Binuhat ni Macaria sa kuna ang anak na si Amara. Katatapos lang niyang magluto ng pananghalian. Mayamaya lamang ay tiyak na nariyan na si Kaleb. Sa tuwing tutungo ang asawa sa bayan matagal na ang dalawang oras. At hindi maaring— hindi sila sabay na mananghalian na mag-anak. Kalong si Amara patungo sa likod bahay kung saan pinaliliguan ang bata nang kunot-noong mapalingon siya sa bintana. Mula sa labas kasi ay naririnig niyang tila may nag-uusap-usap. Sumungaw siya at nagtaka nang makita ang Amang si Ser-Al. May kausap itong mga kalalakihang kakaiba ang suot. Kasuotang hindi katulad sa mga dayong nakadaupang palad na niya. Batik na itim at berde na mahaba ang manggas at pang-ibabang nakasuksok ang laylayan sa itim at makintab na sapatos. “Ano ang inyong kailangan sa ‘ming komunida

