Chapter 2

1392 Words
"Ayan ka na naman sa mga hinala mo, Leya." Nakasanayan na ni Jen na dumalaw rito sa bahay kapag galing siya ng trabaho. Nangungupahan siya sa kabilang kanto, malapit lang din sa amin. Sa pagkawala ni Caloy sa piling ko, siya kumbaga 'yong naging sandalan ko sa lahat ng problema na dumating sa akin. Lalo na siguro nong pinagbubuntis ko si Kesleigh. Naging instant nanay, tatay saka bestfriend siya. Wala naman na akong ibang aasahan na tutulong sa akin maliban sa kanya. Siya lang naman 'yong kilala ko rito sa Maynila. Bale 'yong boyfriend niya ay bestfriend naman ni Caloy. "Bes, hindi ko nga alam e, basta ang weird." Napaupo ako sa monoblock chair na nasa tapat niya. Kasalukuyan kong hinihintay na maluto 'yong adobong karne ng baboy na niluluto ko na hapunan namin. Dito siya kumakain ng hapunan, madalas na nalilibre 'yong ulam namin dahil siya ang bumibili. Inuutusan nalang niya ako na lutuin ito dahil hindi siya expert sa pagluluto kaya tinoka sa akin. "Imposible naman na nandon si Caloy." Segunda ni Jen habang abala sa pagtitipa sa kanyang selpon. "Tsaka, hindi lang naman si Caloy 'yong may karapatang bumili ng ganong klase ng pabango 'no." "Bes, hindi si Caloy ang tinutukoy ko." Salubong ang mga kilay nito na tumingin sa akin. "Huh? E sino?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam basta pamilyar 'yong amoy na 'yon sa akin. Matagal kong naging boyfriend si Caloy at kilala ko ang amoy niya. Basta, ang gulo, bes. Pagkaamoy na pagkaamoy ko sa lalaki kanina, biglang may nagflashback sa utak ko na hindi ko maipaliwanag." Tugon ko at pilit inaalala 'yong bumalik sa isip ko kanina. Napakamot si Jen sa kanyang ulo at tumayo't puwesto sa likuran ko. "Jusko! Alam mo, pagod ka lang." Hinimas-himas niya ng bahagya ang balikat ko saka muling nagsalita. "Titignan ko na 'yong ulam natin para makakain na tayo. Baka mamaya ibang amoy na naman ang bigyan mo ng malisya dyan." Baka nga tama si Jen, baka dala lang ng gutom kaya kung ano-ano ang pumapasok sa kokote ko't lumalabas sa bibig ko. Habang abala si Jen sa pagluluto, kinuha ko naman ang pagkakataon na 'yon para icheck si Kesleigh kung gising na ba. Mukhang siya pa ang napagod sa lakad namin kanina. At sakto na pagbukas ko ng pintuan ng kwarto namin ay bumangon na siya. Tinawag na kami ni Jen para makakain na kaya inakay ko si Kesleigh palabas ng kwarto. Sakto at gutom na rin siya kaya magana siyang kumain sa hapag. Natutuwa ako dahil bata pa lamang si Kesleigh ay tinuruan ko ng huwag maging mapili sa pagkain. Dapat kainin ang nasa hapag at ang makakain lamang ang ilalagay sa plato. "Nga pala, kumusta 'yong interview mo?" Pambabasag ni Jen sa katahimikan. "Positive ba?" Hindi kaagad ako nakasagot dahil isinubo ko muna 'yong kutsara na may lamang pagkain. Nginuya ko ito ng mabuti saka nagsalita. "Oo, positive na isa ako sa mga hindi matatanggap." Pinagkunutan niya ako ng noo dahil sa sinabi ko. "Ang nega mo naman. Lahat ng interview history mo ay successful kaya dapat confident kang matatanggap ka." "'Yon na nga e, successful sa mga nakaraang job interview ko pero hindi naman basta-basta kumpanya 'yong pinag-applyan ko, bes. Nakakalimutan mo na ba? Kilalang kumpanya 'yon at marami ang gustong makapasok don. Aanhin naman nila 'yong mga magagandang record ko sa working experience ko kung gusto nila edukado." Segunda ko't sinamahan pa ng gesture. Sumimsim muna si Jen sa baso ng juice na nasa right niya bago nagsalita. "Hindi naman issue 'yon e. Nakikita pa lamang nila si Kesleigh na kandong-kandong mo, malaking advantage na 'yon para makuha ka. May sapat kang dahilan para kunin ka nila edukado ka man o hindi dahil single mother ka." "Iyon na ang ginawa ko kanina." "So ano? Tumawag na ba sila?" Iniangat ko 'yong selpon ko't ipinakita na wala pa ni isang tawag akong natatanggap mula sa kumpanya. Napakagat siya ng labi't nabasa ko sa mukha niya ang pag-aalala. Pagkatapos non ay naramdaman ko 'yong paghimas niya sa palad ko. "Bes, nag-iba na kasi ang CEO ng kumpanya kaya medyo humigpit sa mga rules at regulation. Pero, malakas ang kutob ko na matatanggap ka. Hindi ba't lucky charm mo si Kesleigh." Tumango ako dahil 'yon naman talaga ang totoo. Kada may interview ako, talagang sinasama ko si Kesleigh. Wala pa akong lakad na hindi siya kasama. Natatakot akong malayo o mahiwalay sa anak ko. Gusto ko kahit nasa banyo ako kasama siya. Natatakot ako na baka isang araw magpapakita so Caloy at bigla na lang niyang kunin si Kesleigh sa akin. Ako ang naghirap sa anak ko at walang ibang makinabang sa kanya kundi ako lang. Ama lang siya ng anak ko sa mata ng ibang tao pero sa puso't isipan ko, hindi. "May ulam pa ba?" Napatingin kaming tatlo sa may pintuan nong pumasok si Jano sa may pintuan. May dala siyang isang plastic bag na may laman yatang pasalubong para kay Kesleigh. Kaagad na sumalubong ang anak ko sa Tito Jano niya't nagpakarga pa ito. Pinaulanan niya ito ng halik sa buong mukha nito kaya tuwang-tuwa si Jano sa pagiging sweet ng anak ko. "Naku! Masyado mong ini-spoil 'yang pamangkin mo, Jano. Baka masanay na 'yan sa'yo, sige ka." Tugon ko. Tumayo ako upang kunan si Jano ng mga kubyertos para makasabay na namin siyang kumain. Karga-karga niya pa rin si Kesleigh nang makabalik ako sa hapag. Kinuha ni Jen 'yong pasalubong ni Kesleigh at ipinuwesto ito sa gilid. Bale naupo si Jano sa pwesto kanina ni Kesleigh dahil tatlo lamang ang upuan na mayroon dito sa hapag. "Dapat lang na i-spoil ko 'tong kaisa-isang anak ng bestfriend ko." Sabay halik niya sa pisngi ni Kesleigh. Natigilan ako sa sinabi niya, napansin 'yon ni Jen kaya siniko niya ang nobyo na walang kaalam-alam sa kanyang sinabi. "Ay, sorry." Napakamot sa ulo si Jano at tanging tango na lang 'yong naisagot ko saka kumain na ulit. Si Jano na ang nag-abalang magkain kay Kesleigh. Bukod kay Jen, itong si Jano rin ang nagsilbing tatay ni Kesleigh. Dahil magbestfriend sila ni Caloy, naging tito plus tatay na rin siya sa anak ko. Hindi niya itinuring na iba si Kesleigh. Si Jano ang pumuna sa responsibilidad at pagmamahal na hindi naibigay ni Caloy sa anak namin. "Wala ka pa rin bang balita sa kanya, Leya?" Pagtatanong ni Jano sa seryosong tinig. Napatingin ako sa kanya at walang gana na umiling. "E kung ireport na natin sa pulis 'yong pagkawala niya? Panigurado tutulungan nila tayo sa paghahanap sa kanya. Ano sa tingin mo?" Bumaling ito sa akin. "Imposible 'yang sinasabi mo." Napakunot-noo ito. "Huh? Bakit naman?" "Pagtatawanan lang tayo ng mga pulis." Segunda ko. "Baka nga tama 'yong hinala ko na hindi aksidente na nawala siya na parang bula. Paano kapag pinagplanuhan niya talaga dahil nakuha naman na niya 'yong kailangan niya sa akin?" Sinang-ayunan ni Jen ang sinabi ko. "May point ka, bes. Baka nga s*x lang ang habol non sa'yo at takot akuhin 'yong responsibilidad kaya tinakasan ka." "Uy! Hindi ganon ang pagkakakilala ko kay bestfriend." Pagtatanggol ni Jano sa kanyang kaibigan na si Caloy. "Hindi niya 'yon magagawa, malay nating may ibang dahilan." Pinagtaasan siya ni Jen ng kilay. "Ah talaga? Kilala mo ba kung sino ang ama ng batang nasa kandungan mo? Hoy! Anak 'yan ng pinagmamalaki mong bestfriend. Kung talagang maganda ang intensyon niya kay Leya, bakit naglaho na parang bula matapos may mangyari sa kanila, sige nga." "Oo nga 'no, heheh." Napakamot sa ulo si Jano. "Pero, hwag kang mag-alala, Leya, hahanapin ko si Caloy para sa inyo ni Leigh. Kung gusto mo pagsasapakin ko 'yon kapag nahanap ko. Ipagtatanggol ko kayong dalawa ng anak mo." Pagmamayabang ni Jano kaya nakatanggap siya ng kurot ng kay Jen kaya nagkasagutan sila. "Nagmamagaling ka na naman dyan." Singhal sa kanya ni Jen at inirapan siya nito. "Teka, Jen, nakikita mo pa ba si Ara?" Pag-iiba ko sa usapan. "Bakit naman nasali sa usapan si Ara?" Nagtatakang tanong niya, napatingin na rin si Jano sa akin. Samantalang abala si Kesleigh na kinakain 'yong ubas na pasalubong ni Jano sa kanya. "Hindi kaya alam niya kung bakit naglaho bigla si Caloy?" Tanong ko't nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa na mukhang sang-ayon sa hinala ko. Bakit malakas ang kutob ko na involved ka sa nakaraan ko Ara?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD