“Handa na kayo, Love?” Nilingon ni Macaria si Kaleb na pumapasok sa silid. Tumango siya bago isinara ang bag na nakapatong sa kama. “Saan tayo manunuluyan, Kaleb?” Tanong niya ng isabit ang bag sa balikat habang kalong sa isang bisig si Amara. “Maari daw tayong manuluyan sa tahanan ni Archer.” Nanatili ng ilang araw sila Macaria sa Santa Barbara Beach bago bumiyahe patungo sa bayan ng Los Palmas. Kahit anong ganda ng kapaligiran ang nakikita at nadaraanan niya ay tila walang tingkad ang mga 'yon para kay Macaria. Dahil ang nasa isipan niya ay ang islang nilisan. Patuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at bandido. Hindi sumusuko ang mga kawatan at kasamaang palad— nadagdagan pa ang pwersa ng mga ito. Hanggang ngayon wala pa ring balita kung natagpuan na ba ang matalik niyang

