"Dra, ano po kayang problema bakit ako dinugo?" Nag-aalalang tanong ni Macaria. Nang makita nila ang dugo sa kama, kaagad na tinawag ni Kaleb si Dra. Anikka na kaagad namang nagtungo sa kaniyang silid. Nagsagawa ito ng mga pagsusuri. Nang matapos saka binalingan si Kaleb na nakaupo sa kaniyang tabi. "Can I talk to you for a minute? It's important." Seryosong anito. Naglipat-lipat ang tingin ni Macaria sa asawa at sa doctor. May palagay siyang sinadya nitong gumamit ng ibang lengguwahe upang hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Tumango si Kaleb. Nagpaalam naman na lalabas ng silid si Dra. Anikka. Nang maiwan silang mag-asawa tiningala niya ito. "Anong sinabi ni Doctora? May masama bang nangyari sa... anak natin?" Umiling-uling na sinapo nito ang kaniyang pisngi. "Wala... you'r

