Chapter 6

2776 Words
"Ah! Hula... Hulang ang nakalaan para kay Haryeta ay si Hernan!" Mabilis na sagot ni Macaria sabay baling sa kaibigan. "At.. nagkaroon na nga 'yon ng katuparan noong isang linggo! Hindi ba, Haryeta? Ang galing talaga ni Inang Marya! Lahat ng pangitain niya ay nagkakaroon ng katotohanan!" "Tama!" Sang-ayon ni Haryeta na pumitik pa sa ere sabay ngisi at nanunuksong ngumisi kay Macaria. "At ang sabi pa sa hula ni Inang Marya, si Macaria na raw ang susunod na makikipag-isang dibdib." "Oh, really..." patango-tangong usal ni Kaleb ang mga mata ay nakatuon sa dalaga. Naglakad na si Haryeta patungo sa pintuan kung saan nakatayo si Kaleb. "Oh, paano? Mauna na ako. Malamang sa malamang hinihintay na ako ng aking mahal na asawa," pagkatapos ay binalingan nito ang lalaki. "Ikaw na ang bahala sa kaibigan ko, Kaleb. Paalam!" Naiiling na sinundan ng tingin ni Macaria ang kaibigang lumabas ng kubo, patalon-talon pa itong naglalakad palayo. Iba ang saya at sigla ni Haryeta mula noong mag-asawa ito. At para bang palagi siyang nasasabik na gumabi at makatabi ang asawa. Naiiling na ibinalik ni Macaria ang atensyon sa ginagawa. "May maitutulong ba ako?" Mayamaya ay tanong ni Kaleb na tumayo sa kaniyang tabi. "Tapos na ako rito." Nalingunan niya ang lalaki na inililibot ang paningin sa maliit na kubo. Nakaupo ito sa papag. Mas malaki ng kaunti ang kubo na ito kumpara sa kubo na pinagdalhan niya sa lalaki malapit sa ilog. Mayroong lamesa at upuan na gawa sa kawayan. Maliit na kabinet na yari rin sa kahoy at Papag na maari nitong tulugan. "Kagabi... hindi ka naman nila sinaktan hindi ba?" Nag-aalalang tanong niya. Naupo siya sa tabi nito. Alam naman ni Macaria hindi ito sasaktan ng mga katribo lalo na't naroroon ang kaniyang ama. Hindi lang siya nakasisiguro sa ibang miyembro Berbata. Tulad ni Nersak at ng mga tauhan nito. "Hindi. Wala kang dapat na ipag-alala." Ngumiti ito sa kaniya. "At kagabi tumuloy ako sa kubo ninyo." Namilog ang mga mata ni Macaria. "Sa banwa namin! Hindi ko kayo naulinigan Ama!" "Malalim na rin ang gabi no'ng matapos ang mga opisyales na mag-desisyon. Matagal nagpulong ang mga Berbata... nagtatalo sila kung patutuloy ako rito sa isla niyo." Hindi na lang sinabi ni Kaleb kay Macaria na karamihan sa boto ng mga Berbata ay paalisin ito isla. Tanging ang Pinuno at dalawang tila gwardiya sibil nito ang bumotong manitili ito sa isla. "Mabuti na lang at pinayagan kang manatili rito sa isla namin." Huminga ng malalim si Macaria at bumaba ang tingin sa kamay nito. "Pasensya ka na.. sana unang pa lang ay sinabi ko na kay ama ang tungkol sa 'yo. Hindi ka na nila sana ginapos pa." Kinuha niya ang kamay nito't nakita ang bakas ng lubid na pinang-gapos doon maging ang maliliit galos sa braso nito na marahil ay nakuha nito sa pagsisibak ng kahoy kanina. Hindi tulad ng iba niyang ka-tribo, mas manipis ang balat ni Kaleb. Halatang hindi ito sanay sa mabibigat na gawain at mainit na klima dito sa isla. Hinaplos niya ang galos nito. "Gagamutin ko ang mga galos mo. Halika na muna sa aming banwa." Tumayo si Macaria subalit natigilan ng bahagyang higitin ni Kaleb ang kamay niyang hinawakan nito. "You don't have to say sorry.. and thank you, Macaria for helping me. Kung hindi dahil sa 'yo baka kung ano na ang nangyari sa 'kin. Salamat," anitong matiim ang pagkakatitig sa kaniya. Nararamdaman na naman ni Macaria ang pag-iinit ng pisngi. Ang kamay niyang hawak nito ay bahagya pang pinisil ng lalaki. "Ehem!" May tumikhim mula sa labas ng kubo. "Kanina pa kita hinahanap, Macaria." Lumingon sila doon ni Kaleb at nakita si Heron na nakatayo sa may b****a ng kubo. Lumipad ang mga mata nito sa magkahugpong nilang kamay kaya tila napapasong mabilis na bumitiw si Macaria. Ano bang iniisip niya?! Bakit ba siya nagpapahawak ng kamay sa isang dayo! Hindi naman sila maituturing na magkaibigan! "Hinahanap ka ni Inang Marya. Doon ka na raw sa'ming banwa maghapunan," sabi pa ni Heron pagkatapos ay tumalikod at tuloy-tuloy na umalis. Anong nangyari doon? Nilingon niya si Kaleb. " "M-Mauna na ako, Kaleb," paalam niya dito at hindi na nilingon ang lalaki at nagmamadali nang sumunod sa kaibigan. "Heron! Huy!" Tawag niya rito. Binagalan ni Heron ang paglalakad kaya naabutan ito ni Macaria sa bakuran ng banwa ni Inang Mariya. "Para namang may pagpupulong na magaganap sa bilis mong maglakad, Heron." Biro pa niya sa kaibigan. Hindi man lang ito ngumiti o tumawa. Nanatiling seryoso ang anyo na pumihit paharap sa kaniya. "Bakit nakikipaghawakan ka ng kamay sa dayong 'yon, Macaria?" Namumula ang pisnging nag-iwas siya ng tingin. "Napansin ko lang 'yong mga galos niya dahil sa pagkakagapos sa kaniya kagabi at sa pagsisibak ng kahoy." "Huwag kang masyadong maging mabait sa dayo na 'yon. Hindi pa natin sigurado ano ang pakay niya rito sa 'ting isla. Maging maingat ka. Hindi natin kilala ang taong 'yon." Nakikita niyang gusto lang siyang proteksyonan ng kaibigan. Nasanay na marahil si Heron na pangalagaan siya tulad sa isang nakababatang kapatid. Pero wala itong dapat na ipag-alala dahil, alam niyang hindi masamang tao si Kaleb. "Huwag kang mag-alala, Heron. Nararamdaman ko hindi mapanganib na tao si Kaleb." "Huwag kang paka-siguro, Macaria. Ilang araw mo pa lang nakakasama ang taong 'yon. Hindi ako tiwala sa itsura nun," digustong sabi nito. "Macaria, Kuya Heron! Kanina pa namin kayo hinihintay. Lalamig na ang hapunan." Sumungaw si Haryeta mula sa loob ng banwa ni Inang Marya at kumaway sa dalawa. Magkasunod silang sumunod ni Heron kay Haryeta papasok sa kubo. Nakapwesto na hapag si Inang Marya at naroon rin ang asawa ni Haryeta na si Hernan. Nagmano si Macaria sa matandang babae bago naupo sa bakanteng silya sa harapan tabi nito. Umupo naman si Heron sa tabi niya. Habang naghahapunan, naging paksa nila si Kaleb na kanina pa hindi maalis sa isipan ni Macaria. Iniisip niya kung kumain na ba ito. Kung nakapag-linis ng katawan dahil noong puntahan siya ng lalaki sa kubo, bakas ang putik sa laylayan ng pantalon nito at damit. Gagamutin pa niya ang sugat nito. Gustuhin man niyang magpaalam na kina Inang Marya, hindi makahanap ng tiyempo si Macaria. Ayaw niyang mag-isip ang mga ito kapag umuwi siya dahil nabanggit ni Haryeta, niyaya raw ni Tata Tibursio na ama nito ay inimbitahan ang kaniyang ama sa banwa nila. "Bakit mo naman itinago sa iyong ama ang tungkol sa dayong 'yon, Macaria? Alam mong labag iyon sa 'ting patakaran." Napabuntong hininga si Macaria at binalingan si Inang Marya. "Wala siyang malay at walang matandaan.. hindi ko po kayang iwanan na lang siya doon." "Bakit ka nga ba nasa dalampasigan, Anak?” Naunahan siya ni Haryeta sa pagsagot. "Hindi ba, Inang, sinabi mong doon matatagpuan ni Macaria ang taong nakalaan para sa kaniya? Hindi kaya ang dayo na 'yon?!" Nabulanan si Heron at mabilis na binalingan ang nakababatang kapatid. "Ano namang kinalaman ng dayong iyon sa taong nakalaan para kay Macaria, Haryeta? At alam mong bawal sa batas natin na mapangasawa ang isang dayo!" "Iyon ang sabi sa hula ni Inang, eh!" Umiirap na segunda pa ni Haryeta. "Iyon ba ang dahilan kaya nagtungo ka sa dalampasigan, Macaria?" Baling sa kaniya ni Inang Mariya. Mabilis na umiling-iling si Macaria. "Hindi po, Inang," tanggi niya kahit iyon naman ang totoo. "Gusto ko lamang pong mapag-isa at mag-isip paminsan-minsan ako tumutungo roon." Patango-tangong ibinalik ni Inang Marya ang atensyon sa pagkain. "Hindi lahat ng pangitain ko ay tama, Macaria. Kung minsan ang mga iyon ay pangitaing at babala," makahulugang sinabi nito. "Hindi natin kilala ang dayong 'yon. Ang patakaran ay patakaran. Hindi maaring manatili ng matagal ang dayo rito sa 'tin." Tumanaw muli labas si Macaria. Pangitain? Anong pangitain? ~~~ Nagpaalam na si Macaria matapos ang hapunan at dumiretso sa banwa nila. Pagpasok sa bakuran natanawan niyang nakabukas pa ang gasera sa loob ng kubo. Maingat niyang tinalunton ang daan patungo sa likod bahay kung nasaan ang kubo na tinutuluyan ni Kaleb. "Kaleb..." mahinang niyang tawag sa lalaki. Nakatayo si Macaria sa labas ng nakasardong pinto ng kubo. Dahan-dahan niya 'yong tinulak nang hindi sumagot ang lalaki. Dilim ang sumalubong sa kaniya pagbukas niyon. Naningkit ang mga mata ni Macaria habang inaaninag ang loob. "Kaleb..." ulit niya't humakbang papasok. Bumangga ang mukha ni Macaria sa kung anong matigas na bagay. Pamilyar ang amoy.. hinimas-himas iyon at natigilan nang maramdaman ng palad ang matipunong katawan. "Macaria?" Dahil sa kabiglaan ay mabilis na napaatras si Macaria at nawalan ng panimbang. Inaasahan na niya ang pagbagsak sa lupa nang bigla na lang pumulupot ang mga bisig nito sa kaniyang beywang. "Opps.. I got you..." anas nito. Kahit madilim, ramdam ni Macaria na halos wala na sa isang pulgada ang pagitan ng mukha nila sa isa't isa. Ramdam niya ang mainit at mabangong hininga nito na tumatama sa kaniyang balat. Inilapat ni Macaria ang mga kamay sa matipuno nitong dibdib at bahagyang itinulak ang lalaki. Lumuwag naman ang pagkakahapit ni Kaleb sa beywang niya hanggang sa tuluyan siyang pakawalan. Macaria fumbled on the table and lit the lamp gas. Lumiwanag ang paligid at nasilayan niya si Kaleb na walang pang-itaas. The light from the gas lamp illuminates his perfect mascular body. Ilang sandaling pinagmasdan niya ito bago siya atubiling nag-iwas ng tingin at nagsalita. Ano bang nangyayari sa kaniya! Halos araw-araw siya nakakakita ng katribong hubad baro lalo na kapag nagsisibak ng kahoy o di kaya'y nangunguha ng bunga sa puno ng buko. "Naparito ako para... para kumustahin ka. Kumain ka na ba?" "Oo. Nagpunta rito kanina si Pinuno at binigyan ako ng makakain." Nag-aalangan na bumalik ang tingin niya sa lalaki. "Yung mga sugat mo..." Itinaas ni Kaleb ang kanang kamay at sinipat ang pala-pulsuhan bago 'yon ipinakita sa kaniya. "It's fine. There's nothing you need to worry about," anito sabay ngiti. Hindi na naman niya maintindihan ang sinasabi nito. Gayun pa man, kinuha pa rin ni Macaria ang maliit na kahon sa ibabaw ng kabinet na gawa sa kahoy atsaka naupo sa papag. "Halika rito maupo," turo niya sa espasyo sa kaniyang tabi. Sumunod naman si Kaleb na umupo sa kaniyang tabi. "Ibinigay ito ng mag-asawang nakatira sa kalapit na isla," aniya habang pinapatakan ng gamot ang bulak. "Alam mo ba kung ano ito?" Ipinakita niya sa lalaki ang maliit na bote ng gamot. Pinasadahan ni Kaleb ang nakasulat doon. "Betadine." Tumango si Macaria. Napagtanto niyang marunong bumasa si Kaleb. Hindi talaga ito galing sa ibang tribo. Malamang ay galing ito sa syudad. "Tama. 'Yon nga ang sabi ni Ataska sa'min at itong kahon na ito ang tawag daw dito e..e.. mergency.." "Emergency kit," pagtatapos ni Kaleb sa sinasabi niya. "Ayun, oo nga! Tama!" Humagikhik pa siya at sinimulan na ipahid ang gamot sa sugat nito. "Mahapdi ba?" "Hindi naman..." umiiling na sagot si Kaleb. Hinipan ni Macaria ang balat nitong napahiran na ng gamot upang matuyo kaagad 'yon alinsunod sa itinuro ng kasamang doctor ng mag-asawang Wolfhard. Nagbigay rin ng mga gamot tulad ng paracetamol kung sakaling may magkasakit sa kumunidad. Bitamina at gatas para sa mga bata. May sarili naman silang pamamaraan sa pang-gagamot. May mga dahon silang maaring inumin at ipahid na nakalulunas rin naman sa may karamdaman. Pero hindi maitatanggi ni Macaria na malaking tulong ang libreng mga gamot at bitamina na ibinibigay ng mag-asawa, Idagdag pa ang libre at buwanang konsulta galing naman kay Dr. Jacob na kaibigan ng mag-asawa. "So... itong kakilala ninyo... galing rin ba sila sa ibang tribo? O taga-local government?" "Hindi sila galing sa ibang tribo at lalong hindi sila mga opisyales. Ayaw ni Ama na tumanggap pa ng tulong mula sa gobyerno. Ayaw na niyang maulit na paalisin kami rito sa isla." "Pinaalis kayo rito sa isla?" Gulat na tanong nito. Tumango si Macaria. "Oo pero hindi sila nagtagumpay. Ang sabi ni Ama dito na kami ipinanganak at dito na rin mamamatay. Simula nun hindi na ulit bumalik ang mga opisyales na 'yon. Oh, hayan.. tapos na. Gagaling na ang galos mo," nakangiti niyang sinabi pagkatapos. Nginitian rin siya ni Kaleb at ginulo ang kaniyang buhok. "Salamat. Sige na magpahinga ka na." Simpleng pag-gulo lang sa buhok niya, parang kumikislot na ang puso ni Macaria. Lahat ng nangyayari sa kaniya mula ng makilala niya si Kaleb ay bago para sa kaniya. Tumayo na si Macaria at naglakad patungo sa pintuan. Nilingon pa niya si Kaleb na nakatayo na pala sa kaniyang likuran. "Goodnight.." nakangiting anito. Kumunot ang noo ni Macaria. "Goodnight?" "Oo. Sinasabi 'yon kapag matutulog na sa gabi. Parang... sinasabi mong maging masarap ang tulog ng taong sinabihan mo nun." "Ah..." patango-tangong usal ni Macaria pagkatapos ay nahihiyang ngumiti at nagsalita. "Good...night rin, Kaleb." ~~~ Sa loob ng silid... Tulalang nakatitig si Macaria sa kisameng gawa sa nipa pagkatapos tumagilid siya ng higad at niyakap ang manipis niyang unan. Gumihit sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Kaleb. "Sino ka ba talaga, Kaleb?" Usal nang isipan niya... ~~~ "Alam mo bang sa susunod na linggo na ang Piarahana, Macaria!" Kasalukuyang nasa kubo kung saan gumagawa ang mga kababaihan ng mga kagamitang ibinebenta nila sa bayan si Macaria at kausap niya ang kaibigang si Haryeta tungkol sa nalalapit na Piarahana. Ang Piarahana ay isang lumang tradisyon ng Tribong Barbatura. Ito ay ang panahon sa taon kung kailan ang isang babaeng nasa hustong gulang na sa pangangasawa ay susuyuin ng mga kalalakihang mayroong pagtingin rito. Ang mga kalalakihang nais bihagin ang puso ng dalaga ay dadaan sa mga pagsubok. Tulad na lang ng pag-akyat sa puno ng buko, pag-igib ng tubig sa bukal, pagsisibak ng kahoy, pangangaso at kung anu-ano pang gawain pang-lalaki upang ipakitang, isa itong responsable, malakas at kayang buhayin ang babaeng iniibig. Sa huli pipili ang babae sa mga kalalakihang magkakatunggali at mauuwi 'yon sa isang Vivaha (kasal) "Sa susunod na linggo?" Inihilera ni Macaria ang tinalop na dahon ng niyog na gagawing walis tingting. Pagkatapos ay binalingan ang kaibigan. "Sino-sinong kababaihan ang kasali sa Piarahana ngayong taon?" Tanong niya. Nagkibit ng balikat si Haryeta. "Malamang ay isa si Sari sa kasali." Ang tinutukoy nito ay ang anak ng isa mga Berbata. Si Sari ang pinaka-magaling na mananayaw sa kanilang komunidad. Maraming kalalakihan ang nagkakagusto rito. At ilang beses na ring inalok ng dote o salapi at pag-aari ang magulang nito upang maikasal sa babae. "Nasa tamang edad na rin naman si Sari... nais na rin ni Tata Tanoy na makapangasawa siya, hindi ba? Ito marahil ang panahong 'yon." "Nasa tamang edad ka na rin, Macaria! Bakit hindi ka pa sumali?" Kunot noong nilingon niya ang kaibigan. "Wala pa 'yan sa isipan ko, Haryeta. At.. isa pa, sino namang lalahok kalalakihan ang para suyuin ako?" "Kuuuu!" Tumabi ito sa kaniya. "Ang dami-raming nabibighani sa 'yo rito sa kumonidad natin! Malamang lahat ng kalalakihan ay lalahok kung kasama ka sa mga babaeng susuyuin!" "Magtigil ka nga, Haryeta!" Inirapan niya ang kaibigan at itinulak ang kamay nitong sinusundot-sundot ang tagiliran niya. "Ah, basta.. wala pa isip ko ‘yan." "Macaria!" Napalingon sila ni Haryeta sa kadarating na si Amera. Kababata nila at may lihim na pagtingin kay Heron. Maganda si Amera. May kayumangging balat, itim at kulot na buhok at may taas na apat na talampakan. Mas maliit kumpara sa limang talampakan na taas ni Macaria. "Bakit, Amera?" Lumingon ito at lumapit kung saan sila nakasalampak ng upo. "Hinahanap ka ni Pinunong Ser-Al. May mahalaga raw siyang sasabihin sa 'yo." Gumuhit ang gitla sa noo ni Macaria. May problema kaya si Ama? Noong isang buwan lang komunsulta ang kaniyang Ama kay Dr. Jacob na buwanang tumutungo sa isla. Base sa resulta, hindi ganoon kaganda ang resulta na lumabas. Binigyan naman it ng libreng gamot na dapat inumin araw-araw. Pero may pagka-suwail ang ama, kung minsan ay ayaw nitong inumin ang mga gamot. Lalo lang raw sumasama ang pakiramdam nito. Ibinigay ni Macaria kay Haryeta ang maliit na patalim pang-talop sa dahon ng niyog bago nagpaalam at lumabas ng kubo. Habang naglalakad ipinagtanong niya sa mga nakakasalubong na ka-tribo kung nasaan ang ama at itinuro siya sa Balwarte o ang malaking kubo kung saan namamalagi ang mga opisyales sa komunidad nila. "Ama." Huminto si Macaria sa b****a ng kubo. Nag-angat ng tingin si Ser-Al na nakaupo sa likod ng malapad at makintad na mesang gawa sa kahoy. "Pumasok ka," sumenyas ito. Naupo si Macaria sa silya sa harapan ni Ser-Al. "Ano 'yong sasabihin mong mahalaga, Ama?" Huminga ng malalim si Ser-Al. "Kasama ka sa mga kakabaihan sa Piarahana ngayong taon. At mayroon ng mga kalalakihan ang nagpalistang lumahok upang…” tumikhim ito at tinitigan ang anak. "Bihagin ang puso ng nag-iisa kong anak." Nanlaki ang mga mata ni Macaria. "Ano?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD