bc

Callboy Diaries

book_age0+
538
FOLLOW
2.2K
READ
bxb
mxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Disenteng tao ang makakaharap ni RS sa kanyang bagong trabaho.

Pero hindi pala disenteng trabaho ang pinasukan niya. Magiging instrumento siya para sa kasarapan kapalit ang malaking halaga ng pera. Handa ka na ba?

chap-preview
Free preview
0
CALLBOY DIARIES Simula Ngayon ang araw kung kelan ako magkakaroon ng magandang trabaho. Dati akong construction worker sa ginagawang apartment malapit sa amin pero nag-resign ako sa trabaho. Nag-resign ako hindi dahil sa ayaw ko na magtrabaho, kundi ayaw ng asawa ko na si Trina. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Mahal na mahal ko ang pagiging isang construction worker dahil dito ako natuto ng napakaraming bagay at nagkaroon ng maraming mga kaibigan, ng mga kumpare. Kaya nga lang, pinag-resign ako ng misis ko. Mababa lang kasi ang sahod at hindi sapat ang kinikita ko kahit na mag-overtime pa ako para sa pamilya. Labing-walong taon ako nang tinangka kong lumayas sa bahay. Tinanan ko ang asawa ko ngayon na si Trina dahil tulad ko, gusto na rin niyang lumayas sa kanila. Mahal namin ang isa't-isa pero naging hadlang naman iyon para sa aming mga pangarap. Pangarap ko noon ang isang maging pulis pero dahil sa matigas ang ulo ko at mas pinili ko si Trina, ayun nauwi sa pagiging construction worker ang naudlot kong pangarap. Si Trina naman, gusto niyang maging nurse, pero dahil sa akin imposible na rin niyang matupad ang kanyang pangarap. Maaga kaming nag-asawa nang hindi namin alam na may kaakibat pala itong malaking responsibilidad. Kung maibabalik ko lang ang panahon at ang oras. Pero wala na akong magagawa. Nandito na ako ngayon. Dapat ko nang harapin ang hamon ng buhay lalo pa't ako ang haligi ng tahanan. Ako ang ama kaya dapat ako ang kumilos. Maghahanap na ako ng matinong trabaho. "Hon, paabot naman nung tuwalya." utos ko sa asawa kong si Trina. "Oh." sabay abot niya sa akin. "At saan naman iyang sinasabi mong trabaho, huh? Ayusin mong matino yan at ikakabuhay yan ng pamilya natin." tumaas ang kilay niya. "Eto naman si hon." niyakap ko siya at hinagkan pagtapos kong magtapis ng tuwalya. "Ako ang bahala, hahanap ako ng magandang trabaho para kay baby Cholo." "Hmp, ayusin mo lang. Dapat makakain na tayo ng tatlong beses sa isang araw niyan at dapat may pambili na rin ng gatas at mineral si baby Cholo." "Opo, hon. Gagawin ko ang lahat para satin." binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngisi. "Tama na nga pagpapa-cute mo diyan! Kumilos ka na, magpabango ka para hindi nila halatang sa squatter ka nakatira." inabot niya sa akin ang blackwater na pabango. Konti na lang ito kaya tinipid ko. Wala pa akong pambili ng bagong pabango. "Hon, huwag kang mag-alala, sa gandang lalaki ng asawa mo, hinding-hindi 'to pag-iisipan na mabaho at squatter noh." mayabang kong sabi. "Talaga lang, huh? O sige na, umalis ka na at maglalaba pa ako." "Kiss ko muna?" ngumuso ako. Binigyan niya ako ng matamis na halik sa labi ko at nagpaalam na ako para umalis. Bandang ala-una ng hapon ako nakarating sa hintayan ng kaibigan kong si Bren. Sa tapat daw ng 7-Eleven ang hintayan pero hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi kaya nauna lang ako ng konti? Chineck ko ng mabuti ang relo kong G-Shock na binili ko pa sa Baclaran, medyo luma na ito pero ayos pa naman, papalitan ko rin ito kapag bumali na ako sa trabaho. "Uy, pare nandyan ka na pala? Ang aga mo yata? Excited ka ano?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Bren sa likuran ko. "Kakarating ko lang dito, pare. So saan ba tayo pupunta?" "Edi maghahanap ng trabaho, lika na!" Naalala kong dalawang jeep ang sinakyan namin bago kami makarating sa lugar na sinasabi ni Bren. Dito raw ako magkakaroon ng magandang trabaho. Malaki raw ang kikitain ko kapag araw-araw akong pumasok dito. Medyo kinakabahan ako kaya huminga ako ng malalim bago pumasok. Puro kalalakihan ang mga nakikita ko sa paligid. Siguro'y naghahanap din sila ng trabaho. Mukhang may malawakang job fair pala dito sa loob. "Handa ka na ba?" tanong ni Bren habang may hawak-hawak siyang kurtina. Nagtaka naman ako kung ano ito kaya ko tinanong. "Maligayang pagdating sa Adonis World." Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasilayan. Isang malaking screen lang ang nakikita ko sa harapan at bukod pa ro'n ay madilim na ang buong paligid. Kulay pula pa ang mga ilaw. Mas lalo akong kinabahan. "Uy, Bren ano ba 'to?" napakunot ako ng noo. "Parang sinehan naman 'to? Anong magiging trabaho ko rito? Tiga-linis ng sahig? Tiga-tinda ng popcorn?" Humalakhak siya ng malakas. "Pare, relax. Malalaman mo rin maya-maya lang may lalapit din satin." Nagkibit-balikat nalang ako at hinintay kung sino ang sinasabi niyang darating. Maya-maya lang nag-umpisa na ang palabas. Lumiwanag na rin ang paligid dahil sa liwanag na dinudulot ng projector sa screen. Ngayon ko lang nakita na puro kalalakihan lang pala ang mga manonood dito. Ang iba'y nakatayo na para bang may hinihintay din katulad namin ni Bren. Ang iba nama'y nakaupo, pero kakaiba ang kanilang ginagawa. Nakakita ako ng dalawang lalaking naghahalikan kaya agad akong napatingin kay Bren. "Uy, ano bang lugar 'to? Bakla ba 'yung mga 'yon?" tinuro ko pa yung dalawang lalake na nakita ko pero tumawa lang si Bren. "Pare, ano ka ba? Easy lang, don't rush." sabay kindat pa niya. Sa totoo lang kinakabahan na ako, parang may kakaiba dito sa loob. Ito ang unang beses na pumasok ako sa ganitong lugar. Mas lalong nagpakaba sa akin ang pinapalabas sa isang malaking screen. May dalawang lalaki na hubo't-hubad. At ang mas pinakamalala, nagtatalik sila. Hindi ko na kinaya ang mga napanood ko sa harapan at lumabas ako ng sinehan. "Uyy, saan ka pupunta? Hindi pa nga nag-uumpisa yung trabaho susuko ka na?" paghabol sa akin ni Bren "Ano ba, Bren? Paano mo nasisikmura 'yung pinapalabas doon?" "Pare. 'Di ba gusto mo ng trabaho. Ito na 'yun, ito na lang ang tanging paraan para magkaroon ka ng malaking pera. Mas malaki pa 'to sa pagiging construction worker mo." "Mas ayos pa 'yun kesa naman dito. Pare, ano ka ba? May iba pang trabaho diyan, mag-sidecar boy, mag-benta ng fishball, o 'di ba mas okay pa 'yon?" "Pare, minsan lang 'to. Wala namang masama kung susubukan hindi ba? Tara na, lika na! Promise mas doble o triple pa ang magiging pera mo rito, kaya tara na. Ikaw na nga tinutulungan para magkapera." Bumalik kami ni Bren sa loob ng sinehan. Hindi na lang ako tumingin sa malaking screen para maiwasan ko ang pandidiri. Ang mga tao na lang na nanonood ang tinignan ko. Puro lalake sila, kung hindi lalake puro naman mga bading. Hindi ko alam kung ano ang magiging trabaho ko rito pero ayokong pumatol sa bakla. Mapapatay ako ni Trina kapag nalaman niyang dito ako nagta-trabaho. Mas mabuti pa sigurong itigil na 'to. Aalis na sana ako nang may lumapit sa amin. Isang matangkad na lalaki, matipuno ang pangangatawan. Mukhang disente dahil naka pormal ang suot niya. Baka ito na ang boss. "Anong pangalan niyo mga hijo?" aniya. "Ah. Sir, eto po pala ang kaibigan ko, si RS." si Bren mismo ang nagpresinta para ipakilala ako sa disenteng lalaki. "Ah, ano po pala. First time niya rito sa loob, naghahanap po kasi siya ng magandang trabaho para sa pamilya niya." "Gano'n ba?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Tinitignan niya siguro kung malinis akong tao. Malinis naman ako at mabango pa. Napangisi ako. Ayon kasi sa nabasa kong libro, always smile. Lagi raw magpakita ng magandang ngiti lalong-lalo na pag naghahanap ka ng trabaho. Lalong-lalo na kapag katapat mo ang HR o ang boss. "Oh, by the way, I'm Luis." napatingin ako sa kamay na inalok sa akin ng kaharap kong disenteng tao. "Shake hands par." bulong sa akin ni Bren. "RS po pala, sir Luis." ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya. "Okay, RS, follow me." aniya at sumunod ako. Tinignan ko ang kaibigan kong si Bren pero sumenyas lang siya ng goodluck at hinayaan niya lang ako na sumunod. Naiwan siya sa loob ng sinehan habang ako nakasunod kay sir Luis hanggang sa marating namin ang kotse niya. Wow, bigtime pala ang magiging amo ko kung sakali. Naku, huwag naman sana maging modus 'to. Sa tingin ko hindi naman siya modus, napaka-disente niyang tingnan at talagang karespe-respeto. Isa pa maganda ang kotse niya, pangit kaya minsan at luma na ang mga kotse na ginagamit ng mga modus. 'Yun kasi ang nakikita ko sa mga palabas Nasa loob na kami ng kotse niya. Nasa driver's seat siya habang ako naman ay nasa tabi niya. Kinakabahan ako pero mukha naman siyang mabait na tao. "Kumusta ka pala? Anong trabaho mo dati?" "Sa construction po." "Ah gano'n ba? Sigurado ka ba sa ganitong trabaho? Wala nang atrasan 'to. Pero pagkalabas mo rito, limpak-limpak na ang pera mo." pinakita niya sa akin ang isang sobre. Naglalaman ito ng iilang isang libo. Sobrang-sobra na iyon para sa pamilya ko. "Makukuha mo 'to, RS. Pero handa ka na ba? Limang-libo ang laman niyan, bonus ko sa'yo dahil first time mo pala." "Opo handa na po ako, ano po pala ang magiging trabaho ko?" "Simula ngayon...." dahan-dahan niyang inilapat ang kanang kamay niya sa binti ko. Hinihimas-himas niya pa 'yon at dahil do'n ay nanlaki ang mga mata ko at mas lalo pa akong kinabahan. "Ang trabaho mo ay magiging callboy kapalit ng pera." tumingin siya sa akin at ngumisi saka tumingin sa dinadaanan namin. Naku mali, mali itong pinasok ko. Disente yung taong kaharap ko pero yung trabaho hindi pala disente.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Undeniably Wanted

read
179.7K
bc

The Ransom

read
282.9K
bc

Fighting His Love

read
308.1K
bc

My Mate

read
1.4M
bc

Possession ( Book One of the Accalia Series)

read
235.5K
bc

The New Girl Next Door

read
313.7K
bc

All the Wrong Places

read
687.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook