Tinipon ni Ser-Al ang mga kamag-anak ng mga katutubong apektado ng lumalaganap na sa ‘kit sa isla nang bumalik si Jacob dala-dala ang resulta ng mga blood sample na kinuha mula sa mga infected na tao noong nakaraang araw. “Tama nga ang hinihila kong sakit na dumapo sa inyong mga kaanak,” panimula ni Jacob na nasa harapan ng mga katutubo. Kasalukuyang naroon sa malaking kubo ang lahat. Kasama na si Kaleb, ang lahat ng Berbata at nakakatandang barbatura. Lahat ay buong tainga sa pakikinig sa sasabihin ng batang doctor. “Ano ho ‘yon, Doctor?” Tanong ng isa sa mga ina na dinapuan ang limang taong gulang na anak ng lumalaganap na sakit. “Anong sakit?” “Malaria,” sagot ni Doctor Jacob. Umugong ang bulong-bulungan sa loob ng malaking kubo. Bakas ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na tinam

