkunwari. Kaibigan mo ako, alam ko na may problema ka. " nakatitig ito sa akin na tila hinahanap ang sagot sa mga mata ko. " Ano kaba, wala noh " nakangiti kong sabi. One week na ang nakakalipas mula nang nangyari yung hindi dapat nangyari. Sa sobrang guilt na nararamdaman ko hindi ko matignan si mama. Laking pasalamat ko na lang dahil paggising ko kinaumagahan ay wala ang stepfather ko at umuwi daw yata sa bahay niya. Sinamantala ko namang nagpaalam kay mama na dun muna ako magstay kila Lexie, dinahilan ko na lang na gagawa kami ng thesis. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang kailangan ko munang lumayo.

