"Aria..." tumayo ito sa pagkakaupo sa mahabang sofa at nilapitan siya. Ginagap nito ang kamay niya. "Sino 'yong kausap mo?" Ulit ni Macaria. "It's my... mom," sagot ni Kaleb sa mahinang tinig. "Mom?" Tumango si Kaleb at mariing pinisil ang kamay niyang hawak nito. "Nanay ko." Natigilan si Macaria at napamaang sa asawa, pinoproseso ng isipan ang sinabi nito. "B-Bumalik na ang ala-ala mo?" "Aria, listen to me..." huminga ng malalim si Kaleb subalit bago pa ito makapagsalita dumating ang isa sa mga kasambahay na nagpatuloy sa kanila kasunod ang isang ginang. "Kaleb." Lumingon si Kaleb at natigilan ng makita ang ginang. "Mom?" Lumampas ang tingin nito sa anak at kunot noong binalingan si Macaria na kalong si Amara habang naglalakad papalapit. Bumalik ang tingin nito kay Kaleb. “Who'

