“I’m fine… you don’t have to worry about me, Mom. Hindi na ako bata.” “Hindi porke hindi ka na bata ay wala na akong karapatan na mag-alala sa ‘yo bilang ina. Aba, Kaleb, Isang taon na kitang hindi nakikitang bata ka, ah! Anong project ba ‘yan at hindi ka man lang payagang umuwi? Hindi ka man lang pwedeng bisitahin! Hindi na makatarungan ‘yan!” Napapakamot sa batok na sumandal si Kaleb sa gilid ng tindahan kung saan kausap niya ang inang si Katalina sa kabilang linya ng payphone. Pag-angat pa lang nito ng telepono at malamang siya ‘yon ay inulan na siya nito ng sermon at sangkatutak na paalala. Hindi rin naman masisisi ni Kaleb ang ina, dahil mahigit isang taon na siyang hindi nakadadalaw rito. Nag-iisa lang siya nito. And despite being a womanizer, he has a soft heart when it comes

