CHAPTER 1

2398 Words
JUNELLAH HINDI ko alam kung ilang beses akong huminga ng malalim habang tinititigan ang door knob ng office ni Kuya sa katabi lang ng k’warto n’ya. Kakatapos ko lang mag-hapunan at dumeretso agad ako rito. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero kinakailangan, nahihiya ako kay Klark na hindi makapag-attend sa birthday party n’ya. Magbabasakali akong baka payagan ako. Simula kasi nu’ng first year college kami, hindi talaga ako nakapunta sa kung ano mang okasyon sa kanila. Ngayong second year na ako, siguro naman ay hindi na n’ya ako pipigilan. 19 years old na kaya ako at ever since, hindi talaga ako pinapahintulutan ni Kuya Logan na pumunta sa kung saan-saan na malayo sa bahay namin. Ang nasa isipan n’ya kasi, baka mapahamak ako at nakikipaglandian sa lalake. Hindi ako sure kung ‘yan nga pero, may tendency. Napaka-advance ng utak no’n, mas malala pa kina Mama at Papa. Humugot na ako ng lakas-loob para igalaw ang kaliwang braso ko para katukin ng dalawang beses ang pintuan n’ya. Nag-hintay pa ako ng ilang segundo at baka may response s’ya pero wala naman. Kumatok ulit ako ng tatlong beses. “Name.” Isang mahinahon pero malalim na tinig ang narinig ko mula sa loob. “Uh... Si Junellah po ito, p’wede po bang pumasok?” magalang kong wika. Kapag may kakatok sa pinto n’ya, ‘yan ang kan’yang inuusal. You should knock first, then he will ask your name. “Okay,” maikling tugon n’ya sa ‘kin. Tinikom ko muna ang bibig ko bago kinapitan ang door knob at pinaikot para tuluyang mabuksan. Bumungad agad sa paningin ko na naka-upo s’ya sa isang black swivel chair habang naka-titig sa isang manipis na librong naka-lapag sa malapad na study table n’ya. Parang binabasa n’ya iyon dahil naka-tutok do’n ang kan’yang mga mata at nakita ko pang may kapit s’yang sign pen sa kaliwa n’yang kamay. At dahil separate ‘tong work place n’ya sa sariling k’warto, wala kang makikitang sofa o kama rito. Study table ang una mong mapapansin na naka-p’westo sa center part, malawak na book shelves sa kan’yang likuran na hindi lang libro ang naka-lagay doon kundi pati iba’t ibang documents. Certificate at trophies naman ang naka-patong sa ibabaw ng mga shelf. Mas’yadong malinisin si Kuya kaya naka-arrange ang lahat ng ‘yon ng maayos. “What do you want?” Naagaw n’ya ang atens’yon ko kaya humakbang na ako palapit sa kinaroronan n’ya habang hindi pa rin inaalis ang focus sa kan’yang binabasa. Huminto ako sa kan’yang harapan habang pinagmamasdan ko s’yang may sinusulat sa mismong libro at parang may hina-highlight s’ya ro’n na mga words. “K-Kuya p’wede bang—“ “How many times do have to remind you that don’t call me Kuya. I am not your brother.” Tinikom ko bigla ang bibig sa mariin n’yang saway. But yeah, he is not my brother. Inampon s’ya nina Mama at Papa nu’ng seven years old pa lang ako. Hindi na kasi sila magkakaanak pa kaya ‘yon ang kanilang naging desis’yon. Nagka-diabetes kasi si Mama at iyon ang naging komplikas’yon. Seventeen years old na si Kuya Logan nu’ng kinuha s’ya sa isang orphanage. Ang sabi ng isang madre ro’n, isinuko ng kapatid ng Nanay n’ya si Kuya noong sanggol pa lang s’ya dahil hindi n’ya kayang alagaan dahil sa kahirapan. Namatay na kasi ang totoo n’yang Nanay. Mas lalo akong nanlumo na’ng malaman kong nag-suicide ito dahil hindi kinaya ang depres’yon na’ng iwan s’ya ng banyagang nobyo. Nalaman din ng madre na kriminal ang Tatay ni Kuya sa Russia at namatay din sa kamay ng mga pulis. Pero alam kong mas naging masaya ang mga magulang ko na’ng magkaroon ng anak na isang lalake, mas malakas si Kuya sa kanila kaysa sa ‘kin dahil kaya silang kontrolin. Kaya ako, naging sunod-sunuran sa mga utos ng Kuya ko. Dineklara n’ya kasi na s’ya ang magpapaaral sa ‘kin at kaagad namang pumayag ang mga magulang ko. Kinakailangan kong mag-aral ng mabuti para ipakita sa kan’ya na hindi sayang ang gastos n’ya sa ‘kin. Pero nakakasakal ang pagiging istrikto n’ya pero tinititiis ko dahil ‘pag naka-graduate na, maghahanap ako ng trabaho at doon na ako magiging malaya. Hindi ko na kakailanganin ng tulong n’ya para magawa ko na rin ang gusto kong gawin sa buhay na walang Logan na magdidikta sa ‘kin. Nasa isang bansa sina Mama at Papa, may branch kami kasi sa Singapore na publishing house kaya sila ang nagaasikaso ro’n. Simula nu’ng tumungtong ako ng high school, nandoon na sila at kaming dalawa lang ni Kuya ang naiwan dito sa Pilipinas. Ayaw na ayaw ni Kuya Logan na tatawagin ko s’ya sa ganoong paraan. Hindi ko alam kung bakit dahil ‘yon ang way ko para ipakita sa kan’ya na nirerespeto ko s’ya bilang nakakatandang kapatid ko. “Call me Logan. Just Logan,” maawtoridad n’yang utos sa akin habang naka-yuko lang ng konti ang ulo ko para mapagmasdan s’ya sa kan’yang ginagawa. Minsan, nakakalimutan ko ‘yan kaya nababanggit ko talagang salitang ‘Kuya’ at ‘po’ na lang ang dinudugtong ko habang kinakausap ko s’ya. “Sorry po,” pagpapaumanhin ko. “M-May sasabihin po sana ako sa inyo. Sana payagan n’yo po ako.” Napa-lunok ako bigla na’ng mapansing huminto ang paggalaw ng sign pen n’ya. “What it is all about?” Tumikhim ako ng konti bago pakawalan ‘tong sasabihin ko. “Kung p’wede po bang... pupunta po ako sa birthday party ni Klark? S’ya ‘yong kaibigan kong pumupunta rito minsan, mamayang seven ng gabi po sana,” sagot ko sa magalang pa rin na paraan habang binabantayan ko ang kilos n’ya. Sa halip na sagutin, gumalaw ulit ang kaliwa n’yang kamay at pinagpatuloy ang kung anong sinusulat sa libro. Damang-dama ko naman ang bawat kabog ng dibdib ko dahil walang lumabas na kahit ano mang salita sa kan’ya. “Is... that a no?” I almost whispered while glaring at him. “You’ve guessed correctly. Now, go to your room and rest.” Napa-tikom na lang ako ng bibig at yumuko. Para sa ‘kin, hindi ko sana gustong pumunta ro’n at tatanggihan ko sana si Klark, kaso lang... inaasahan ako ng mga magulang n’ya. Ang sabi, hindi naman gano’n ka-engrande ang handaan dahil wala silang budget pero pinagluto talaga nila ako ng paborito kong inihaw na native na manok. Tapos kanina, pag-uwi ko ay nag-pabili ako kay Kuya Jeager ng chocolate cake. S’ya ang driver namin. May regalo pa naman sana ako na mga damit kay Klark na gustong-gusto n’yang brand. “H-Hindi po ba talaga ako p’wedeng pumunta? 19 years old na po ako, inaasahan kasi ang presens’ya ko ro’n ng mga magulang at Kuya n’ya—“ Hindi ko na naipagpatuloy ang sinasabi ko at bahayang napa-igtad sa gulat na’ng biglang binagsak ni Kuya ang kan’yang sign pen sa mesa. Parang may namumuong pawis sa noo ko na’ng unti-unti akong inangat ng tingin. Napa-lunok ako ng dahan-dahan na’ng masaksihan ang kondis’yon ng titig n’ya. That was a death glare. This time, I should keep my mouth shut. “Sige po, pasens’ya na sa istorbo. Papasok na ako sa k’warto ko,” magalang kong usal sabay yumuko pa sa kan’yang harapan bago tumalikod at tinungo ang kinaroroonan ng pinto. Bagsak ang mga balikat ko habang humahakbang palayo. Ganito na lang lagi ang nagyayari kapag gusto kong magliwaliw. Nakakasawa na talaga, hindi ako makapaghintay na maka-graduate. “By the way, Ellah.” Huminto ako bigla sa pag-hakbang na’ng marinig ang kan’yang baritong boses pero hindi ko na s’ya nilingon at baka makita ko nanaman ang nakakamatay n’yang tingin. “Ayusin mo ang sofa ng iyong k’warto.” Kumunot ang noo ko sa binanggit n’ya. “B-Bakit po?” “I’ll sleep in your room tonight. I have to make sure that you will not leave this house.” Sumangayon na lang ako sa kagustuhan n’ya at nilisan ko ang silid na ‘yon. Bumaba na lang ako sa second floor at tinungo ang sariling k’warto. Dumeretso agad ako sa mahabang sofa na nasa left side dahil may center table ro’n. Huminga ako ng malalim para damputin ang isang unan sa sahig at padabog ko ‘yon na binagsak sa mismong sofa. Hindi maipinta ang mukha ko ngayon. Ika-tatlong beses na yata ‘tong nangyari na kapag nagpapaalam akong pumunta sa kung saan at hindi n’ya ako pinayagan, dito s’ya matutulog para maka-sigurado! Tingnan mo kung gaano s’ya kawalang tiwala sa ‘kin! Inayos ko rin ang vase na may lamang lavender at pinuwesto ko ‘yon sa gitna. Inarrange ko rin ang mga Japanese manga kong wala sa ayos at pinatong-patong ng maigi sa tabi ng vase. Kapag kasi makita ‘to ni Kuya na ganito ang sitwas’yon ng k’warto ko, masisermunan nanaman. Pagkatapos, lumakad na ako papuntang kama ko at pabagsak na humiga kaya tumalbog pa ang katawan ko sa lambot ng kutson. Tumihaya ako at kinumutan na ang sarili na hanggang tiyan. Hihingi na lang ako ng pasens’ya kay Klark bukas dahil hindi ko talaga magawang kumbinsihin ang Kuya ko. Pero dadalhin ko pa rin ang cake at ang regalo para pabawi sa kan’ya. Humikab na ako sabay unti-unting pinikit ang mga mata. Nanatili lang na sarado ang mga ‘yon pero ang diwa ko, gising na gising pa. Lumipas ang mahigit anim na minuto, may naririnig na akong mabibigat na mga yabag. Papalapit at papasok ‘yon dito sa k’warto ko kaya alam ko na kung kanino ‘yon. I just sighed and remained silent. I didn’t open my eyes, magkukunwari na lang akong tulog. Pinaramdaman ko na lang ang kan’yang presens’ya at inaasahan kong hihinto s’ya sa sofa pero kumunot ng konti ang noo ko na’ng napagtantong dire-diretso ang lakad ni Kuya. Napa-lunok ako na’ng maramdamang huminto s’ya sa right side ng kama ko at unti-unting umupo. I could hear his heavy breath. “Good night, Ellah,” he whispered in hoarse voice. Napansin ko pang kinapitan n’ya ang kumot para mahila pataas hanggang sa leeg ko. Pagkatapos no’n, narinig ko ulit na lumakad s’ya palayo sa kama at ilang sandali pa, huminto s’ya sa kinaroroonan ng sofa. Nanatili akong naka-pikit at bukas, may pasok pa ako. Next day, I woke up exactly at six thirty in the morning. Pero hindi ko na nadatnan si Kuya kaya alam ko, bumaba na ‘yon sa kusina para mag-agahan dahil sa mga ganitong oras s’ya kumakain. Hinubad ko muna ang pantulog na suot ko at mga panloob na lang ang natira. Sinuot ko naman ang puting bathrobe na na may ribbon sa kaliwang gilid. Then, tinungo ang balcony para makapag-stretch dahil buong araw nanaman akong uupo mamaya sa school. Inumpisahan ko na ang daily exercise ko at pagkatapos nito, maliligo na. “Here’s your breakfast.” Nahinto ang paggalaw ng katawan ko na’ng biglang nag-salita si Kuya Logan sa likuran ko. Nilingon ko agad s’ya at nakita kong may kapit-kapit s’yang tray na may lamang pagkain. Agad ko s’yang sinalubong para kunin ang dala n’ya. “Good morning po, mamaya na lang ako kakain ‘pag tapos na akong maligo,” magalang na tugon ko na’ng nakuha ko na sa kan’ya ang tray at tumalikod para matungo ang mesa rito sa balcony na nasa gitnang parte. “Eat that before it gets cold,” maawtoridad n’yang utos na’ng isa-isa kong nilapag ang laman ng tray kaya hindi na ako nag-salita pa. Umupo na lang ako sa upuan na naka-talikod ako sa kan’ya. “By the way, do you still have allowance left?” seryosong tanong n’ya habang naglalakad patungo sa kinauupuan ko. Hanggang sa nakita ko s’yang huminto sa harapan at hinila ang upuan para maka-upo na rin. “Seven hundred po ang natira sa two thousand na binigay mo po sa ‘kin nu’ng isang araw. Birthday po ni Klark kaya binilhan ko s’ya ng cake at nabawasan pa,” magalang na pangaamin ko sabay dinampot ang bacon sandwich at mabilis na kinagatan. Hindi ko s’ya tinititigan at naka-sentro lang ang mga mata ko sa pagkaing naka-hain. Nakaka-distract kasi ang facial expression ng Kuya ko, napaka-gloomy. “I see,” maikling tugon n’ya sa ‘kin. “I’ll be busy tomorrow, baka gagabihin ako. Send me a text message kapag naka-uwi ka na,” pahabol pa sa ‘kin. “May dinner date nanaman po siguro kayo ni Sasha?” tanong ko bigla. Narinig kong huminga s’ya ng pagak kaya napa-sulyap ako sa kan’ya habang ngumunguya. “We just broke up last night.” Dahil do’n napa-hinto sa paggalaw ang panga ko at kumunot ang noo. “I already took her virginity or let me say... she forced me to do that thing. That woman is annoying just like the others,” he responded roughly. Here we go again... Hindi ko naman masisisi ang mga babae dahil habulin naman talaga ‘tong Kuya ko dahil hindi lang may disenteng trabaho, may hitsura pa at pamatay ang katawan. Ang iba, tinatanong nga ako kung hindi ba ako naaakit kay kuya. Pero s’yempre, hindi ang sagot ko. Kinakinilabutan ako kapag naiisip lang ‘yon. S’ya lang talaga ang problema dahil hindi ko na yata mabilang ang mga babaeng dumaan sa kan’ya. Except minors, my brother is not pedophile. “’E ‘di ba po... three weeks na kayo no’n? Sayang naman po, mukhang s’ya lang ang med’yo matino sa mga babaeng binangga n’yo,” magalang na prangka ko at kumagat ulit ng sandwich. Napansin kong tinitigan n’ya ako sa blank expression. “All she want is to f-uck her so I did. Her body doesn’t look good at all, it is a waste of sperm,” walang gana n’yang sambit na parang hindi ko malunok ‘tong kinakain ko sa mga sinasabi n’ya. Ganito ka-prangka ang Kuya ko, wala s’yang pakealam sa mga sinasabi at sa taong pinagsasabihan n’ya. “Pasintabi naman, kumakain kaya ako. Grabe talaga ang tapang n’yo, nakayang sabihin sa tapat ng kapatid mo ang mga kahalayang ‘yon,” pagbibiro ko sabay tumawa ng mahina pero nahinto naman agad ‘yon na’ng bigla s’yang tumayo. Inangat ko s’ya ng tingin pero naka-baba na pala ang titig n’ya sa ‘kin. “As I have told you even before... you are not my sister, Ellah,” makahulugan n’yang usal sa mariing pananalita bago umalis sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD