Chapter 7

2564 Words
CATTLEYA'S POV "Maam Wena, ayoko po." Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat lang ang kalaban ko at pangangalay ng batok. Anong sakit at stress naman 'yong makukuha ko kung naging sekretarya pa ako ng boss namin. Papayag naman ako kung hindi lang siya nagmalatigre nong first meetup namin. Aba, tatanggapin ko ng buong puso ang alok na ito kung sakali kaso malas niya. Hindi ako 'yong tipo ng tao na kapag natapos na 'yong gulo ay tapos na rin at naputol na rin 'yong inis ko. Naririnig ko nga lang 'yong panenermon niya araw-araw naiinis na ako. Paano pa kaya kapag tinanggap ko 'yong alok ni Maam Wena. Bukod sa maririndi ako sa bunganga non ay mastress pa 'ko lalo. Sobrang bigat ng atmosphere kapag ramdam ko na ang presensya ng Luhan na 'yon. Hinawakan ni Maam Wena ang magkabila kong kamay. "Pakiusap, Cattleya, parehas tayong malalagot sa boss natin kung magmamatigas ka ng ganito. Kaya sige na, pumasok ka para makapagsimula ka na." Tinulak niya ako palapit sa may pintuan dahilan para mapasubsob ako roon. "Maam, ayoko talaga." "Cattleya, pumasok ka na. Wala namang mawawala kung susubukan mo e. Panigurado papasalamatan mo pa 'ko." "Ba't 'di nalang kasi kayo ang maging sekretarya at ako ang pumalit diyan sa pwesto nyo?" Suhestiyon niyo. "Hindi pwede, utos 'to ng boss natin kaya pumasok ka na." Pinihit niya 'yong doorknob at walang pasabi na tinulak ako sa loob dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Narinig ko na lang na sumara 'yong pinto at dahil nakaramdam ako ng sakit sa pagbagsak ko ay napapikit ako. Pagkamulat ko ay bumungad sa akin ang napakakinang na sapatos sa harapan ko. Mas makinis pa 'yon sa mukha ko. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mha mata ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Sir Luhan. Walang ekspresyon ang kanyang mukha na nakatitig sa akin. Nakakrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. At dahil sa kakaibang titig nito sa akin ay mabilis akong bumangon at tumayo sa kanyang harapan. Inayos-ayos ko pa ng bahagya ang sarili ko para hindi ako nakakahiya. "H-hi, Sir." Nauutal na wika ko at kumaway pa ng pasimple. Naibaba ko 'yong kanan kong kamay nang hindi manlang siya natuwa sa pagbati ko sa kanya. Napalunok ako at kinabahan ng malala. "Siguro naman alam mo na ang dahilan kung bakit ka nandito sa opisina ko." Malamig niyang tugon. Tumango ako. "Actually Sir, nandito ako hindi para pumayag sa gusto niyo. Nandito ako para idecline 'yong alok niyo kasi una sa lahat ay----" "Pwes, kung 'di ka papayag, ibabawas ko sa sahod mo 'yong pangdedecline mo sa akin." Usal niya at tinalikuran ako. Pinanood ko siya na naglakad papunta sa lamesa niya. "Teka, wala naman akong nabasa sa kontrata na may ganong rules, ha?" Depensa ko. "New rule." Napabuntong-hininga ako ng malalim at nagsisimula namang kumulo ang dugo ko sa inis. "Sir, mawalang galang na po pero hindi tama 'tong ginagawa niyo. Sapat sanang dahilan 'yong sagutan natin nong nakaraan para idecline 'yang gusto niyo. Una sa lahat, ayaw kitang makatrabaho. Okay na sa akin na naroon ako nakaupo at kaharap 'yong computer maghapon kaysa makasama kayo." "Wala kang magagawa, ako ang boss dito." Nakangising tugon niya. Lumapit siya sa akin at walang pasabi na inihagis sa akin 'yong napakadaming papel. Sa takot na tumama iyon sa mukha ko ay sinalo ko ito. Sa dami noon ay masasabi kong mabigat. "Sir, ayoko maging sekretarya mo." Pangungulit ko pero imbes na dinggin ako ay dinagdagan niya ng marami pang papel 'yong buhat ko. Halos maharangan na 'yong mukha ko sa dami noon kaya kinakailangan ko pang gumilid para makita siya. "Kahit paulanan mo pa ako ng sandamakmak na pera, hindi ako papayag." "Kahit bumunganga ka dyan maghapon, nasa akin ang desisyon." Tinap niya ang ulo ko at sa inis ay umiwas ako. Matalim ang tingin na itinapon ko sa kanya pero narinig ko lang ang nakakaasar niyang tawa. "Tapusin mo 'yan before lunch dahil may pupuntahan tayong meeting mamayang 11." Pabagsak kong ibinaba lahat ng iyon sa lamesa niya. "Ano bang nakain mo't ako ang naisip mong kunin bilang sekretarya mo? Gumaganti ka ba dahil sinagot-sagot kita non, ha?" Agresibong tugon ko, nakaupo na siya ngayon sa swivel chair niya. Sinindihan niya pa 'yong hawak niyang sigarilyo "What do you think?" Taas-kilay niyang tugon at binugaan ako ng usok sa mukha. Napamura ako sa ginawa niya. Sa inis ay dinuro ko siya sa kanyang mukha. "Hoy! Wala akong panahon para makipag-away sa'yo o makipaggantihan. Nandito ako para magtrabaho hindi para magsayang ng oras sa'yo. Boss kita oo pero sana naman umakto ka ng naaayon sa posisyon mo." Bumuga muna siya ng usok bago itinapon ang tingin sa akin. "Nabawasan na ng isang libo 'yong sahod mo. At kung hindi ka pa titigil kakatalak dyan, baka wala kang maiuwi sa anak mo." Doon na ako sumuko sa pakikipagsagutan sa kanya. Hindi naman imposibleng gawin niya iyon dahil bossy ang isang 'to. Baka nga totohanin niyang kaltasan ang sahod ko kada reklamo ko. Wala na akong nagawa pa kundi kunin 'yong mga papel na pinapatapos niya sa akin at nagtungo sa table ng dati niyang sekretarya. Nasa right side ito ng opisina niya malapit sa comfort room. Malawak ang opisina niya at kung ilalarawan ko ay buong bahay na namin ito. Ginawa ko na agad 'yong utos niya. Wala naman siyang ginawa kundi sumimsim don sa hawak niyang sigarilyo habang nagtitipa sa kanyang laptop. Naiinis pa nga ako dahil imbes na mabawasan 'yong mga papel na ginagawa ko ay hindi. Sunod-sunod 'yong mga tao na papasok rito sa opisina niya para dalhin 'yong mga ipapacheck na papel. Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis. Hindi na ako magtataka kung bakit biglaang umalis 'yong sekretarya niya. Bukod sa bossy siya at nakakakulo rin siya ng dugo. Makalat siya at burara kaya nong matapos kong ayusin 'yong mga papel ay inutusan niya akong maglinis sa napakagulo niyang opisina. "Tara na baka malate tayo." Rinig kong usal niya. Isinuot na niya 'yong itim niya coat saka itinapon 'yong dulo ng sigarilyo na kakaubos niya lang. Kinuha niya 'yong selpon niya na nakalapag sa mesa at inayos ng bahagya ang sarili. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko, pinunasan ko 'yong pawis na namuo sa noo ko. Habol-habol ko rin ang aking hininha dahil nakaramdam ako ng pagod. Mahigit dalawang oras akong nagtrabaho na wala manlang pahinga. Nanghina ako bigla. "Pupunta tayo sa kabilang building dahil don gaganapin 'yong meeting ko this morning." Wika niya. "Para hindi ka maout of place sa mga lakad natin, use this book para maging updated ka palagi. Mula ngayong araw, trabaho mo na rin na ayusin 'yong scheduled ko at sagutin 'yong mga tawag ng mga negosyante na gustong makisosyo sa akin, maliwanag?" Ibinagsak niya 'yong black notebook sa sofa na kinaroroonan ko imbes na iabot ito ng maayos. Binuklat ko 'yong notebook at nanlaki ang mata ko sa mga schedule niya ngayong araw. "Papatayin mo ba ako? Sunod-sunod 'yong meeting mo ng hindi manlang ako nakakapagpahinga ng maayos? Teka lang naman, katatapos ko lang maglinis dito e." Reklamo ko. "It's about time, mamaya ka na magrest." Usal niya matapos tignan ang wrist watch niya. Iniabot niya 'yong ilang folder sa akin kasali 'yong isang black na bag. Hindi naman ako tanga para 'di alam kung ano ang purpose ng mga 'yon. "Sir, time freeze naman. Hindi mo ba nakikita, halos mamatay na ako sa pagod." Dinuro ko ang aking sarili. "It's not my fault." "Ano? Anong it's not your fault e hindi nga tumitigil 'yang bunganga mo kakautos sa'kin." "Dapat lang na utusan kita dahil you're my secretary." "Hindi pa ako pumayag." Depensa ko. "Whether you like it or not, ako ang masusunod." Magsasalita pa sana ako nang mabilis niyang itaas ang kaliwa niyang kamay, nagpapahiwatig noon na hwag na akong magsalita pa. Wala akong nagawa kundi sumunod na lang din. Kinuha ko 'yong mga gamit na dadalhin at tahimik na sumunod sa kanya palabas ng kanyang opisina. Magulo ang buhok ko at kahit gusto ko mang ayusin iyon ay wala akong oras. Pagdating namin sa kabilang building ay nagsimula na kaagad 'yong meeting nila. Nasa gilid lamang ako at nakikinig sa usapan nila. Muntik pa ako manosebleed sa pagsasalita nila ng english. Sobrang sanay sila at napapanganga nalang ako sa galing nila. At syempre, hindi nabubuo ang minuto ng boss ko na wala siyang inuutos sa akin. Sinabi niya na magtakedown notes ako ng mga mahahalagang info sa ipiniprisinta ng mga kameeting niya. Ginawa ko na lang din ang gusto niya para tumahimik na siya't hindi na ako pagdiskitahan pa. Pagkaraan ng ilang oras ay natapos na 'yong meeting. Nakahinga na ako ng maluwag dahil pakiramdam ko bumigat ang atmosphere sa dami ng professional na nakapaligid sa akin. Nakipagkamay si Sir Luhan sa mga kameeting niya at isa-isa silang nagpaalam rito sa pormal na paraan. Tanging ngiti na lang din ang naisasagot ko kapag ganoon na napapatingin ang mga ito sa akin. Nahihiya pa nga ako dahil pakiramdam ko ang dugyot ko tignan lalo na at hindi ako nakapaglagay ng light makeup manlang dahil sa pagmamadali kanina. "Siguro naman pwede na tayong magpahinga 'no?" Pagpaparinig ko sa aking boss. Abala akong inaayos 'yong mga papel na ginamit nila. Nakaupo siya sa swivel chair at isinandal ang sarili doon sabay pikit sa mga mata. "Sinong may sabi?" "Malamang ako, ako lang naman 'yong nandito e." Pambabara ko. "Tsk!" Napansin ko na tumayo siya at inayos ng bahagya ang necktie niya. "Dalian mo dyan, may meeting pa tayong pupuntahan." "Meeting na naman?" Pag-aalyansa ko. Tumango siya. "'Yon ang nalagay dyan sa schedule ko e. Hindi mo ba nakita?" Nakaturo siya sa black notebook na bigay niya sa akin kanina. Napabuntong-hininga ako ng malalim saka napakamot sa aking ulo. "Trabaho ba 'to o lagusan papunta sa impyerno? Dinaig mo pa ang Diablo kung parusahan mo ko." "Puro ka reklamo dyan. Dalian mo na at baka mahuli tayo." Tinalikuran na niya ako at naglakad palabas ng opisina. Napamura na lang ako ng malutong saka nagpapadyak sa sahig na parang bata. Unang araw ko pa lang bilang sekretarya niya, hirap na hirap na ako. Bukod kasi sa sama ng ugali ay palautos din na akala mo naman hindi napapagod ang tao. Hindi yata 'yon makakahinga ng walang inuutos sa akin. Kahit nasa kalagitnaan ng meeting ay uutusan akong magtimpla ng kape o kung ano-ano pang trip niyang iutos sa akin. Matapos ang meeting na dinaluhan namin ay pinagpahinga na niya ako. Pasalamat ko nga at siya na 'yong bumili ng makakain namin. Nagpadeliver na lang siya at kaagad na akong lumaban sa kainan nong inilapag na niya ito sa mesa. Sa dami ng inorder niya ay halos ako ang umubos noon. Parang tumikim nga lang siya tas nabusog na. "What are you doing?" Tanong niya nang mapansin na binabalot ko 'yong dalawang piraso ng pizza saka apat na piraso ng manok. "Sayang kasi kung itatapon 'to, Sir, kaya babalutin ko na para may maiuwi rin ako sa anak ko." Sagot ko. Pinanood niya lang ako habang inaayos na binabalot 'yong mga pagkain. Pang apat na tao kasi 'yong pagkain na inorder niya e dalawa lang kami na kumain. Kung siya hindi nasasayangan sa pagkain, ako oo. Tsaka, hindi kakayanin ng konsensya ko na hindi manlang matikman ng anak ko ito. "Tira ang ipapakain mo sa anak mo?" Nakataas kilay nitong tanong. "Hindi pa naman nagagalaw ang mga 'to, Sir, kaya pwede pa. At isa pa, mahilig ang anak ko sa prinitong manok, e hindi ako makabili-bili sa dami ng gastusin kaya iuuwi ko na lang po 'to sa kanya." "Kaya ayokong magkaroon ng anak e, sakit lang 'yan sa ulo. Bukod sa makulit, magastos rin." Napailing-iling pa siya. "Nasa iyo naman po kasi kung paano mo ihahandle 'yong bata. Sakit po sila sa ulo, oo, pero una sa lahat hindi nila kasalanan na napunta sila dito sa mundo. Inosente sila at walang kasalanan kaya wala tayong karapatan na pagbintangan sila sa mga gastusin at sakit natin sa ulo." Depensa ko. "Whatever." Wika niya at pumikit siya na animo'y hindi siya interesadong makinig sa mga pinagsasabi ko. Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy na iligpit 'yong mga pinagkainan namin. Inilagay ko na rin sa bag ko 'yong binalot kong pagkain. Kahit papaano ay may maipapasalubong ako kay Kesleigh kahit hindi galing sa bulsa ko 'yong pinambili ko nito. Around 3pm na at marami pa akong gagawin samantalang ito boss ko ay magpapahinga raw muna dahil masakit ang kanyang ulo. Tahimik ang kabuuan ng opisina nito sa loob ng isang oras. Inaayos ko 'yong mga papel na katatapos lang dalhin dito kanina ni Maam Wena. Napahilot ako sa aking batok dahil naramdaman kong nangalay ito. Sumasakit na rin 'tong ulo ko at gustong-gusto ko ng matulog. Linalabanan ko ang antok dahil baka biglang magising ang boss ko at pagalitan pa ako. Kaya tinatapik ko ang pisngi ko para magising ang diwa ko. Nakaramdam ako ng pag-aalburoto ng pantog ko kaya ibinaba ko muna 'yong mga hawak kong papel saka maingat na pinihit ang doorknob. May sariling comfort room 'tong opisina ni Sir Luhan pero nahihiya akong gamitin dahil baka maartehan siya sa akin kaya sa public CR na lang ako iihi. At bago ko pa man mapihit ang doorknob ay bumukas na ito kaya tumama ito sa noo ko't napaaray ako sa sakit. Pagkatapos ay iminulat ko ang aking mga mata at doon ko nakita ang medyo may katangkaran na babae. Nakasuot siya ng dress na kulay black, 'yong fitted kaya kita 'yong magandang hubog ng kanyang katawan. Hindi niya ako pinansin at nilampasan patungo sa table ni Sir Luhan. Tulog na tulog ang binata kaya hindi niya pansin ang pagdating ng babae. Inilapag ng babae ang isang puting envelope, mukhang invitation card. Pagkatapos ay naglakad na ito papunta rito sa may pintuan. Sa awra ng babae, mapapansin na bad mood ito pero kahit na ganoon ay naglakas ng loob pa rin ako na batiin ito. "Good afternoon, Maam, ano pong----" "Please tell him na tigilan na niya ako bago pa ako may gawin sa pangungulit niya, maliwanag?" Agresibong utos ng babae sa akin kaya nakaramdam ako ng takot. Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil hindi na ako nakapagsalita sa takot. Pinanood ko ang babae na lumabas ng opisina pagkatapos ay napatingin kay Sir Luhan na mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang swivel chair. Sino ang babaeng 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD