LUHAN'S POV
"Ano na ang balita?"
Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko.
"Boss, natakasan kami ni Bella."
"Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis.
"Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami."
"Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saang sulok man siya ng mundo magtago. Siguraduhin niyong maihaharap niyo siya ng buhay sa akin. Huwag na huwag kang tatawag sa akin hangga't hindi niyo siya nahuhuli, maliwanag?"
"Opo boss."
Pinatay ko na iyong tawag at padabog na inihagis sa kama ang selpon ko. Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko dahil sa Bella na iyon. Sa apat na taon ay hindi pa rin nila ito nahuhuli at nagtatago siya dahil alam niyang pinapahanap ko siya. Malaki ang atraso nito sa akin at hindi ko siya magawang ipapatay dahil siya lamang ang makakapagpalinis ng pangalan ko.
"Sige lang, Bella, magtago ka lang, hindi ako mapapagod ipahanap ka. Kailanman hindi ako mawawalan ng pag-asa na makaharap ka ulit." Pakikipag-usap ko sa hangin.
Hanggang ngayon, hindi kayang iproseso ng utak ko na ginanon ako ni Bella. Matalik ko siyang kaibigan at kailanman hindi ko naimagine na magagawa niya akong pagtrayduran. Sa pagtrato niya sa akin noon, hindi ko inisip na may magagawa siyang mali sa akin. Even he's a gay, nirespeto ko siya dahil naging mabuti siyang tao sa akin. Ngunit dahil sa nangyari, isa siyang halimaw sa paningin ko. Halimaw na hinding-hindi ako magdadalawang ipapatay ito para maibsan 'tong galit ko.
"Hindi mo pa pala siya nahahanap?"
Napalingon ako sa may pintuan, naroon si Daddy na bagong dating. Sinulyapan ko siya saglit pero hindi ako nag-aksaya ng oras para ngitian ko batiin man lang siya. Naglakad ako palapit sa drawer kung saan nakalagay 'yong mga pabango ko. Naglagay ako non sa iba't ibang parte ng katawan ko at kaagad humalimuyak ang bango nito.
Hindi ako nagsalita, napansin ko na umupo siya sa mga sofa sa may right side katabi ng mga collection ko ng robot nong bata ako. Sa dami noon ay kinakailangan ko pang bumili ng mas malaking cabinet para magkasya lahat ng mga 'yon. Ayokong itapon ang mga iyon o ipamigay dahil may sentimental value sa akin.
"Hindi mo naman siya kailangan iharap sa akin para masabing inosente ka't walang alam sa nangyari. Naniniwala akong hindi mo ginusto 'yon, Luhan." Usal ni Daddy.
Natigilan ako sa pag-aayos sa manggas ng damit ko. Hindi ako nag-antubiling harapin siya dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na sabihin niya 'yon sa akin.
"Oo nga't naniniwala ka sa'kin pero wala ka naman ginagawa para linisin ang pangalan ko." Prangka ko.
Masaya ako dahil pinaniniwalaan ako ni Daddy pero ang kinaiinisan ko ay hindi niya ako magawang ipagtanggol kay Mommy. Lalaki rin siya, kung sino man ang unang makakaintindi sa lahat ay siya mismo. Ang hiling ko lang naman ay tulungan niya ako pero wala naman siyang ginagawa.
"Son, I'm trying my best to defend you."
Hinarap ko na siya at tinignan ng makahulugan. "Really, Dad? As far as I can see, it doesn't seem like it. Kung kailan sobrang binababa na nila ako doon ka nagkaroon ng pake. Ni hindi mo'ko maipagtanggol sa harapan nila e. Ganyan ba ang sinasabi mong you're trying your best to defend me, huh?"
Hindi nakapagsalita ang Daddy ko. Napatitig lang siya sa akin ng matagal at nababasa ko sa mga mata niya ang guilt. Action speak louder than words. Kahit gaano ka kagaling magsalita kung hindi naman ito naaayon sa inaakto mo, wala ring halaga. At kung kinakailangan kong lumaban ng mag-isa, kakayanin ko, ayoko 'yong may tutulong sa akin tapos sa huli may masasabi.
"Luhan, it's not what you think."
He tried to hold my arm but I quickly backed away. I gave him a sharp look. It is enough for him to know that I am very angry with them. They are my family but they are the reason why I was put in this situation.
"May meeting pa ako." Malamig kong tugon saka kinuha sa may dulo ng kama 'yong bag na dadalhin ko.
Hindi ako nagpaalam sa kanya ng maayos kagaya ng nakagawian ko. Para siyang hangin na nilampasan ko nong palabas ako ng kwarto ko. At alam ko na gustong-gusto niya akong kausapin ng maayos pero ako itong umiiwas palagi.
Sa apat na taon, nakaya nina Mama na hindi ako tratuhin ng maayos. Kaharap ko silang kumain pero pakiramdam ko hangin lang ako. Dumaan ang mga birthday ko na hindi na gaya ng dati ang saya nito. Naranasan kong magcelebrate ng ako lang mag-isa. Pinaramdam nila sa akin na patay na ako. Hindi lang hustisya ang gusto ko, hindi lang ebidensya para malinis ang pangalan ko, kundi gusto kong maibalik 'yong pagmamahal nina Mommy na naglaho.
I miss my old family. I miss those times when Mommy hugged me so tightly. I miss Ate Lorraine's teasing me. I miss the serious but happy conversations between Daddy and me. I miss going back to the times when they loved and appreciated me. I miss the happy family I used to have. All this time, I was alone.
"
Fuck! Hindi ba't sinabi ko na ngayon 'yong deadline ng mga papers, pwes, nasan na?" Pagbubunganga ko sa sekretarya ko dahil naabutan kong wala pa 'yong mga mahahalagang dokumento sa table ko.
Kailangan kong pirmahan ang mga iyon bago ako dumalo ng meeting para makapagpahinga ako after. Kung gaano ako kabadtrip kaninang umaga ay nadagdaga ito pagdating ko ng opisina. Kaya hindi ko napigilang magalit sa dalawang department. Hindi late pumasok ang mga empleyado doon pero mabagal kung iproseso ang mga papel.
"Sir, nagkaproblema po kasi sa computer kaya hindi nila natapos kahapon."
"I don't f*****g care." Pagmumura ko't inihagis 'yong mga papel na nasa harapan ko kaya kumalat iyon sa opisina ko. Nasa gilid ang sekretarya ko't takot na takot siya sa inaasta ko. I try to control myself but I can't. Trabaho na ang pinag-uusapan dito kaya hindi pwedeng chill lang.
"Sabihin mo kay Wena na sabihan 'yong mga tao na bilisan ang pagtratrabaho. Before lunch dapat tapos na or else malilintikan sila sa akin."
Aligagang lumabas ang sekretarya ko. Naiwan ako't sumandal sa swivel chair ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Uminom ako ng kape na dinala kanina ng sekretarya ko. Hinilot ko ng bahagya ang sentido ko dahil nakaramdam ako ng konting hilo. Napapikit pa ako sa kirot non.
Around 9 ay pumunta na kami sa second floor para umattend ng meeting. Naging maganda naman 'yong pag-uusap namin ukol sa sales ng kompanya last month. Hindi lang maiwasan na magkaroon ng konting sagutan o di pagkakaunawaan. But being the CEO, I'm trying my best to handle my emotion through their feedback about my plan.
"Goodmorning, Maam."
Napalingon ako sa may pintuan nang iniluwa noon ang Mommy ko. Nakasuot siya ng formal dress na kulay pula. Nakasunod ang sekretarya nito hawak-hawak 'yong ilang folder. Nakaramdam ako ng kaba dahil una sa lahat hindi ko inaasahan na darating siya. Hindi ako komportable kapag ramdam ko 'yong presensya ni Mommy.
Naupo siya sa dulo ng mesa, sa may gitna bale nasa tapat ko siya. Nakatitig ito sa akin na animo'y sinusuri ako. Pagkatapos ay napunta sa powerpoint presentation ang tingin niya. Para bang makikipagkarera sa bilis ng t***k ng puso ko dahil paniguraro, papaulanan ako ni Mommy ng nakakainsultong feedback. Hindi ko naman siya pwedeng palabasin ng opisinang ito.
"You may continue." Walang ganang usal nito sa akin.
Ginawa ko lahat para maidiscuss ng maayos ang plano ko para sa new building ng company. Sa lahat ng matang nakatitig sa akin, kay Mommy ako kinabahan. Ni hindi ko mawari kung natutuwa ba siya sa mga pinagsasasabi ko o hindi. Naging maaliwalas naman ang pagdidiscuss ko kanina pero nong dumating siya ay doon ako nakaramdam ng pagkablangko.
"Do you think suitable 'yan sa kompanya?" Tanong ni Mommy sa akin, nakasandal siya sa swivel chair habang nilalaro niya 'yong hawak niyang ballpen. Halos lahat ng tingin ay nasa sa kanya at hindi maikakaila na magaling ang Mommy pag-usapang negosyo.
"Hmm, Yes, masasabi ko naman na suitable siya since iyon ang kulang sa kompanya natin, Mom." Sagot ko pero hindi ko napansin na natuwa siya sa sagot ko.
"Hindi naman lahat ng naiisip nating solusyon ay pwedeng iaapply sa ating mga problema, hindi ba?" Sarkastimong usal niya, sinang-ayunan naman ito ng mga kasama namin. "Before you do a decision, think first the cosequences. Huwag sugod ng sugod, Luhan, baka mamaya magkamali ka naman."
Hindi ako tanga para hindi mahalatang pinaparinggan ako ni Mommy. Natigilan ako, nanuyo ang lalamunan ko't hindi alam kung sasabihin. Nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ang mga kasama namin. Ang iba ay nailang at iyong iba ay hindi makapag-isa.
Napayuko ako. Hindi ko na sinubukang depensahan ang sarili ko dahil sa huli ako ang lalabas na masama. Para makaiwas sa gulo, tumahimik na lang ako. Itinago ko sa ilalim ng mesa ang kamao ko na nakayukom. Sa kaloob-looban ko ay gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko magawa.
"Let's change the plan, I didn't trust your idea, Luhan." Tugon ni Mommy saka ito tumayo, naglakad siya papunta rito sa harap at doon na idiniscuss ang kanyang plano. Wala akong nagawa kundi maupo na lang at subukang balewalain ang pagpapahiya niya sa akin.
Natapos ang meeting na hindi manlang ako kinausap ng maayos ni Mommy. Lumabas na siya kaagad kasunod 'yong sekretarya niya. Ni hindi siya nagpaalam ng maayos sa akin o kinausap kung sang-ayon ba ako sa plano niya. I am the CEO here pero pinaparamdam niya sa akin ay hindi.
"Tangina!" Pagmumura ko nang tuluyan na akong makapasok sa opisina ko.
Nakasunod ang sekretarya ko sa akin at tahimik niya lang na ibinaba 'yong mga gamit ko sa mesa. Padabog kong inalis 'yong coat na suot ko't inihagis yon sa sofa. At sa sobrang panggigigil ay napagdiskitan ko 'yong mga vase at ilang muwebles rito sa opisina ko. Napansin ko nalang na dali-daling lumabas ang sekretarya ko dahil siguro sa takot.
"Damn! I'm trying my best, Mom, please, makiramdam ka naman."
Habol habol ko ang aking hininga pagkasabi noon. Napasuntok ako sa mesa at hinayaan kong lamunin ako ng galit. Kumulo lalo ang dugo ko nang paulit-ulit sa pandinig ko 'yong mga sinabi sa akin ni Mommy. Hindi naman iyon ang unang beses na pinahiya niya ako. Dapat na akong masanay pero 'yong sakit parang bago pa rin.
Pinacancel ko sa sekretarya ko lahat ng meeting ko sa araw na 'yon. Mas pinili kong magmukmok sa opisina ko't lunurin ang sarili sa alak. Ganoon naman ang nakasanayan ko, pagdinown ako ni Mommy, idadaan ko sa alak tapos kinabukasan, laban ulit. Makakaya ko naman ipanalo ang laban na ito pero hindi nanay ko mismo ang katunggali ko. Na kahit saang anggulo ko tignan, worthless ako sa paningin niya.
"Goodevening, Sir, kain na po." Magalang na pagsalubong ng kasambahay sa akin nang papasok ako ng bahay namin. Kinuha niya 'yong dala kong bag at itinuro ang dining area para makakain na daw ako.
Hindi pa man ako nakakalapit ay natanaw ko na ang mga taong naroon. Nagdalawang-isip ako na makisalo sa kanila dahil una sa lahat, amoy alak ako. Panigurado naman na makakatanggap na naman ako ng pang-iinsulto kay Mommy.
"Speaking of Luhan, Mom, nandito na siya." Narinig kong tugon ni Ate Lorraine, sinalubong niya ako at bineso sa magkabila kong pisngi. She's with her long time boyfriend, Kuya Marcos. "Wait, amoy alak ka, are you drunk?" Napalayo ng konti si Ate sa gawi ko't napansin na kiniskis ang likod ng daliri sa kanyang ilong dala ng kakaibang amoy ko.
Hindi ko siya sinagot, bagkus, lumapit ako kay Daddy upang magbigay ng galang. Nagdalawang-isip pa ako na bumeso kay Mommy dahil naalala ko 'yong naging ganap kanina sa meeting. Tanging ngiti na lang ang naitugon ko kay Kuya Marcos since hindi naman kami ganoon kaclose.
Hindi na ako nagtaka noong hindi manlang nagresponse si Mommy sa pagbeso na ginawa ko. Tahimik lamang siya habang abala sa paghiwa sa steak na kinakain niya.
"Maupo ka na at saluhan mo kami." Usal ni Daddy, tinuro niya ang left side ni Mommy na bakante pero hindi ko siya sinunod.
"Busog po ako, Dad." Palusot ko kahit ang totoo gutom na ako. Hindi naman ako matutunaw kapag sumalo ako sa kanila since makakaramdam lang ako ng pagkailang. Mas gusto kong kumain ng walang kasalo para iwas gulo.
"Paanong 'di ka mabubusog e amoy alak ka." Sarkastimong usal ni Mommy na nakapagpatahimik sa'kin. "Paano mo mapapalago ang kompanya mo kung palagi mong nilulunod sa alak 'yang sarili mo. Kung hindi mo kayang ihandle 'yon, hindi naman mahirap sabihin sa amin. You can live your life if you want basta huwag na huwag mo kaming isasali sa pagbagsak mo, Luhan."
"Ma, tama na." Suway ni Ate, she's trying to save me.
Kinontrol ko na lang ang sarili ko para hindi sagutin si Mommy. Pinakalma ko ang sarili ko at walang pasabi na nagtungo sa kusina para uminom na lang ng tubig. Pagkatapos ay diretso akong pumunta sa may hagdanan at nagtungo na lang sa kwarto ko.
Kung mananatili ako roon ay baka magkasagutan pa kami ni Mommy. Hindi imposible na ungkatin niya 'yong pagkakamali ko four years ako. Nasasali palagi sa usapan ang gabi na 'yon kaya minsan mas gusto ko na lang manahimik. Pagtutulungan nila ako na ipamukha 'yong mga nawala dahil sa issue ko na 'yon noon. Wala akong laban sa kanila lalo na at mag-isa lang ako.
"Hindi ko alam kung ilalaban pa ba kita o isusuko na lang."
Hawak-hawak ko 'yong engagement ring namin ni Stephanie at titig na titig ako roon. Kapag ganito na pinanghihinaan ako ng loob at nasasaktan, tanging ang singsing na lang ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Saksi ang singsing na ito kung gaano ko kamahal si Stephanie at wala akong kasalanan sa nangyari.
* * *
"One coffee, please."
Naghintay ako ng ilang minuto bago iserve 'yong order ko. Hindi ako nakapagbreakfast sa bahay kaya sumadya ako rito sa isang coffee shop katapat lamang ng building namin. Maaga pa naman kaya nagmuni-muni muna ako ng ilang oras rito. Irereview ko rin 'yong presentation ni Mommy kahapon para alam ko ang mga dapat kong gawin.
"Sir, here's your order. Enjoy po." Masiglang tugon ng babaeng nagdala ng order ko. Tanging ngiti na lang 'yong naisagot ko saka sumimsim sa kape.
Nagtagal ako ng ilang minuto doon, kahit papaano ay nagrelax ako sa pamusic nila. Sobra akong natutuwa sa vibes ng coffee shop na ito kaya hindi ako nagsasawang balik-balikan ito. Actually, dito kami madalas magdate ni Stephanie noon. Bukod sa dito ako nagbreakfast, sinadya ko dito dahil nagbabakasakaling makita ko siya rito.
At sa hindi inaasahang pagkakataon may natanaw ako sa 'di kalayuan. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko 'yong mga pumapasok sa trabaho doon sa kompanya ko. Nakita ko ang batang babae na kumalabit sa akin noong nakaraan. Kasama niya ang malatigre niyang nanay na nakasagutan ko.
Sa dami ng iniisip ko, nawala na siya sa isipan ko. Isinandal ko ang aking mga siko sa mesa ay ipinatong ang baba ko roon habang nakatingin ng diretso sa mag-ina. May kasama pa silang babae na kung ilalarawan ko baka yaya ng bata.
Nakita ko kung paano magpumilit ang bata na sumama sa kanyang ina. Sinusubukan naman siya ng ina nito na kumbinsihin na huwag siyang sasama. Lumapit na 'yong babae at sinubukang kunin ang bata. Kahit nasa malayo ako, alam ko na umiyak ang bata base sa itsura nito. Pagkatapos ay natanaw ko na tumakbo ang Cattleya na 'yon papasok ng building at naiwan 'yong umiiyak niyang anak sa isang babae.
Sa tagal ko ng nabubuhay dito sa mundo, ang Cattleya na 'yon lamang ang nakasubok na sagutin ako. Walang bahid ng takot ang nabasa ko sa mga mata niya. Sapat lamang na malaman kong mahal na mahal niya ang kanyang anak.
"Where' Laira? Bakit wala pa siya?" Pagbubunganga ko nang mapansin na wala pa 'yong sekretarya ko. Mas nauna pa akong nakarating kaysa sa kanya. Ngayon lang nangyari ito kaya nagtaka ako ng sobra at nagalit ng malala. "Wena, where she is? Anong oras na bakit wala pa siya?"
Aligaga na lumapit si Wena sa akin dahil hinahanap ko ang aking sekretarya. Katatapos ko lang na sermunan 'yong ilang empleyado sa fourth floor dahil ang ilan ay late kung dumating.
"Sir, nagpasa po si Laira ng resignation letter kagabi." Nakayukong pagbabalita nito.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Wala akong ideya na nagpasa ng resignation letter si Laira kagabi. Basta napansin ko lang kahapon ay takot na takot siya, base sa mga kinikilos niya.
Napahilot ako sa aking sentido at namoblema ng malala dahil marami pa naman akong client na kinakailangang imeet ngayong araw. Kung kailan naman kinakailangan si Laira, doon naman siya wala.
"What the hell? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin kagabi? Bakit bigla-bigla na lang siya aalis nang 'di ko alam? Hindi ba niya alam na marami akong imimeet na client ngayong araw?"
"Sir, natakot po siya kaya pinasabi na lang."
"Tangina!" Pagmumura ko. "Ano bang meron sa mga tao ngayon at pinapainit lagi ang ulo ko." Napahilot ako sa batok ko't napapikit pa ng bahagya.
"Uhm, Sir, don't worry, maghahanap na lang po ako ng bago." Suhestiyon ni Wena. "Magpopost po ako sa f*******: page natin na kinakailangan niyo ng sekretarya. For sure naman po pipilihan na naman 'yon ng mga tao at makakahanap tayo ng kasing galing ni Laira."
"No, matatagalan tayo kapag mag-iinterview ka pa ng maraming tayo. Let's do it direct to the point." Depensa ko.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Sir?"
"I'll just hire that Cattleya to be my secretary. Go and tell her na magsisimula na siyang magtrabaho ngayong araw sa akin." Utos ko at tinalikuran na siya.