"Kuhanin ninyo rin 'yang dalawang babae!" Nagkatinginan ang mga kalalakihan saka sabay-sabay na ngumisi. ——— Mabilis na bumaling si Kaleb kay Macaria sa sa narinig na inutos ng isang lalaki. Nagdilim ang paningin nito at nagpumiglas sa pagkakahawak rito ng dalawang lalaking hinihila ito papalabas ng kubo. "Aba, papalag ata 'tong gago to, ah!" Dumukot ng baril ang isa pa at lumapit saka itinutok ‘yon sa likod ni Kaleb. Muling pumalahaw ng nahihintakutang hiyaw si Macaria. "Kaleb!" saka mariing niyakap ang anak. “Pakiusap! Huwag po! Huwag!” Nagtagis ang mga bagang ni Kaleb at matalim na tinitigan ang mga lalaki. "Huwag ninyo silang idamay. They didn't do anything wrong. Kung paparusahan ninyo kami, ay kami na lang,” anito na ang tinutukoy ay sila ni Hernan. Nagpumiglas si Hernan

