Palingon-lingon siyang tumakbo nang tumakbo. Hindi na namalayan ang sasakyan na papasalubong sa direksyon niya. Ang nakasisilaw na liwanag at nakabibinging tunog ang sumunod bumalot sa dilim. ——— "I told you to stop!!" Mariing hinawakan ni Kaleb sa braso ni Vanessa at kinakaladkad ito palabas ng mini office. Nagpupumiglas at nagsisigaw si Vanessa. "Let me go!" "No!" Nagtatagis ang baganag na patuloy si Kaleb sa pagkaladkad rito pababa sa hagdanan. Pasalamat ito at papaano, iniisip pa rin niyang babae ito. Kung hindi kanina pa ito sinama sa kaniya. "Bakit? Natatakot kang malaman ng mangmang na 'yon ang pangloloko mo sa kaniya, huh? Pwes, ako ang magsasabi sa kaniya!" Tumingala si Vanessa sa direksyon ng silid. "Makinig kang mangmang! Para sabihin ko sa 'yo, niloloko ka lang ng tinurin

