"Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"
Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."
Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan.
"Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na may hinihintay siya doon pero ni isa walang makapagsabi kung sino. May kinikita raw siya at hindi si Maam Stephanie."
"Stephanie? Sino 'yon?"
"'Yong ex-fiancee ni Sir Luhan."
"Matangkad ba na maputi saka maarte sa katawan?"
"Oo, basta kapag lumapit ka don magmumukha kang dumi." Natawa pa si Jen sa kanyang sinabi.
"Jen, baka ang Stephanie na sinasabi mo ay 'yong babae na pumunta kanina sa opisina ni Sir Luhan. Alam mo bang galit na galit siyang pumasok at may iniwang invitation card. Pinasabi sa akin na tigilan na raw siya ni Sir Luhan bago pa siya may gawin." Pagbabalita ko. Naalala ko na naman 'yong itsura ng babae kanina.
"Leya, kung papayag ka lang na maging sekretarya ni Sir Luhan dahil interesado ka sa nangyari sa kanila nong fiancee niya, huwag ka ng tumuloy." Paalala ni Jen sa akin sa seryosong tinig.
Pinagkunutan ko siya ng noo. "Bakit? Wala namang masama diba? Tsaka, maeenjoy ko naman siguro na maging sekretarya niya kasi maraming lugar kaming pupuntahan. For sure naman nakabuntot ako palagi sa kanya. Lalambot rin 'tong puso ko sa kanya at panigurado 'di magtatagal magkakasundo na rin kami."
"Akala ko ba nakakarindi siya't nakakapagod na kasama?"
"Oo nga pero wala e interesado akong malaman lahat sa kanila nong ex-fiancee niya."
"Hindi birong issue 'yang gusto mong pakialaman, Leya."
"Paano kapag wala naman talagang kasalanan si Sir Luhan? Paano kapag napagbintangan lang siya?"
Napabuntong-hininga na lang si Jen ng malalim. "Bahala ka! Basta ako pinagsabihan na kita. Kinukumbinsi kita na maging sekretarya niya para magtrabaho ng marangal hindi 'yong kailangan mo pang mangialam sa issue nila nong ex-fiancee niya. Mapapahamak ka kapag pinagpilitan mo 'yang gusto mo, Leya." Tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa kalan upang tignan na ang kanyang niluluto. Naiwan ako na nakatulala at iniisip kung ano ang nararapat kong gawin.
***
"Goodmorning Sir." Masiglang bati ko kay Sir Luhan pagpasok niya ng kanyang office. "Akin na po 'yang bag niyo." Kinuha ko sa kanya 'yong hawak niyang bag. Nailang ako sa kakaibang titig niya sa akin kaya pumirmi ako't inilagay sa mesa niya 'yong kanyang bag na dala.
"Why are you here?" Malamig na tugon niya sa akin. Hindi maipinta ang gulat sa kanyang mukha. "Akala ko ba wala kang balak maging sekretarya ko?" Ipinuwesto niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa habang diretso na nakatitig.
"Sir, 'yong tungkol sa mga sinabi ko kahapon dala lang 'yon ng pagod. Syempre nabigla 'tong katawan ko sa dami ng inasikaso ko kahapon, e sanay ako na nasa department lang nakaupo't nag-aasikaso ng papel. Tsaka, baka tama si Maam Wena, baka dumating 'yong araw na magsisisi ako kapag 'di ko tinanggap 'tong offer niyo sa akin. Kaya nandito po ako, purong sekretarya niyo po." Masiglang tugon ko.
Napansin ko na blangko ang kanyang mukha, hindi yata siya natuwa sa pagiging jolly ko. Hanggang sa napansin ko ang mga mata niya na sinulyapan mula paa hanggang ulo ko. Napatingin na rin ako sa suot ko. Bagay naman 'tong slacks na kulay black na may ternong long sleeves na kulay pink. Hindi naman ako dugyot tignan. Pinaghandaan ko ang araw na ito bilang sekretarya niya.
"Since you are my secretary now, kindly wear formal attire always."
"Hindi pa ba pormal 'to, Sir?"
Umiling siya. "Mukhang pambahay lang."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Pambahay? Hello, binili ko pa sa divisoria 'to 'no! Pormal na para sa akin 'yong ganto. Saka presentable naman akong tignan e, hindi naman dugyot."
"Laira doesn't wear that kind of attire before." Humalikpkip siya at muling nagsalita. "Being my secretary dapat mas nakakaaya kang tignan. Malakas dapat ang dating mo para hindi madissapoint 'yong mga negosyante na makakaharap natin. And please, learn to speak fluent in english."
"Sir, magkaiba po kami ni Maam Laira. Kung siya dinaig pa ang model kung manamit, ako po hindi. Ganitong attire lang po ang alam ko e kaya pagpasensyahan niyo na. Sa englishan naman po, hindi po ako college graduate kaya asahan niyong di ako fluent magsalita ng english." Pagpapaliwanag ko. Mabuti nang alam niya ang lahat patungkol sa akin para hindi na siya madismaya.
"Do I have a meeting today?" Tanong niya sa walang ganang tinig. Nakatitig siya sa kanyang selpon habang nakasandal sa mesa.
Kinuha ko naman 'yong black notebook at tinignan ang schedule niya. "Uhm, 1pm lang po 'yong meeting niyo ngayon, Sir. Mamayang 5pm naman po may dinner meeting ka po kay Mr. Que. That's all for today's schedule, Sir."
"Fix yourself, aalis tayo."
"Huh? Saan tayo pupunta?"
Hinarap niya ako at tinignan ng diretso sa mata. "I'll going to trained you as my secretary."
***
"Ba't dyan ka umupo?" Iritableng tanong ni Sir Luhan sa akin. Nagkatitigan kami sa may salamin.
"Bawal po ba?"
"Tsk! Dito ka sa passenger seat maupo. Nagmumukha akong driver kung nandyan ka sa likod." Depensa niya at ramdam ko naman sa boses niya na naiinis siya.
"Ay, sorry po." Nagpeacesign ako saka kinuha 'yong mga inilapag kong gamit. Binuksan ko 'yong pinto dito sa may backseat at lumabas. At kagaya ng gusto ng boss ko, naupo ako sa passenger seat. Kaagad kong isinuot 'yong seatbelt at inilapag sa legs ko 'yong mga gamit na dala ko.
Habang nasa byahe ay nakatutok lang si Sir Luhan sa pagmamaneho samantalang ako nakatitig sa may bintana. Nagsisitaasan talaga 'yong mga gusali rito sa syudad. Kahit matagal na akong nakatira dito, namamangha pa rin ako sa dami ng mga building rito. Sa taas ng mga non ay pwedeng gawing hagdan papunta ng langit.
"Ano ng balita? Nahanap niyo na ba sya?" Rinig kong pakikipag-usap ni Sir sa hawak niyang selpon. Iyong isang kamay niya ay nakahawak sa manibela't diretso ang titig niya sa daan. "By the way, 'yong inutos ko sa'yong puntahan mo, nakakuha ka ba don ng information? Ano? Dapat chineck mo ang CCTV camera nila baka mamaya pinagloloko tayo ng mga 'yon. Tsk! Masyado ng matagal 'tong paghahanap natin sa kanila! Its been four year, Roi, gumawa ka na ng paraan."
Napansin ko na napasapo si Sir Luhan sa kanyang sentido. Sapat na lahat ng narinig ko upang malaman na may pinapahanap siyang tao. Ang tanong ay sinong sila?
"Tawagan mo'ko mamaya kapag nakakuha ka ng pwede nating gamitin." Pinatay na niya ang tawag at padabog na inihagis ang selpon sa harapan.
Napakagat ako ng labi. Ito ang isa sa mga kinakatakutan ko kay Sir Luhan, dinaig niya ang diablo kung galit. Kung gaano siya katakot magalit kabaliktaran ang nakita ko kagabi. Sinong mag-aakala na umiyak ang isang Lucas Hanzen?
Peke akong umubo para alisin 'yong bad vibes sa pagitan naming dalawa. Sinulyapan niya ako saglit pagkatapos ay itinapon sa daan ang tingin. Gusto ko sanang magsalita pero nawalan ako ng lakas ng loob dahil mukhang tama si Jen, hindi birong issue 'tong gusto kong pakialaman.
Pasimple ko siyang nilingon, nakasandal ang kanan niyang siko sa may bintana habang nilalaro ng daliri nito ang kanyang labi. Mukhang malalim ang kanyang iniisip base sa itsura niya. At dahil sekretarya niya ako, umisip ako ng paraan para maaliw siya.
"Sir, marshmallow po, gusto niyo?" Alok ko sa kanya. Naging paborito ko na rin ang marshmallow dahil kay Kesleigh. Nakakaadik kasi ang lasa nito kaya hindi ako magtataka kung bakit naging paborito ito ng anak ko.
Sinulyapan niya ang alok ko saka tumingin sa mga mata ko. "Hindi ako mahilig sa matamis."
"Weh? E ba't nakatambay kayo sa coffee shop kagabi?"
Napalingon kaagad siya sa sinabi ko dahil sa gulat. Maski ako nagulat sa sinabi ko kaya napakagat ako sa pang-ibaba kong labi't napapikit sa katangahan ko. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad akong umiwas.
"How did you know?" Maawtoridad niyang usal. Mukhang hinuhuli niya ako sa tono ng boses niya.
"Uhm! Napansin ko kayo kagabi na nandon." Saka ako ngumiti.
"May nakita ka ba?"
Umiling kaagad ako dahil sa itsura niya mukhang ayaw niyang malaman na nakita ko siya kagabi na hinihintay si Maam Stephanie. At sa kasamaang palad hindi siya ang ipinunta ng babae.
"Napadaan lang po ako sa tapat ng coffee shop, Sir, saka umuwi na rin agad kasi hinanap ako ng anak ko e." Palusot ko kahit kitang-kita ko lahat ng nangyari kagabi lalong-lalo na 'yong pag-iyak niya.
Nakumbinsi ko naman siya at hindi na ako nag-aksaya ng laway para magsalita ulit at baka madulas pa ang dila ko't masabi na nakita ko kung paano siya umiyak. Natatakot akong malaman niya na nakita ko siya kagabi dahil baka magalit siya. Sabihan pa akong pakialamera kahit totoo naman.
***
"Kumuha ka na lahat ng formal attire na gusto mo dyan." Utos ni Sir Luhan sa akin pagkarating namin sa isang tindahan ng damit dito sa mall na pinuntahan namin. May isang bodyguard na sumama sa amin. Hindi ko sila napansin dahil nakasunod pala sila sa amin kanina.
"Sir, wala akong pambili."
"Basta kumuha ka na lang." Malamig na tugon niya at sinenyasan na pumili na ako.
Todo reklamo ako na walang pambayad pero siya daw ang bahala sa akin kaya wala na akong nagawa. Habang pumipili ako ay tinitignan ko ang mga price nito. Sa lahat ng nahawakan ko, limang libo ang pinakamamababang presyo nito. Napamura ako sa kamahalan ng damit nila rito. Hindi kakayanin ng bulsa ko ang presyuhan nila dito. Nakakapanghina nga naman talaga ng bulsa.
"Tapos na po, Sir."
Nasa kanan kong braso 'yong mga damit na napili ko. May tatlong ternong formal attire lang 'yong kinuha ko dahil nag-aalala ako sa presyo nito. Wala akong kadala-dala ngayon, tanging pambili lang ng vitamins ni Kesleigh at pamasahe ko pauwi.
"Isukat mo lahat 'yan." Utos niya.
Nagtaka na ako sa sinabi niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo. "Huh? Ba't susukatin pa, Sir?"
"Para malaman natin kung bagay ba sa'yo o hindi."
Sinunod ko ang gusto niya at sinukat nga 'yong mga damit. Basta maisuot ko 'yong napili kong magkaterno ay lalabas ako ng fitting room at irarampa ang sarili ko sa harapan ni Sir Luhan. Nakaupo siya sa isang designated chair ng shop habang may hawak na magazine.
Sa unang sukat ko ay hindi pasado sa kanya kaya nagpalit na naman ako. Nakailang palit na ako pero wala pang pasado sa paningin niya. Namumuo na ng pawis ang noo ko dahil napapagod ako pabalik-balik sa loob ng fitting room. Sa huli ay wala ni isa sa mga pinili ko 'yong bumagay sa akin sa paningin niya.
"Pinapili pa ako kung hindi naman pala magugustuhan." Bulong ko't humalukipkip. Nagsayang pa ako ng oras na mamili ng damit gayung ekis lang din lahat sa kanya.
"Miss, pakibalot lahat ng best selling formal attire niyo para dito sa sekretarya ko." Utos niya sa saleslady na umasikaso sa akin. Tumango naman kaagad ang babae at sinunod ang gusto ni Sir Luhan.
Namilog ang mata ko sa inutos niya sa saleslady. Sinulyapan ko siya pero hindi ko manlang nabasa sa mukha niya na namoblema siya sa presyo ng mga 'yon.
"Sir, wala ho akong pambayad. May pera ako pero pambili ko lang ng vitamins ni Kesleigh."
"Sinabi ko bang ikaw ang magbabayad?" Tugon niya habang nakakrus ang mga braso nito sa kanyang dibdib.
"E ano? Ikakaltas mo sa sahod ko?"
"'Yon ba ang gusto mo?"
"Syempre hindi." Mabilis kong sagot. "Kahit hindi na ako magsuot ng magaganda basta may maiuwi ako sa anak ko, okay na 'yon sa akin."
"Huwag ka ng magreklamo dyan." Pagpapatahimik niya sa akin. "Sinusuutan na kita ng disente at pormal para hindi ka nila pagtawanan. Pasalamatan mo na lang ako."
Natahimik ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala akong alam na sapat na dahilan para gawin lahat ito ni Sir Luhan sa akin. Buong buhay ko, siya lang 'yong nakagawa ng ganito sa akin na bilhan ako ng mga mamahaling damit.
Natulala ako habang nakatingin pa rin kay Sir Luhan. Winawari ko kung totoo ba lahat ng ito o panaginip lang. Hindi ko inaasahan na dadalhin niya ako rito at bibilhan ng mga damit. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong maganda sa kanya para itreat niya ako ng ganito.
"Hindi ako masamang tao tulad ng inaakala nila." Makahulugang usal niya pagkatapos ay tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa cashier upang bayaran 'yong mga pinamili namin.