60

698 Words

Napakagandang paraiso. Iyun ang nakikita ngayon ni Fellie. Nasa gitna siya ng mayayabong mga bulaklak sa iba't-ibang kulay. Tuwang-tuwa na inamoy niya ang isang bulaklak na malapit sa kanya. Napakabango at napakapayapa ng paligid. Ito ang lugar na gusto niya. Walang ingay at g**o. Nang mapansin niya ang isang daan na nababalutan ng pinong d**o may ngiti sa mga labi na tinahak niya iyun. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay may isang lalaki ang nakatayo roon at tila inaabangan siya. Hindi man lang siya kinabahan kung sino ito dahiL nakangiti ito sa kanya at..napakagwapo. Isang pamilyar na mukha sa kanya. "Kamusta ka?" palakaibigan nitong tanong sa kanya ng makalapit siya rito. "Maayos naman. Ang ganda dito.." nasisiyahan niyang pagtugon rito. Nanatili ang mga ngiti sa labi nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD