Chapter 2

1845 Words
"Let's all welcome Mr. Frost Gambles and Ms. Paige Santillan." Umulan ng malakas at masigabong palakpakan nang umakyat sa stage ang mag-nobyo. Naupo ang dalawa sa love seat. Naroon ang magkabilang panig ng pamilyang Gambles at Santillan. Kapwa abot tainga ang mga ngiti. Tila hindi na makapaghintay na maikasal ang dalawa at mag-merge ang parehong kilalang pamilya. Tinungga ni Kaleb ang whiskey sa square glass na hawak niya. Inilapag niya iyon sa table at naiinip na sumulyap sa pambisig na relo. He was invited tonight by his friend Frost. Engagement announcement nito. Kung hindi nga lang niya alam na maraming taga-alta soyedad ang imbitado, malamang ngayon ay nasa bar siya o di kaya'y nasa comfort zone ng kaniyang bachelor's pad. Si Kaleb ang tipo ng taong hindi mahilig makihalubilo, unless business at formal parties 'yon at lalong hindi siya komportable na dumadalo sa ganitong events. Engagement and wedding.. it made his stomach sick. Hindi kasi niya kasi maintindihan ang mga kaibigan o kakilalang lumalagay sa tahimik na nasa gitna o rurok sa karera ng kanilang propesyon. Magandang halimbawa itong si Frost. He was at his peak of being one of the highest grossing producer in the country. At sasayangin 'yon ng kaibigan dahil sa isang kasal? Para matali? Napailing si Kaleb. Hindi pa siya siraulo para lumagay sa tahimik. He was enjoying his bachelor life. At marami pa siyang proyekto na nais isakatuparan. At isa na roon ang resort na mag-aangat lalo sa kaniyang career. "Kaleb! It's nice to see you here!" Kunot noong nilingon ni Kaleb ang tinig mula sa kaniyang likuran. Napatayo siya at kinamayan si Mr. Frederic Gambles na ama ng kaibigang si Frost. May ari ito ng isa sa pinakamalaking TV station sa pilipinas ang channel 6 at isa ring producer. "Tito Frederic," Kinamayan ni Kaleb ang matandang lalaki. "Congratulation for you son's engagement." Patango-tangong tinapik ni Frederic sa balikat niya si Kaleb. "Congratulation to you, hijo. Becoming one of the top real estate developer.." napailing ang matanda. "That's huge! Siguradong proud na proud sa'yo si Elias at Manolo. How are they? Narinig ko ang expansion ng Vegafria Medical Hospital." Upon hearing his Father and grandfather's name, umahon ang kudlit ng disgustos sa dibdib niya. Ngunit tuwina'y madali iyong maitago ni Kaleb. Isang kalkuladong ngiti ang pinasilay niya sa labi. "They're good.. Hands on si Daddy at Lolo sa expansion. May mga makabagong medical equipment na ang ginagamit sa Vegafria Medical Hospital Los Palmas. Knowing Lolo and Daddy, they want nothing but the best for every patient." Gustong palakpakan ni Kaleb ang sarili sa kasinungaling pinagsasabi niya. Kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng interes na makibalita sa pag-aaring hospital ng ama at lolong si Elias at Manalo. Halos dalawang buwan na rin ang nakalilipas ng huling makausap ni Kaleb ang Lolo niyang si Manolo. Sa tuwing dadalaw kasi siya sa Los Palmas, wala itong bukam-bibig kundi ang half brother niyang si Jacob. Ang paborito ng lahat. Ang magmamana ng kayamanan ng mga Vegafria. "Hindi talaga titigil si Elias na makamit ang titulong pinakatanyag na ospital sa bansa. That's good.. that's good to hear.." Lumampas sa balikat ni Kaleb ang tingin ni Frederic nang tila may matawanang kakilala. "Oh, naririto pala sila." Kumaway ito. "Doctor Elias, Doctor Manolo!" Napatiim bagang si Kaleb subalit nanatili siya sa kinatatayuan. Sumisimsim sa hawak na basong may lamang whiskey. "Frederic, congratulation sa engagement ni Frost." Kinamayan ng kalalapit na si Senior Doctor Manolo si Frederic. Kasama nito si Doctor Elias na tinapik naman sa balikat ang lalaki. "Magaling pumili ang anak mo. The merge would benefit both of the Santillan and Gambles clan." Malutong na tumawa si Frederic Gambles pagkatapos ay may pagmamalaking nagsalita. "I know.. I Know.. my boy Frost.. he's unstoppable. Hindi talaga pinakawalan si Paige. Which is good para sa career niya as a producer. By the way I was talking here with your boy Kaleb." Binalingan ni Elias si Kaleb. "Son, we didn't know you're here." Pagkatapos ay tinapik sa balikat. We've heard that you received an award recently. Congratulations!" Noong nakaraang linggo ginawaran si Kaleb ng Philippine Property Award na Best Developer. Nanalo rin ang isa sa mga proyekto niya sa International Finance Real Estate Award. "It wasn't just me, Papa. Kasama sa award na 'yon ang buong team ko," magalang na sagot niya. "You've made for that job, Son." May bahid ng pagmamalaking sabi ni Elias. Tumikhim si Manolo na nasa tabi nito. "But it's better if you took medicine. Look at Jacob. May sarili ng hospital. He's becoming one of the prominent doctor in our country." Naiiling na segunda ni Doctor Manolo. He looked dissappointed. "Papa.." awat ni Elias kay Manolo. "Kaleb is working hard for this." Manolo laughed sarcastically. "Working hard?" Binalingan nito si Kaleb na seryoso ang anyo. "What happened to the project that we've been talking about? It's about a year now, Kaleb. At hindi mo pa rin nauumpisahan." "I'm getting on it, Lolo." "Siguraduhin mo lang, Kaleb. Ayokong nauubos ang oras ko." "Pa.. let Kaleb do his job. Huwag mo siyang i-pressure." Si Elias muli. Masama itong tinitigan ni Manolo pagkuwan ay napukaw na ang atensyon nito ng mga lumapit na business man at doctor. Pilit ang ngiting kinamayan at binati ni Kaleb ang mga bagong dating. Nanatili siya doon ng ilang sandali, patango-tango kapag nasasali sa usapan bago nagpaalam na aalis. "Kaleb." Nahinto si Kaleb sa akmang pagpasok sa loob ng sasakya niya at nilingon ang amang si Elias. Hindi niya namamalayang sumunod pala sa kaniya. "Bakit po, Dad?" Walang emosyong tanong ni Kaleb sa amang si Elias. "Pagpasensyahan mo na ang Lolo mo, Son. Mahirap na baguhin ang pananaw niya sa inyo ni Jacob." Naiiling na sabi nito. Tumango si Kaleb. "Kung 'yon lang kailangan ninyong sabihin. Aalis na ako." "Sandali, Anak." Pigil nito. Nilingon ni Kaleb ang ama. Bakas ang pag-aalangan na nagsalita ito. "Ang Mama mo.. Si Katarina... kumusta na siya?" Awtomatikong sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Kaleb. Subalit bago pa iyon makita ng ama, tinalikuran niya ito't sumakay sa sasakyan. "Okay lang si Mama. Masaya na siya." Aniya't binuksan ang makina at pinaharurot iyon. Mahigpit ang hawak sa manibelang sumulyap siya sa rear view mirror. Nakatayo pa rin doon si Elias. Pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Kaleb. Pain and guilt written all over his face. . . "ARE you serious, Kal?" Bumuntong hininga si Kaleb. Sinulyapan ang babaeng nakayakap sa kaniya. Kapwa walang saplot ang katawan na natatabingan ng puting kumot. Nilalaro pa ng hintuturo ng dalaga ang malapad na dibdib ni Kaleb. Katatapos lang nila sa isang mainit na pagtatalik. Pagkatapos sa party ni Frost, dumiretso si Kaleb sa isang bar kung saan nagkita sila ni Vanessa. "Yes, Vanessa. I'm serious." Tumirik ang mga mata ng babae. "Eh, paano ako?" Kunot-noong tumagilid ng higa si Kaleb paharap sa babae. "What are you talking about, na paano ka?" They've been dating for about a year now. Vanessa is woman who can heat you up easily. Maganda, sexy at wild. They've met from a common friend. Hindi ito maligoy. Modernong babae at mahilig sa commitment. Well that's what she wanted him to believe. Kaya noong walang inhibisyong magpakita ng motibo ang babae, sinunggaban kaagad ni Kaleb. Vanessa is someone you can keep for fun and just for f**k. Nothing else. "Like, duh... Mawawala ka ng ilang buwan! What do you want me to do?" Malakas itong bumuntong hininga at tumihaya ng higa walang pakialam sa dibdib na lumitaw sa paglihis ng kumot sa katawan nito. "So?" "Anong, so?" Pumihit ulit ito paharap sa kaniya at iniyakap ang mga braso sa leeg niya. "Hey, Mister... you don't want me to remind you... mag-iisang taon na tayong ganito." He grabbed her buttcheek then roughly caressed it. "I don't understand." "Ganito... casual relationship... f**k buddies..." Bumaba ang mukha ni Kaleb sa leeg ng babae, kissing and nipping her neck. "Ayaw mo na ba?" "I-It's not what I meant..." Lihim na ngumisi si Kaleb. Alam niyang tinatablan na si Vanessa sa ginagawa niya. He knew her appetite for s*x. "It's not... what? Hmm..." he sucked her skin then roughly bit it. "K-Kal... wait..." "Hmmm..." pumaibabaw si Kaleb kay Vanessa at ipinadama ang kahabaan sa babae. "Third round?" Anya sabay ngisi. Vanessa rolled her eyes. "Just let me finish what I wanna say." Naiiritang bumuntong hiningi si Kaleb. Ayaw niya sa lahat iyong masyadong maraming sinasabi at pakipot. "Go ahead." "Gusto ko ng lumivel up ang relasyon natin." Natigilan siya sa sinabi nito at mabilis na binalingan. "Ano ibig mong sabihin?" "I dont want us to be f**k buddy anymore. Gusto ko ng maging girlfriend mo." Umasim ang pakiramdam ni Kaleb sa narinig at umalis sa ibabaw ng babae. Nawalan na siya ng gana. He hates commitment kaya nga niya ito pinatulan dahil sa paniniwalang fun and play lang rin ang gusto ni Vanessa. Pero mukhang nagkamali siya. Tulad rin ito ng mga babaeng nauugnay sa kaniya na habang tumatagal ay higit sa s*x na ang hihingin. They will demand time or worst his heart. Off limits na siya sa bagay na 'yon. Nang makababa sa kama pinulot ni Kaleb ang nagkalat na damit at nagbihis. Bumangon na rin si Vanessa. "Where are you going?" Walang emosyon na sumulyap siya dito. "Ano sa tingin mo?" Bumaba sa kama ang babae. Hubad na nameywang sa harapan niya. "Eh, gago ka pala! Sasayangin mo ang oras ko, wala ka naman palang balak na seryosohin ako!" Nakakauyam na tumawa si Kaleb. "Why all of a sudden you want commitment? Akala ko ba we're just having fun?" "Having fun? For f**k sake! Isang taon na tayong fubu! Ano ganito na lang?" "Hey! Wala akong kahit na anong pinangako sa 'yo. Para magka-ganyan ka! Now if you want more than s****l relationship, sorry were done—"Isang malakas na sampal ang nakapagpatigil kay Kaleb. Parang naalog ang utak niya sa lakas niyon. "YOU ASSHOLE!" Namumula sa galit na dinuro siya ni Vanessa. Umaktong sasampalin uli si Kaleb ngunit nahawakan nito sa magkabilang wrist ng babae at sinalya sa kama. "Stop. If I can make you scream in pleasure... I can make you scream in pain too." Mapanganib na ani Kaleb sabay talikod dito at tinungo ang pinto. "You, Ruthless!!!" Nilingon niya ang babaeng nagpupuyos sa galit bago tuluyang lumabas ng silid. "Yes, I'am baby..." sabay ngisi. . . Hinipo ni Kaleb ang pisnging sinampal ng babae habang naglalakad sa basement patungo kung saan niya pinarada ang kaniyang sasakyan. "Tang-ina ang sakit nun, ah.." Ngitngit niya usal ni Kaleb. Hinimas-himas at ginalaw ang panga bago dinukot sa bulsa ng pantalon ang cellphone na kanina pa nag-vi-vibrate. Tumiim ang titig niya sa pangalang nasa screen. Pinindot niya ang answer button. "Hello..." bungad niya. Ilang sandaling pinakinggan ni Kaleb ang nagsasalita kabilang linya. "Okay. I'll pack my things. Magkita tayo sa airport." Nang ibaba niya ang linya ay mabilis na tumipa sa keypad si Kaleb. "Get all the information about that tribe."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD