“Anong nangyari, Amir?” Pumasok si Ser-Al sa kubo. “Pinuno, hindi maganda ang kalagayan ni Talisma. Ilang araw na siyang inaapoy ng lagnat.” Gumilid si Amir nang tumayo sa tabi ng papag si Ser-Al kung saan naratay ang balot na balot ng kumot na si Talisma. “Talisma?” Tawag ni Ser-Al dito. Umungol lang si Talisma. Mariing nakapikit, gumigitaw ang butil-butil ng pawis sa noo. “Ilang araw na siyang ganyan, Lila?” Tanong ni Ser-Al sa may bahay nito. “Tatlong araw na,” sagot ni Lila. Kababakasan ng pag-alala ang tono nito habang pinupunasan ng basang tela ang noo ng asawa. “Dinala mo na ba siya kay Apong Guran?” Tukoy nito sa itinuturing na mang-gagamot sa isla. “Oo, Ser-Al. Binigyan siya ng mga halamang gamot. Walang palya namang naman iniinim ‘yon ng aking asawa. Pero hindi pa rin

