Namimilog ang mga mata ni Macaria habang hindi malaman kung saan ibabaling ang kaniyang paningin. Tulad ng hiling niya kay Kaleb. Ipinasyal siya ng asawabago sila umuwi sa isla. At kasalukuyang nakasakay sila sa isang pampasaherong jeepney kung tawagin. Ayon kay Kaleb ang lugar na kinaroroonan nila ay tinatawag na Santa Monica. Isa ito sa apat na bayan sa lalawigan ng Tejeros at siyang pinaka-sibilisado. Namamangha si Macaria sa bawat madaanan nilang bago sa kaniyang paningin. Mga gusali, eskwelahan, sinehan, gasolinahan at kung ano-anu pang matiyagang ipinapaliwanag asawa kapag nagtatanong siya. “Ano ‘yon?” “Ah, iyan. Eskwelahan yan para sa kolehiyo.” “Ano naman ang isang ‘yon?” “Para naman sa sekondarya.” “Eh, yon! Ayon, oh! Yung may mataas na karatula na gumagalaw at umiilaw

