Chapter 1

1597 Words
"LEIGH, anak bangon na. Bawal akong malate sa interview ko." Malumanay na pakiusap ko sa aking apat na taon na anak na naroon pa rin sa kama namin, nakahiga habang nakayakap sa doraemon niyang stuff toy na binili ko kahapon. Katatapos kong maligo at abala ako sa pagpupunas sa medyo mahaba kong buhok na bagsak. Isinaksak ko 'yong electric fan para mabilis na matuyo ang basa kong buhok. Binuksan ko na rin 'yong bintana ng kwarto namin at diretso ang sinag ng araw sa tapat ng anak ko kaya napadaing ko. "Hindi ka ba sasama sa'kin? Aalis si Mama." Sinuklay ko 'yong buhok ko habang nakaharap sa malaking salamin dito sa kwarto namin. Nakita ko sa repleksyon ng anak ko sa salamin na bumangon na siya sa pagkakahiga. Kinusot-kusot niya ng bahagya 'yong mata niya gamit 'yong maliliit niyang kamay. Pinanood ko lamang siya na tumayo at naglakad palapit sa akin. "Goodmorning, Ma." Bati nito sa akin habang nakayakap sa beywang ko. Yumuko ako ng konti para makahalikan 'yong ulo niya. "Inumin mo na 'yang gatas mo para makaligo ka na. May lakad tayo ngayon." Masunurin ang anak ko kaya naglakad siya palapit sa may study table at ininom ang gatas na tinimpla ko para sa kanya. Nagbihis muna ako ng pambahay para paliguan siya't bihisan. Hindi naman ako natagalan na asikasuhin si Kesleigh dahil marunong na siyang maligo mag-isa. Binabantayan ko lamang siya para sa kaligtasan niya. After twenty minutes at nabihisan ko na siya kaya ako na rin ang nagbihis. Hindi rin ako natagalan dahil simple lang naman 'yong isinuot ko. "Hello, Leya, asan ka na?" "Bes, nandito pa 'ko sa bahay e." Sagot ko sa tawag ng kaibigan kong si Jen. Narinig ko ang pagrereklamo niya dahil baka raw mahuli na ako sa pila. "-Pero, papunta na rin, pinapakain ko lang si Kesleigh. Mabilis lang 'to, promise, baka kasi magutom siya don." Marami pa naman daw 'yong gustong makapasok sa Guererro Company dahil ibang klase sila magpasahod sa mga empleyado nila. Kilala rin kasi ang kompanya na yon bilang isa sa mga mayaman at magagaling na owner sa business industry. Noong ipinaalam ni Jen na naghahanap sila ng bagong empleyado, hindi na ako nag-antubiling sumubok. Lumalaki si Kesleigh gayun rin 'yong mga gastusin niya. Bukod sa nagtatake siya ng vitamins at ilang gamot sa sakit niya, baon rin ako sa utang. "Leya, seryoso, dadalhin mo ang anak mo don?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jen sa kabilang linya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam kong salubong ang dalawa niyang kilay. Sumagot naman ako. "No choice, wala akong mapag-iiwan rito sa anak ko. Tsaka, don't worry, hindi naman siya makulit kapag pinapakiusapan ko. Hindi naman siguro siya manggugulo don." Nakaipit sa teinga ko't balikat 'yong selpon dahil abala ang mga kamay ko sa pagpapakain kay Kesleigh. Pinapakiusapan ko siya na kumain ng marami para makagayak na kami. Sinunod naman niya ang gusto ko kaya hindi ako nahirapan. "Hindi nga siya manggugulo pero baka pagalitan ka ng mga staff dito." "Bahala na, bes. Sige na, kitakits na lang dyan mamaya. Gagayak na kami e. Babye." Nagdala ako ng marshmallow na paborito ni Kesleigh. Kumuha rin ako ng tubig saka ilang sandwich para incase gutumin kami parehas ay may makakain kami. Kaysa naman bumili pa kami sa labas gayung mahal na ang mga bilihin ngayon. Kinakailangan ko ring magtipid dahil wala naman akong kasiguraduhan kung makukuha ako sa papasukan kong trabaho. Hawak-hawak ko ang kamay ni Kesleigh sa kanan ko habang sa kaliwa ko naman ay 'yong folder na pinaglagyam ko ng mga importanteng dokumento. Kaagad na kaming nagtungo sa terminal ng jeep, sakto lang 'yong dating namin bago napuno ito't gumayak na. Habang nasa byahe ay panay tanong si Kesleigh kung saan kami pupunta. Imbes na sagutin siya, pinapakiusapan ko na lang na magbehave sa pupuntahan namin. Tumango naman ito at nangako kaya panatag ang loob ko na hindi kami makakagawa ng gulo. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa amin nang papasok kami sa malaking building ng Guerrerro Company. Hindi pa kami papapasukin ng guard kung hindi ko sinabi sa kanya na mag-aapply ako ng trabaho at ngayom 'yong nakatakdang araw ng interview ko. Pero kahit na konti na lang ay huhubaran kami sa mga tingin nila, pinagpatuloy ko ang paglalakad habang akay-akay 'yong anak ko. Nagbingi-bingihan ako sa mga narinig ko dahil una sa lahat hindi naman sila ang ipinunta ko rito. Sakto lamang 'yong dating ko, hindi pa ganon kahaba 'yong pila. May nakatengga doon na monobloc chair kaya naupo kami ni Kesleigj doon. Nakakandong siya sa akin at naglalaro ng Pou sa selpon ko para hindi siya maburyo. Habang lumilipas ang oras, padami ng padami ang tao. Pasalamat ko na lang talaga na tumawag si Jen sa akin kanina. "Ma, gutom ako." Usisa ng anak ko kaya kinuha ko sa loob ng bag 'yong dala kong biscuit at marshmallow. Pinapili ko siya kung alin sa dalawa, marshmallow ang pinili niya dahil 'yon nga ang paborito niya. Nanood ulit siya habang kumakain samantalang ako, mabusisi na naghihintay na makapasok sa loob. Nangangalay na 'yong balikat ko na sinasandal ni Kesleigh pero tiniis ko. "Next, please." Anunsiyo ng staff mula sa loob nang lumabas ang lalaking nauna sa akin sa pila. Aligaga kong inayos ang sarili ko saka inakay si Kesleigh papasok sa loob. Kapansin-pansin ang gulat ng babae nang pumasok kaming dalawa ng anak ko. "Goodmorning po, Maam." Bati ko at nginitian niya ako pero na kay Kesleigh ang tingin niya. "Ah, anak ko nga po pala." Sinenyasan ko si Kesleigh na batiin ang mag-iinterview sa akin. Binati siya ni Kesleigh at kinawayan pa ng mahinhin, napansin ko naman na natuwa ang babae. Pagkatapos ay sinenyasan ako ng babae na maupo sa tapat niya, kagaya kanina sa labas, nasa kandungan ko si Kesleigh. Inalam ng babae ang personal information ko saka kinuha 'yong ilang dokumento na kailangan kaya isa-isa kong inilabas ang mga 'yon sa folder. Sinagot ko ng maayos at may galang ang bawat tanong na binato nito sa akin. Pasalamat ko't hindi nagdaldal si Kesleigh habang kinakausap ako ng babae. Pangiti-ngiti lang ako pero kinakabahan ako ng sobra sa maaaring kalabasan ng pag-aapply kong 'to. "Miss Cattleya, sobra akong natuwa sa work experience mo, ganoon ang hinahanap namin sa mga magiging empleyado ng kompanyang ito." Magandang feedback ni Maam Wena pero nawala ang ngiti niya pagkatapos non. "-Sorry to say this pero college graduate kasi ang hinahire namin dito." Nawala ang ngiti sa labi ko. Malaking disadvantage talaga 'yong pagiging highschool graduate lang kapag ganitong mag-aapply ako ng trabaho. Lahat ng inaapplyan ko, gusto ang work experience ko pero hinahanap ang college diploma ko. Wala naman akong maibigay dahil hindi ako nakapag-aral ng college dahil sa isang desisyon na pinagsisisihan ko. "Maam, opo hindi po ako college graduate pero masipag po 'ko. Hindi po 'ko mapili sa trabaho. Hindi po ako reklamador kahit tambak po 'yong ipagawa niyo sa akin. Kahit mag-overtime pa ako araw-araw, ayos lang sa'kin." Pangungumbinsi ko. Hinawakan ko ang buhok ni Kesleigh at napatingin doon si Maam Wena. "Kinakailangan ko lang po talaga ng trabaho para sa pangangailangan nitong anak ko." Matagal akong tinitigan ni Maam Wena, iniisip kung nararapat ba akong bigyam ng chance o hindi. Hindi niya ako masisisi kung gagawin ko ang lahat para mabigyan ng magandang buhay ang anak ko. "Naiintindihan ko po na kilala at malaki ang kumpanyang 'to pero desperada po 'ko, Maam. Kahit naman siguro kayo gagawin ang lahat alang-alang sa anak niyo." Tahimik na ibinalik ni Maam Wena sa akin 'yong mga papel na hiningi nito sa akin kanina para masuri ang totoong pagkakakilanlan ko. Pagkatapos ay narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga't tumingin ng makahulugan sa akin. Malaki ang pagnanasa ko na baka maintindihan niya ang sitwasyon ko. Kung papalarin man ako na makapasok sa kumpanyang ito, hindi na ako mahihirapan sa mga gastusin ko kay Kesleigh. "Tatawagan ka na lang namin, Miss." Para akong lantay gulay na lumabas sa opisina na 'yon habang karga-karga ko ang anak ko. Pakiramdam ko 'yong confident percent ko bumaba dahil lang wala akong diploma. Malinis na lahat, pasado na 'ko lalo na sa working experience ko, hindi nagpatinag si diploma kaya umepal at naging sanhi ng pagbawas ng porsyento ko. "Jusko naman, Leigh. Bakit ngayon pa?" Hindi ko namalayan na nakatulog si Kesleigh sa balikat ko. Wala tuloy akong choice kundi kargahin siya pauwi. Panigurado na iiyak lang din siya kapag nadisturbo ang tulog niya. Medyo malakas ang aircon kaya maingat akong naupo sa malapit na bench saka isinuot sa kanya 'yong jacket na dala ko. "Shocks!" Nahirapan akong pulutin 'yong panyo na pinamunas ko sa pawis ko na nalaglag sa sahig dahil karga-karga ko si Kesleigh. Maraming dumaraan sa pwesto ko pero ni isa walang tumulong sa akin para pulutin 'yon. Nakailang beses akong subok na pulutin 'yon pero natatakot akong mawalan ng balanse't mapahandusay ako sa sahig. "Tsk!" Natigilan ako nang may isang lalaki na huminto sa tapat ko't nag-antubiling pulutin 'yong panyo na nalaglag sa sahig. Tahimik ito at padabog na ibinigay sa akin 'yong panyo. Sa pagiging tulala ko, hindi ko nakita ng buo ang mukha niya, basta ang tumatak sa akin ay 'yong salubong niyang kilay saka...... amoy. "Teka, pamilyar ang amoy na 'yon." Sinubukan kong habulin ang lalaki pero nawala na siya kaagad sa paningin ko. Kung gaano siya kabilis na tumulong sa akin, ganon rin siya kabilis na naglaho sa paningin ko. Di bale ng hindi ko namukhaan pero matik na natanim sa ilong ko 'yong amoy niya. Saan ko na nga ba naamoy 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD