Patuloy pa rin sa pagpapagaling ng kasintahan si Fellie. Kailangan pa nito ng sapat na pahinga ayon kay Lupe. Ang matandang manggagamot at hindi pa rin niyang mapaniwalaan na ito nga ang matandang manggagamot. Pinanunuod niya ito habang sinusuri si Fellie. "Malapit ng magdugtong ang buto sa likod mo,Fellie.."saad nito na kinangiti agad ng kasintahan. Pinisil niya ang kamay nito na hawak-hawak niya habang nakaupo siya sa gilid ng hinihigaan nito. " Salamat,Lupe..alam mo hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw yung matandang manggagamot..ang ganda mo,"hindi na napigilan wika ng kasintahan. Napangiti lang ito. "Salamat sa papuri," anito. Bumukas ang pintuan at pumasok roon ang kanyang ina kasunod nito si Amir. "Kamusta? Maayos na ba ang lagay niya?" agad na pagtatanong n

