Napalitan ng awa ang nararamdaman galit ni Prinsesa Rebeka ng makita ang unti-unting pagkalat ng lason mula sa patalim. Tutuyuin ng lason iyun ang dugo na dumadaloy sa mga ugat ng kapatid. Nakaluhod ito habang nanghihiklabot na pinagmamasdan ang unti-unti pagtuyo ng balat nito. Lumuluha itong napatingin sa kanila. "H-hindi!!! Hindi ako pwedeng mamatay!!!"puno pa rin ng kasamaan nitong saad. Umagos ang luha sa mga pisngi niya. Hindi niya malubos maisip na lalamunin ng kasamaan ang kanyang nakakatandang kapatid. May yumakap sa kanya mula sa gilid niya. Si Amir. Sa mga bisig nito binigyan siya ng tatag ng kalooban na tanggapin ang katotohanan na kailan may hindi na babalik sa kanila ang dating si Prinsesa Roisa. " I-ikaw! Ikaw dapat ang mamatay! Bakit lagi ako ang talunan! Bakit!!!!"puno

