Chapter 23

2174 Words

"AHHHH!" Malakas na sigaw na Macaria. Pawisan siyang nakakapit ng mahigpit sa headboard ng papag. Panay-panay na ang paghilab ng kaniyang tiyan. At sa tuwing guguhit ang pinagsamang kirot at sakit na tila hinihiwa ang buong tiyan niya— sinabayan 'yon ni Macaria ng mga pag-iri. "Sige, iha! Iiri mo lang! Iiri mo pa! Sige pa." Hinilot ni Manang Ising, ang tagapagpaanak sa komunidad nila ang tiyan ni Macaria. "Ayan na nakikita ko ang ulo ng bata." "Kaya mo 'yan, Macaria," pagpapalakas loob ni Haryeta sa kaibigan. Kagat ang ibabang labi at gumigitaw ang butil-butil na pawis sa noo, huminga ng malalim si Macaria, pagkatapos ay ibinuhos ang natitirang lakas at umiri. Isang mahabang pag-iri, naramdaman ni Macaria ang paglabas ng bata kasunod ninyo ay ang sunod-sunod na matinis na mga pag-i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD