NANLAKI ang mga mata ni Macaria. "Ano?!" Bulaslas niya't mabilis na umiling-iling. "Ayoko, Ama! Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Alam niyo naman po 'yon!"
Sino namang aasawahin niya? Si Bonak? Si Tardo? Oo nga't palaging sinasabi ng kaniyang ama na kung anong nariyan ay pasalamatan. Pero ni katiting na atraksyon ay wala siyang maramdaman kahit kanino sa mga ka-tribo nila.
Matigas na umiling rin si Ser-Al. "Nasa tamang edad ka na, Macaria."
"Alam ko po 'yon, Ama. Pero alam n'yo rin namang wala pa akong nagugustuhan sa mga ka-tribo natin!"
"Aba'y kung ganoon, ako ang hahanap ng makakatuwang mo sa buhay para hindi ka na nahihirapan."
Marahas siyang bumuga ng hangin. Para namang isang iglap lang ang desisyon na 'yon kung magsalita ang kaniyang Ama. Pang-habangbuhay niyang makakasama ang lalaking makakatuwang! Ayaw niyang magkaroon ng pagsisisi sa bandang huli. Kahit pa nga nakikita niyang naging masaya naman ang kaibigang si Haryeta na ipinagkasundo lang sa mapapangasawa nito. Ayaw pa ring sumugal ni Macaria. Hindi naman mainit na kanin ang isang kasal na kapag napaso kay iluluwa mo.
"Pasensya na, Ama. Pero ang desisyong iyon ay sa 'kin at sa 'kin lamang, hindi sa 'yo, hindi sa kung sino man," matatag niyang sinabi saka tumayo at naglakad palabas ng kubo.
"Macaria!" Tawag ni Ser-Al sa anak. "Macaria, bumalik ka ritong bata ka!" Subalit nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad palayo.
>
>
NATAGPUAN ni Macaria ang sarili na nakaupo sa batuhan sa tabi ng ilog. Nakayupyop siya roon at yakap-yakap ang mga tuhod habang nilalaro ang maliliit na bato sa paanan niya.
Naiintindihan niya ang kaniyang Ama. Matanda na ito at iniisip lang nito ang kalagayan niya.
Nais kasi ni Ser-Al na matutunan rin ng magiging asawa ni Macaria ang pamamalakad sa komunidad nila. Gusto nito ay 'yong may malasakit sa buong komunidad. Yung kayang ipaglaban ang Tribong Barbatura sa mga magtatakang sumakop at paalisin sila sa isla. Tulad ng ginawa ng ama noon.
Malakas na bumuntong hininga si Macaria at tumanaw sa malayo. Kung nabubuhay pa kaya ang kaniyang ina.. anong buhay kaya ang mayroon siya?
Narito pa rin kaya siya isla? O nasa siyudad?
Napukaw ang malalim na pag-iisip ni Macaria nang makarinig siya ng mga pagkaluskos. Alerto siyang lumingon sa kaniyang likuran at nakahinga ng malalim nang makita si Kaleb.
Hindi naman siya nangangamba sa mababangis na hayop. Nasuyod na ng mga ka-tribo niya ang buong isla at walang namataan ang mga ito na mapanganib na hayop. Subalit pinag-iingat sila sa makamandag na ahas.
"Pasensya na kung nagulat kita..."
"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong niya habang pinagmamasdan ang lalaki na lumalakad palapit sa kinaroroonan niya.
"Nakita kitang pumasok sa kagubatan paglabas mo sa malaking kubo... may problema ba?" Naupo si Kaleb sa kaniyang tabi. Nakasuot ito ng puting pang-itaas at lumang pantalong maong ng kaniyang ama. Maiksi ang haba niyon sa lalaki umabot lang sa buto sa itaas ng paa nito.
"Bakit mo naman naitanong 'yan? Mukha ba akong may problema?" Aniya't tumanaw uli sa payapang ilog. Malinaw ang tubig niyon at nakikita ang mga bato sa ilalim. Dito naglalaba ang mga kababaihan sa tribo nila at nagtatampisaw ang mga bata.
"Napansin ko no'ng lumabas ka sa malaking kubo, nagsasalubong ang kilay mo." Pumihit ito paharap sa kaniya. "Come on, tell me... anong problema?"
Malakas na bumuntong hininga si Macaria. "Si Ama kasi gusto niya akong isali sa Piarahana sa darating na linggo."
"Pia.. rahana?" Nagtatakang tanong ni Kaleb. "Ano 'yon?"
Ipinaliwanag ni Macaria kay Kaleb kung ano at paano ginaganap ang Piarahana. Nakita niyang bumakas ang interes sa mukha ng lalaki na ikinapagtaka ni Macaria.
May napupusuan na ba si Kaleb sa tribo nila?
"At.. hindi ka pa handa para doon?" Tanong nitong pinagmamasdan ang mukha niya.
"Alam kong nasa tamang edad na ako... at walang kaso sa 'kin ang mag-asawa kung... kung..."
"Kung ano?" Untag nito.
Tumingala siya kay Kaleb. "Kung.. may napupusuan na ako sa mga ka-tribo ko."
Umangat ang sulok ng labi ni Kaleb habang humahalukipkip. "Wala ka pang nagiging boyfriend ni isa sa tribo niyo?"
"Boyfriend?" Tinagilid ni Macaria ang ulo. "Ano 'yon?"
"Oo. Karelasyo. Nobyo. Kasintahan. Anything you preferred."
"Ah.." patango-tangong usal ni Macaria. Kaya gusto niyang nakakausap si Kaleb, ang dami niyang natutunang bagong salita rito. "Wala. Wala pa akong naging... boyfriend."
Umangat ang isang kilay ni Kaleb na tila hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Ang hirap paniwalaan... sa gandang mong 'yan, imposibleng walang nanligaw sa 'yo."
Pinamulahan ng mukha si Macaria. Siya? maganda sa paningin ni Kaleb?
"May.. may mga nagpahayag sa 'kin ng damdamin nila at tulad nga ng sinabi ko, hindi pa ako handa sa ganoong bagay at wala akong nararamdaman na kahit ano para sa kanila."
"So, you're a heartbreaker.." hinimas-himas ni Kaleb ang baba nito at kumindat. "Ano bang... hinahanap ng isang Macaria sa lalaki?"
Umayos ng upo si Macaria at pumihit rin paharap sa lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit interesado kang malaman?"
Nagkibit ng balikat si Kaleb. " Malay mo nasa tabi-tabi lang pala ang hinahanap mo."
Kunwaring luminga-linga si Macaria sa paligid. "Hmmm... nasaan ba ang sinasabi mong—" at natigilan rin nang hawakan ni Kaleb ang baba niya at ipaharap mukha niya rito.
"Nandito..." anito't hinuli ang paningin niya.
Tila huminto ang paghinga ni Macaria nang unti-unting bumaba ang mukha ni Kaleb sa kaniya. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang labi nito na lumapat sa labi. Iyon ang turo sa kaniya ni Haryeta.
"Macaria!"
Pero biglang nagising si Macaria sa isang magic spell nang marinig ang boses sa di kalayuan. Mabilis siyang tumayo at lumayo kay Kaleb.
"Nandito ka lang pala," ani Heron na kararating lang. Lumapit ito at hinawakan sa pala-pulsuhan si Macaria. "Halika na, hinahanap ka ni Amang Ser-Al. Bigla ka na lang daw umalis," sabay hila sa kaniya papasok sa kagubatan.
>
>
Naiwan si Kaleb na sinusundan ng tingin si Heron at Macaria na pumapasok sa kagubatan.
Sumilay ang isang matagumpay na ngisi sa labi ng lalaki.
Everything was going according to his plan. Ang nakikita niya lang na magiging sagabal ay ang kababata ni Macaria. Lalaki rin siya kaya alam niyang malaki ang pagkagusto nito sa dalaga.
Pero pasensyahan na lang. He will do everything to get close to the chief's daugther. Macaria will be his ticket to success.
Tumayo si Kaleb, pinagpag ang suot niyang pantalon at naglakad papasok pa sa kasukalan. Huminto siya sa puno ng saging na nilagyan niya ng marka at nagsimulang bungkalin ang lupa sa gilid ng puno.
Luminga-linga si Kaleb sa paligid bago sumalampak ng upo sa damuhan. Kinuha niya ang isang maliit na itim na bag mula sa binungkal na lupa.
He opened it and picked up the small chocolate bar. Habang kumakain, chi-neck niya ang cellphone at marahas na napailing nang makitang black out na ang screen. Lowbat.
Wala rin namang silbi ang gadget sa isla, dahil madalang pa sa patak ng ulan kung makasagap ng signal mula sa kalapit na Isla La Fuente.
He needed to check on his business. Although, iniwan naman niya 'yon sa taong mapagkakatiwalaan niya— still gusto pa rin niyang malaman ano na ang mga nangyayari doon.
Kailangan rin niyang ipaalam sa Inang si Katalina na nasa maayos siyang kalagayan. She'll probably worried about him. Hindi na kasi nagawa pa ni Kaleb na magpaalam dito.
Kailangan niyang gumawa at umisip ng paraan para makababa sa bayan.
>
>
Halos makaladkad na si Macaria sa paraan ng paghila ni Heron sa kaniya. Malapit na sila sa b****a ng kanilang komunidad nang marahas na bawiin ni Macaria ang kamay mula sa kababata.
Mabilis itong bumaling sa kaniya, nagsasalubong ang kilay. "Sinabihan na kita, Macaria. Huwag ka masyadong magtitiwala sa dayong 'yon! Ano na naman ginagawa ninyong dalawa sa ilog, ha?"
Nagsalubong na rin ang kilay ni Macaria. Sa tono ng pananalita ni Heron para bang may karapatan itong manduhan siya. Para bang akala mo pag-aari siya nito.
Naiintindihan niyang nais lang siyang protektahan ng kaibigan, pero labis naman ito. Kung ang kaniyang ama nga ay hindi siya pinagbabawalang lumapit kay Kaleb. Anong karapatan ni Heron?
And thinking about her father, biglang nanumbalik ang inis na nararamdaman ni Macaria kani-kanina lang, nakadagdag pa ang kababata.
"Ano namang masama kung magtungo kami roon ni Kaleb? Nagpupunta rin naman tayo sa ilog kung minsan para maglaba. At may pangalan siya Heron," may diing sabi niya. "Huwag mo siyang tawaging dayo lang. Dahil sa ngayon, dito siya maninirahan sa 'tin. Kaya hindi na rin siya naiiba sa 'tin. Naintindihan mo?"
Tila hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Heron. "Matagal mo na akong kilala, Macaria!Kahit magtungo tayo sa ilog o kung saan pa man, hindi kita gagawan ng masama! Eh, ang dayong 'yon? At kailanman hindi natin siya magiging kaisa o kauri! Dahil dayo lang siya!"
Humakbang si Macaria palapit sa kaibigan at tinitigan ito sa mga mata. "Hindi siya tulad ng iniisip mo, Heron," mahinang asik niya. "Hindi niya ako gagawan ng masama tulad ng maruming iniisip tinatakbo niyang utak mo."
Tinalikuran na ni Macaria si Heron at kahit naririnig niyang tinatawag siya nito'y nagtuloy-tuloy siya patungo sa malaking kubo.
>
>
"Macaria, kilala mo naman si Heron. Mga bata pa tayo labis na niya tayong ipagtanggol at protektahan. Marahil ay nag-aalalang lang 'yon sa 'yo. Kamakailan mo lang rin naman talaga nakilala si Kaleb. Pinaaalalahanan ka lang niya."
Kasama ng kumpol ng mga kababaihang Barbatura na nakasalampak sa buhanginan malapit sa malaking si siga si Haryeta at Macaria.
Pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw, nakasanayan na ng mga katutubo na sabay-sabay na maghapunan kahit na walang okasyon. Kahit na simple lang ang pagkain.
Iyon ang dahilan kaya ang tribo nila ay tila isang malaki at masayang pamilya. Lahat nagkakaisa at nakikisama.
"Pero sobra naman na yata 'yon, Haryeta. Pinagbintangan na nga niya si Kaleb na gagawan ako ng masama, kung manduhan pa niya ako parang bang pag-aari niya ako. Kung si Ama nga ay hindi ako pinagbabawalan na lumapit kay Kaleb," nakasimangot na sumalong baba si Macaria.
"Kung sabagay..." patango-tangong kumagat si Haryeta sa kinakain nitong saging na saba tsaka sumingkit ang mga mata. "Hindi ko rin maintindihan si Heron. Mula nang dumating si Kaleb naging mainitin na ang ulo niya."
Bumuntong hininga si Macaria dahil 'yon rin ang napapansin niya sa kaibigan. Imposible namang nababahala ito sa posisyon nito sa komunidad nila?
Isa si Heron sa napupusuang maging Berbata sa kanilang henerasyon. Masipag, malakas at matapang. Na kay Heron lahat ang katangian ng pagiging isang pinuno.
Pero dahil sa batas at patakaran na ang susunod na hihiranging pinuno ay ang anak ng dating pinuno— naka-atang ngayon sa balikat ni Macaria ang responsibilidad na hindi niya alam kung kaya ba niyang gampanan. Kung karapat-dapat ba siya sa posisyon na 'yon.
"Siya nga pala... anong naging usapan ninyo ni Amang Ser-Al?"
Binalingan niya ang kaibigan. "Gusto niya akong isama sa Piarahana."
Pumitik sa ere si Haryeta. "Sabi na nga ba! Tama na naman ang hula ni Inang Marya na mapapabilang ka sa Piarahana ngayong taon!"
"Haryeta, nasa tamang gulang na ako kaya iyon nasabi ni Inang. Pero.. hindi pa ako handa. Ni wala nga akong napupusuan man lang sa mga kalalakihan sa tribo natin."
Siniko siya nito. "Eh, hayun kayang lalaking 'yon?"
Sinundan ni Macaria ang iningunguso ni Haryeta at nakita niya si Kaleb sa 'di kalayuan. Naglalakad ito patungo sa kung saan sila nagkakasiyahan ng mga katribo niya.
Mukha itong mabango at malinis sa suot na puting pang-itaas at lumang kupas na maong ng kaniyang ama.
"Oh, iyan ba ang wala pang natitipuhan sa mga kalalakihan rito?" Panunukso ni Haryeta sabay sinundot ang tagiliran niya.
Napapaigtad na sinaway ni Macaria ang kaibigan. "Magtigil ka nga Haryeta! Mamaya niyan ay may makarinig sa 'yo."
"Ano namang masama? Magandang lalaki naman si Kaleb. Matipuno ang katawan. Magandang ang kulay ng balat at higit sa lahat matangkad. Para talagang siya 'yong mga artistang napanood natin doon kina Ma'am
Ataska." Humagikhik ito. "Kanina nga ay usap-usapan siya ng mga kababaihan doon sa malaking kubo. Lahat sila ay umaasa na mapansin ni Kaleb!"
Hindi na nagulat si Macaria. Inaasahan na niyang maraming kababaihan ang mahuhumaling kay Kaleb. May magagandang lalaki rin naman sa tribo nila, matitipuno rin.. subalit malayong-malayo sa malakas na presensya ni Kaleb.
There was something about him that drew her closer. He's like a magnet and she's like a metal.. he keeps on pulling her closer to him.
Itinaas ni Macaria ang kamay upang tawagin at kawayan sana ang lalaki, subalit natigilan siya nang biglang humarang sa daraanan ni Kaleb si Sari.
Ngiting-ngiti si Sari. Ang mga kamay ay nasa likuran. May sinasabi ito kay Kaleb at ilang sandali lang, hinatak na nito ang lalaki sa kumpol kung nasaan ang mga kaibigan nito. Nagtilian at hiyawan ang mga kakabaihan nang paunlakan ni Kaleb ang mga ito.
"Nakuuuu!" Palatak ni Haryeta. "Tingnan mo, Macaria! Tingnan mo ang mga haliparot na 'yan!" Tukoy nito kina Sari at sa mga kaibigan nito na ngayon ay pinagkakaguluhan na si Kaleb. "Hindi ba't dapat ang lalaki ang sumusuyo sa babae! Nakakahiya sila! Tingnan mo nga naman! Pinipisil pa ang braso ni Kaleb!"
Pilit na inignora ni Macaria ang kaibigan at itinuon ang atensyon sa pagkain. Nagbingi-bingihan na lang siya sa kinikilig na tawa ng mga kababaihan at sa patuloy na paghihimutok ni Haryeta.
Nagkaroon ng kaunting katuwaan habang naghahapunan ang lahat. Nagpakitang gilas sa pagsasayaw ang mga kababaihan sa pangunguna ni Sari. Ganadong-ganado ito sa pag-indayog ng balakang habang nangingiting sumusulyap-sulyap kay Kaleb na nakaupo kasama ang ibang kalalakihan. Hindi rin nagpatalo ang iba pang mananayaw sa tribo nila, lahat ay ninanais na mapansin ng mga lalaking hinahangaan ng mga ito.
Tahimik naman si Macaria sa panonood. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nawalan siya ng gana ngayong gabi. Kanina pa siya humahanap ng tiyempo upang makauwi sa banwa nila. Pero panay rin ang pigil sa kaniya ni Haryeta.
"Talagang binakuran na ni Sari si Kaleb! Hindi ba nahihiya ang haliparot na 'yon!" Wala pa ring tigil si Haryeta sa mga tirada nito kahit nagliligpit na sila ng mga pinagkainan. "Kung sabagay... maraming bulong-bulungan..."
Inayos ni Macaria ang palayok at malaking mangkok gawa sa kahoy na pinaglagyan niya ng nilutong sinaing na isda at kanin na ibinahagi ng dalaga sa buong komunidad. Si Haryeta naman ang nagdala ng prutas at gulay. Ganoon rin ang iba pa nilang ka-tribo.
"Anong bulong-bulungan?" Nagtatakang tanong niya.
"Hindi na raw birhen 'yang si Sari," mahinang asik nito.
Napailing si Macaria at binibit na ang mga kagamitan na iuuwi niya sa banwa nila. "Haryeta, wala na tayong pakialam sa bagay na 'yon. At isa pa nasa tamang edad na si Sari para gumawa ng desisyon sa sarili niya." Tumayo siya at inayos sa bisig ang mga dala-dala. Sumunod si Haryeta sa kaniya.
"Pero, Macaria... Alam mo naman na ang pananatiling birhen hanggang sa pag-iisang dibdib ay isang regalong maituturing sa 'yong mapapangasawa!"
"Iba iba ang pananaw ng tao, Haryeta.
Tinalikuran na niya ang kaibigan at naglakad patungo sa banwa nila.
Napahinto rin si Macaria malapit sa bakuran nila nang may humarang sa daraanan niya. Tiningala niya ang taong nakatayo sa kaniyang harapan.
"Tulungan na kita diyan," ani Kaleb.
Sinubukan nitong kuhanin ang mga bitbit niya pero kaagad 'yong iniwas ni Macaria.
"Hindi na. Salamat," aniya't nilampasan ito.
"Macaria." Sumunod si Kaleb sa kaniya. "Sandali."
Pumikit siya ng mariin bago siya pumihit paharap sa lalaki. "Anong kailangan mo?"
"Galit ka ba?" Bakas ang pag-alala sa tonong tanong nito.
Walang emosyon na umiling si Macaria. "Hindi. Ano naman ang magiging dahilan upang magalit ako sa 'yo?"
"Kaya nga nagtataka ako ngayong ganyan ang pakikitungo mo sa 'kin."
"Bakit ano bang dapat maging pakitungo ko sa 'yo, Kaleb? Dayo ka lang naman rito sa 'ming komunidad." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang lalaki. Tinalikuran niya ito't tuloy-tuloy na pumasok sa kubo.
Pabagsak na isinara ni Macaria ang pinto sa kaniyang silid at pagod na pinatay ang gasera saka marahas na itinakip ang unan sa kaniyang mukha.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Nagagalit siya at naiinis. Pero bakit? At kanino?
Wala namang kasalanan si Kaleb kung pagpantasyahan ito ng mga kababaihan. Natural lang 'yon dahil magandang lalaki ito. At hindi naman masamang humanga at ipakita 'yon tulad ng ginawa ni Sari.
Ang may kasalanan ay sarili mismo niya! Nagagalit siya ng walang basehan!
Itinulog na lang ni Macaria ang kakaibang emosyon na si Kaleb lang ang pumukaw.
>
>
Maagang gumising si Macaria at nag-agahan. Lumabas siya ng kubo upang tumungo kung saan nagtatrabaho ang mga kalalakihan.
"Tardo, nasaan si Kaleb?" Tanong niya sa nakasalubong na kababata.
Napag-isip isip niya kagabi, mali ang inasal niya at sinabi kay Kaleb kaya dapat na humingi siya ng tawad sa lalaki.
"Sinong Kaleb?" Nagtatakang tanong nito.
"Yung Dayo."
"Ah, oo!" Bumakas ang rekognisyon sa mukha nito. "Kani-kanina lang ay pinuntahan siya ni Sari at niyaya roon sa kubo niya."
"Ano?!" Gulat na bulaslas ni Macaria. "At anong gagawin niya doon sa kubo ni Sari?"
Ngumisi si Tardo. "Ano bang ginagawa ng isang babae at lalaki?" Pailing-iling itong naglakad na papalayo. "Ang swerte nga naman, oh, oh. Mukhang maraming mabibiyak na buko ang dayong 'yon, ah."
Naiwan si Macaria sa gitna ng daan. Pumihit siya sa direksyon kung saan natatanaw niya ang kubo ni Sari.
"Hindi na raw birhen si Sari..." anang tinig ni Haryeta sa isipan niya.
Iyon ba ang ginagawa nila doon sa kubo?
Naglakad si Macaria patungo sa kubo. Ilang hakbang ang layo niya roon nang makarinig siya ng kakaibang mga tunog. Parang hinihinga at humahalinghing.
"Ah... ah... sige pa.. diyan... sipsipin mo pa."
Tumindig ang balahibo ni Macaria. Bumilis ang t***k ng puso niya.
Anong ginagawa ni Kaleb at Sari?
Hindi na siya nakapag-isip, malakas niyang sinipa ang pintuan ng kubo.
"Ahhhh!" Malakas na tili ni Macaria sa nabungaran ng kaniyang mga mata.