Chapter 42

2022 Words

Inaantok na kinapa ni Macaria ang kaniyang tabi. Nang maramdamang wala roon ang asawa, nagmulat siya at nilingon ang nakapatong na digital clock sa bed side table. Isa sa mga itinuro ni Kaleb sa kaniya ay ang pagtingin sa tamang oras. Sa isla, nagbabase ang mga katutubo sa sikat ng araw, sa tilaok ng mga manok at klima para alamin ang oras. Sa petsa naman ay nilalagay nila ang tanda na lumipas ang araw sa pamamagitan sa pag-ukit niyon sa napakalaking bato. Napabuntong hininga si Macaria at tumitig sa labas ng bintana. Walang araw na hindi niya inaalala ang mga katutubong hanggang ngayon ay naiipit pa rin sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at bandido. Huling nakalap nilang balita kay Archer ay dinala sa morgue ang bangkay ng mga nasawi. At tulad ng amang si Ser-Al, kaibigan na si H

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD