CHAPTER 2

3803 Words
“Maraming salamat dito sissy! Expected ko na’ng hindi ka makakadalo kaya hindi na lang ako umasa kagabi,” nagagalak n’yang usal habang isa-isang kinakapitan ang mga damit na binigay ko sa kan’ya. Nandito kami ngayon sa likod ng building namin dahil may tambayan na garden dito. Naka-upo sa lilim ng malaking puno at binabalutan ng malawak na Bermuda grass ang paligid. Nasa harapan ko s’ya at nasa gitna namin ang paper bag pati na ‘yong coffee flavored cake na naka-lagay pa sa loob ng box. “Sorry, hindi ko talaga magawang mapapayag ang Kuya ko na ‘yon. Doon nga nanaman natulog sa k’warto ko para masigurado n’yang hindi ako tatakas sa bahay. Hindi ko naman kayang gawin ‘yon, para lang din akong nag-pakamatay,” mahabang paliwanag ko habang tinititigan s’yang kinikilatis ang mga plain colored t-shirt. “Grabe ang gaganda ng binili mo sa ‘kin sissy! Susuotin ko talaga ‘to bukas,” patili n’yang sagot sa ‘kin. “Are you listening to me? Parang hindi mo yata ako pinapakinggan, nahihiya ako sa parents mo at hindi nanaman natuloy ang pag-punta ko sa inyo,” matamlay kong sagot sa kan’ya kaya binaba n’ya ang dalawang braso na hawak ‘yong dark red na t-shirt. Tinitigan n’ya ako at umiling-iling. “I got your back, sissy. Of course, I explained to them about your situation. At akala mo ikaw lang ‘yong may dala ha?” Kinunutan ko s’ya ng noo na’ng biglang hinila ang bag pack n’yang naka-lapag lang sa kaliwang gilid. Pinagmasdan ko lang s’yang may kinuha ro’n at doon ko nakita ang isang lunch box na naka-bigkis ng itim na panyo. “My father saved this just for you sissy! Grilled native chicken na favorite mo. Napaka-special n’yan dahil ang dami n’yang nilagay d’yan na mga ingredients para mas malasa,” sabay inabot sa ‘kin na agad ko namang tinanggap at nilapag sa harapan ko lang din. Parang kumikinang ang mga mata ko na’ng sinimulan ko na’ng alisin ang panyong naka-balot hanggang sa natanggal ko na ang plastic na takip. Nararamdaman ko rin na med’yo mainit pa ‘tong lunch box. “Si Tatay ang nag-timpla n’yan.” Agad akong napa-pikit na’ng umusbong ang nakakatakam na amoy at sinisinghot ko ‘yon. Nalanghap ko ang aroma ng lemon kaya na-ti-trigger ang bunganga ko para mag-laway. “Salamat Klark, akala ko hindi ko na ‘to matitikman. Kakainin ko ‘to mamaya sa bahay. May pananghalian na ako nito,” naka-ngiting sambit ko habang tinititigan ang golden brown na inihaw na manok. Tinakpan ko muna ulit ‘yon at binalik sa pagkakabigkis dahil baka hindi ko mapigilang kainin na ‘to ngayon. “Kulang pa nga ‘yan sa pagpapasalamat nina Nanay, Tatay at Kuya sissy. Simula kasi nu’ng nag-sama tayo, ikaw lagi ang life saver ko. Super-duper thankful sila dahil napakamatulungin mo tapos ang bait pa,” komento n’ya habang tinutupi ng maayos ang mga damit. “Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ‘kin. Lagi kaming gipit,” pahabol n’ya pa kaya palihim na lang akong ngumiti. Pinapaaral kasi si Klark ng kapatid ng Nanay n’yang nagtatrabaho sa noddle factory sa Japan. S’ya ang nagbabayad ng tuition pero kulang na kulang pa rin ang kinikita ng mga magulang n’ya sa mga projects, output tapos allowance. Private kasi ‘tong university na ‘to. Pagsasaka ang pangkabuhayan nila. Palay at gulay ang karaniwang tinatanim sa bukid. Pero bilib din ako sa pamilya n’ya dahil kinakayod talaga ang pag-aaral ni Klark dahil mas matalino ‘to sa ‘kin tapos ang mas kinagandahan pa, tanggap na tanggap nila ang kasarian n’ya. May mga pagkakataong wala s’yang allowance kaya ako ang nagbibigay. Hindi na ako nagpapabayad at tinatanggihan ko kapag inaabutan ako ng pera. Kahit papaano kasi, may ipon ako sa perang binibigay sa ‘kin ni Kuya Logan. Aaminin kong med’yo... okay ang buhay ko at may trabaho ang pamilya ko. Chief executive officer si Kuya ng Dela Fuesco’s Publishing Company dito sa Pilipinas at may branch kami sa Singapore. Nag-po-provide ang kompan’ya namin para mag publish ng books, newspapers, magazines and other digital content. Balita ko, suki ang Kuya ko ng mga sikat na publish authors dahil maganda ang quality na aming kayang ibigay. “Kahit maging secretary lang sana ako ni Papa Logan ko, ayos na ayos lang sa ‘kin...” malumanay n’yang usal sabay inakap ang paper bag sa kan’yang dibdib at napapapikit pa. “Babaeng sekretarya ang gusto no’n. May betlog ka kaya hindi ka pasado,” kontra ko naman kaya dumilat ang mga mata n’ya sabay sinimangutan ako. “Isa pa, hindi ko gustong maging employee ka ni Kuya. Mahihirapan ka lang, mas’yadong perfectionist. Dapat perfect ang nakikita n’ya kung ayaw mong makatikim ng masasakit na mga salita,” sabi ko pa. Pero totoo ‘yan, perfectionist pero hindi naman s’ya perfect. “Miss Dela Fuesco?” Napa-tigil ako na’ng marinig ang familiar na tinig sa likuran ko at nilingon ko naman ‘yon. Na’ng malaman ko kung sino ‘yon, tumayo agad ko para maharap ko s’ya. “Magandang umaga po, Sir Gordon,” magalang na bati ko at yumuko pa ng bahagya na’ng huminto s’ya sa harapan ko. “Yes, Good Morning. Could you help me to get the test papers in the faculty room?” tanong n’ya sa ‘kin na agad naman akong tumango. Nasilayan kong pasimple s’yang ngumiti at sinuklay pataas ang buhok na sagabal sa kan’yang noo. “Good, let’s go,” pormal na aya sa ‘kin. “Mauna lang po kayo at susunod ako,” sagot ko sa kan’ya na agad namang sumangayon kaya umalis na s’ya sa harapan ko at nag-lakad papalayo. “Ayan nanaman, alam ko may crush talaga si Sir Gordon sa ‘yo sissy.” Kunot-noo kong hinarap si Klark na naka-tayo habang kapit ang cake sa kaliwang kamay at paper bag naman sa kaliwa. “Nagpapapansin ‘yon sa ‘yo. Hindi ka ba nakakahalata? Ikaw ang favorite no’n.” Sinamaan ko s’ya ng tingin. “Nakakadiri ka talaga, kaedad ‘yon ng Kuya ko. Twenty nine years old na si Sir at kahit bente anyos s’ya... wala pa rin akong pakealam,” mabilis na sagot ko sa kan’ya sabay dinampot ang bag pack ko at sinuot. Kinuha ko na rin ‘yong lunch box para masilid sa bag ko. “Saan ang nakakadiri ro’n? Alam mo naman siguro kung gaano kasikat si Sir Gordon sa campus natin dahil sa taglay n’yang ka g’wapuhan pero of course... kay Logan lang ako kakalampag,” patili n’yang tugon kaya napailing-iling na lang ako. Totoo ang sinabi n’yang favorite student ako ni Sir at s’ya mismo ang nag-sabi sa ‘kin pero hindi ko binibigyang malis’ya ang kabaitan n’ya. Dumidistans’ya lang ako dahil baka makarating kay Kuya at iisiping nakikipaglandian ako sa mga professor dito. “Mauna ka na sa classroom natin,” sabi ko bago ko s’ya tinalikuran para sundan si Sir Gordon sa faculty room. Habang naglalakad, may nakakasalubong akong mga grupo ng iba’t-ibang babae na grabe kung pumorma. Ito rin ang dahilan kung bakit ko pinili ‘tong university na ‘to dahil malaya kang pumili kung ano ang susuotin mo, wala kaming uniporme kaya pormadong-pormado ang karamihang babae rito. Parang may fashion show lang pero ang suot ko, isang simpleng purple na sando na may mahabang black blazer tapos itim din na skirt na hanggang tuhod. Makalipas ang ilang sandali, pinasok ko na ang faculty room para sa second year professors at magalang kong binati ang mga guro na nasa loob. Tinungo ko naman ang kinaroroonan ng teacher’s desk ni Sir Gordon na naka-upo s’ya ngayon sa kan’yang swivel chair habang may inaayos na mga papel. Huminto ako sa tapat n’ya. “Sir, saan po ‘yong dadalhin ko?” tanong ko. “Here.” Kinapitan n’ya gamit ang dalawang kamay ang med’yo makapal na test papers at inabot ‘yon sa ‘kin. Tinanggap ko naman agad sabay pinatong sa kaliwang bisig ko. “Let’s go, Miss Dela Fuesco.” Naka-ngiting aya n’ya sa ‘kin na’ng tumayo sa pagkakaupo habang bitbit ng kanang kamay ang attendance notebook. Nauna s’yang nag-lakad kaya sinundan ko naman agad. May exam pala kami at hindi ako nakapag-review pero okay lang. May natatandaan naman ako sa lesson namin kahapon sa computer programming n’yang subject. “We are having a field trip once again. Maybe this weekend, are you in?” tanong n’ya sa ‘kin na’ng maka-labas na kami sa faculty at tinatahak na ngayon ang building namin. “Graded po ba ‘yan? Pero kahit may grade pa, hindi ako papayagan ng Kuya ko,” magalang kong tugon kay Sir habang nasa gilid ko lang s’ya. “No, it is optional. Bibisita lang tayo sa strawberry plantation ng mga farmers. This is quite necessary since these past few weeks, we have encountered too many school works and time to relax our mind,” marahang tugon n’ya sa ‘kin na bahagya naman akong tumango. Mga yayamanin ang mga estudyante rito kaya may mga field trip talagang ginaganap at ilang beses pa sa isang buwan nangyayari. Pero naka-punta na ako sa mga strawberry farm sa hilaga dahil nag-donate ng mga agriculture materials doon ang kuya ko nu’ng mga nakaraang buwan pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa umakyat na kami sa second floor ng building namin at na’ng makarating na sa hallway, kumunot ang noo ko na’ng matanaw ang isang taong kilalang-kilala ko. “Kuya?” bulong ko sa sarili habang hindi inaalis ang mga mata sa kan’ya. Naka-sandal s’ya sa pader ng classroom ng (A2) sa gilid ng pinto. Napansin kong naka-formal suit pa s’ya na pang-trabaho kaya malalim akong tumikhim habang papalapit na’ng papalapit kami sa kan’ya. Nabosesan n’ya siguro ako agad kaya tumayo na s’ya ng tuwid bago unti-unting humarap. “Bakit ka po nandito? Hindi ba’t working hours n’yo ngayon?” magalang kong tanong na’ng huminto sa harapan n’ya banda pero sa halip na ibabaling ang mga mata n’ya sa ‘kin, lumihis agad ‘yon kay Sir Gordon na nasa left side ko. “Why are you still roaming around?” malalim n’yang tanong habang naka-dikit na talaga ang paningin n’ya kay Sir. “I didn’t let you enter this school just to carry those bunch of papers on your arm,” mariing usal n’ya kaya lumunok agad ako ng sariling laway para maka-bwelo sa pagsasalita. “H-Hindi po, tinulungan ko lang po si Sir na dalhin ‘to—“ “His arms are much bigger than yours, Ellah,” kontra n’ya sa ‘kin kaya napa-pikit ako ng bahagya at minulat naman agad ‘yon para sulyapan si Sir Gordon na pormal na nakipagtitigan kay Kuya. “Pardon me, she’s just my favorite student so—“ “She is also my favorite sister but she doesn’t carry my things.” Putol n’ya sa sinasabi ni Sir kaya kinagat ko na lang ang ibabang parte ng labi ko dahil nakakaramdam na ako ng hiya. “Sorry, let me just take it.” Napansin ko na lang na kinuha ni Sir Gordon ang test papers sa bisig ko at matigas s’yang tumikhim. “Get inside, Miss Dela Fuesco. The examination was about to start,” pormal na sabi n’ya pa kaya sumangayon agad ako bago s’ya tuluyang maka-pasok sa loob ng classroom at sinarado ang pinto. Binalik ko ulit ang atens’yon sa Kuya ko na naka-pamulsahan na ngayon habang naka-baba ang tingin sa ‘kin. “Ginagawa n’ya ba lagi ‘yon sa ‘yo, Ellah?” seryosong tanong n’ya sa ‘kin na agad naman akong umiling. “Ngayon lang po, pero bakit ka andito? Nakakaabala pa ako sa trabaho n’yo,” magalang kong sabat sa kan’ya. Hindi n’ya ako sinagot dahil nakita kong may dinukot s’ya na kung ano sa bulsa ng formal jacket n’ya sa dibdib banda. Wallet ‘yon at may kinuha pa s’ya sa loob. “I have totally forgotten to give your allowance. Dapat, pinapaalala mo sa akin dahil alam mo namang makakalimutin ako minsan,” mariing sabi n’ya sabay inangat ang mauugat n’yang kaliwang kamay at may perang kasama. Dalawang libo iyon. Hindi ko muna tinanggap dahil tinitigan ko s’ya. “This is all I had. I haven’t withdraw some cash, just take it,” maawtoridad n’yang sambit. “May pera pa naman po ako rito,” tutol ko pero bigla n’yang kinapitan ang kaliwang pulsuhan gamit ang kanan n’yang kamay at nilapag sa palad ang dalawang libong pera. “Don’t forget to send me a text message after school.” Pagkatapos no’n, tinalikuran na n’ya ako kaya tinititigan ko lang s’yang maka-layo sa paningin ko. Binaba ko ang ulo para matingnan ang perang hawak ko na agad namang sinilid ‘yon sa bulsa ng skirt ko. Pumasok na ako sa loob at nagmadaling tinungo ang kinaroroonan ng upuan ko sa second row sa ikaapat na desk. Nasa kaliwang gilid ko si Klark na nasa third row s’ya, tamang-tama, nag-d-distribute na si Sir Gordon ng test papers kaya tahimik na akong umupo at kumuha ng ballpoint pen sa bag. Isinabit ko muna ‘yon sa gilid ng desk ko. Nagsimula na kaming mag-answer ng test at hindi naman ganu’n ka-hirap. Mas importante sa ‘kin ang mid-term examination pero may dagdag points din ‘tong test na ‘to. Lumipas ang mahigit thirty minutes, natapos na kaming lahat kaya maayos na nag-paalam si Sir at dahil may natitira pa kaming oras, p’wede akong mag relax-relax. Nakalimutan kong sabihin kay Kuya na wala kaming pasok mamayang tanghali pero ‘di bale na, saka ko na lang sasabihin. Lumipas ang mga oras, natapos na ang dalawang subject namin ngayong umaga kaya nag-paalam na ako kay Klark na umuwi. Gusto ko sana s’yang dalhin sa bahay pero hindi pa kasi ako nakapagpaalam kay Kuya. “Tita andito na po ako,” masiglang sambit ko na’ng maka-pasok na sa bahay namin at naabutan ko s’yang nag-v-vacuum ng sahig. Huminto naman s’ya agad at iniwan ang vacuum para masalubong ako. “Half-day ka lang pala ngayon, Miss Junellah? Pasens’ya ka na, hindi pa ako nakapagluto ng pananghalian mo dahil mag-aalas onse pa lang. Lilinisin ko pa ang office ng Kuya mo,” sagot n’ya sa ‘kin sabay huminto sa harapan ko at kinuha ang suot kong bag pack sa aking likuran. “’Wag ka po mag-alala, ako na lang po ang mag-lilinis do’n. Wala naman akong gagawin ngayon.” Tumanggi pa s’ya pero nagpumulit ako kaya pumayag na lang. Pagkatapos no’n, umakyat na ako sa third floor. Mamaya na lang ako bibihis kapag tapos na para liligo na lang din ako. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng work place ng kuya ko at kinapitan ko agad ang door knob sabay pinaikot. Hindi ito naka-lock, siguradong naka-limutan n’ya nanaman. Pagkabukas ko, biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa mukha na’ng bumulagta sa paningin ko ang hindi pamilyar na lalakeng naka-upo sa swivel chair ng Kuya ko! “H-Hoy anong ginagawa mo rito?! Sino ka?!” malakas kong sigaw habang pinaigting ko ang paningin ko. Aba! Naka-patong pa ang dalawang binti sa study table! Sino ‘tong taong ‘to at hindi ko s’ya kilala! Pero parang wala yatang naririnig ang lalake dahil naka-focus lang sa binabasang libro kaya mabilis kong hinakbang ang mga paa papunta sa kinaroroonan n’ya at huminto sa kan’yang harapan. Kaagad kong kinuha ang isang makapal na notebook na naka-lapag lang sa tabi ng laptop at walang alinlangang p’wersado kong binalibag ‘yon sa pagmumukha n’ya. “Aw! WHAT’S YOUR DAMN PROBLEM?!” Nanalaytay ang kan’yang malalim na boses sa buong silid sabay mabilis na inalis ang dalawang binti sa mesa at kinakamot ang sariling mukha. “Who the hell are you and what in the world you are doing at my brother’s work place?! Makakasuhan ka ng trespassing sa ginagawa mo!” matapang na sigaw ko habang sinisingkitan ko s’ya ng mga mata. Napagtanto kong inalis n’ya ang kan’yang dalawang palad sa pagmumukha at napansin kong namumula ‘yon. Pero napa-tigil ako na’ng masilayan ng klaro ang hitsura n’ya. H-Hala, ang g’wapo? Pero bigla akong tumikhim. “Ano, hindi mo ako sasagutin?! Isusumbong kita sa Kuya ko!” singhal ko pa habang dinuro-duro ko s’ya pero biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko na’ng bigla akong nginisihan. “Go on and I am going to tell him what you have done to my face as well,” mariing sambit n’ya sabay tinuro ang mukha na parang bumakat do’n ang binato ko kanina. “So... you’re his sister huh?” Dahan-dahan s’yang tumayo kaya ganu’n na lang din ang pag-angat ng ulo ko dahil ang tangkad ng taong ‘to. Napa-lunok ako ng marahan na’ng med’yo mapa-tulala sa karisma n’ya. Naka-suot s’ya ng formal black jacket tapos polo shirt na naka-tanggal ang tatlong butones sa dibdib n’ya banda pero, ang pumukaw talaga sa atens’yon ko ang black neck tie n’yang naka-sablay lang sa kan’yang batok na nagmumukha s’yang tanga. “Yes, oo. Alam mong g’wapo ako. Stop drooling.” Parang biglang humangin ng signal no. 1 ngayon kaya tinaasan ko s’ya ng kaliwang kilay. “I have a permission to enter his office. Walang nakapansing pumasok ako rito kanina,” seryoso n’yang usal pero mas lalo lang tumaas ang kilay ko. “Wala akong pakealam sa ‘yo. Ang tanong ko ang sagutin mo kung ayaw mong vase na ang babakat d’yan sa pagmumukha mo,” maangas na pagbabanta ko na mas lalo pa yata s’yang ngumisi tapos umiling-iling pa. “He’s right. You’re rude too,” malalim na bulong n’ya sabay tumango pa ng konti. “But not the vase. You can lay your fingers on my face, instead. Alam kong mas malambot ang mga iyon.” Dahil do’n, biglang umakyat ang dugo ko sa ulo sabay kinapitan ang plorerang naka-lapag sa gilid ng lampshade. Inalis ko muna ang dalawang maliit na sunflowers sabay binagsak sa sahig. Binalik ko ulit ang tingin sa mayabang na lalakeng ‘to. “Ano, hindi mo talaga sasabihin kung sino ka? Ibalibag ko talaga ‘to sa ‘yo, trust me.” Inangat ko ang kanang braso para maipakita sa kan’ya ang solid na solid na vase na ‘to at hindi talaga ako nagbibiro. Ibabato ko talaga ‘to sa kan’ya kapag hindi n’ya sasabihin kung sino s’ya. “Fine, I am Levai Guztavo. Chief Executive Officer of Guztavo luxury brand. My products may include, hand bags, shoes, trunks, watches, jewelry, and accessories. I have lots of branches here,” pagmamayabang n’ya sa pormal na paraan kaya natawa naman ako ng pagak. “CEO ka? Pero nahuli kitang naka-patong ‘yang mga binti mo sa mesa ng kuya ko? Mukha kang magnanakaw kaya ‘wag mo akong lokohin,” mariing usal ko kaya bumuga s’ya ng marahas na hangin sabay ginalaw ang kaliwang braso at parang may dinukot s’ya sa bulsa ng jacket n’ya. “Here, take a look.” May inabot s’ya sa ‘kin na card kaya marahas kong tinanggap ‘yon at tiningnan. Calling card pala ‘to. May logo na letter ‘G’ sa right side tapos naka-saad sa kaliwa ang kan’yang buong pangalan, number, email, at address. CEO nga s’ya pero kaano-ano kaya ni Kuya ang taong ‘to? Pabagsak ko munang nilapag ang card sa mesa. “Levai Guztavo... kung kaibigan ka ng Kuya ko—“ “Nope, I am not his friend.” Kumunot ang noo ko dahil do’n. “If you’re not his friend, who the heck are you?” seryosong usal ko. “You have to guess it.” Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa sinabi n’ya na panay ngisi nanaman sa ‘kin ngayon. “Napakaikli ng pasens’ya ko sa mga taong hindi ko kilala,” mariing pagbabanta ko kaya humupa ang ngisi sa kan’yang labi sabay tinitigan ako ng seryoso. “Then don’t be surprised if I am going to tell you.” Biglang humigpit ang pagkakakapit ko sa vase para maabangan ang susunod n’yang babanggitin. Narinig kong bumuntong hininga ulit s’ya. “I am his...” Matigas s’yang tumikhim. “Boyfiend, I am your brother’s Boyfriend—“ Hindi ko na pinatapos ang sasabihin n’ya dahil biglang sinapian ng anim na demonyo ang kamay ko kaya bigla kong binato ang kapit kong plorera pero mabilis n’ya ‘yong inilagan at tumama ‘yon sa book shelf na nag-likha agad ng tumatagingting na tunog ng pagkabasag. “SINASABI KONG ‘WAG MO AKONG LOLOKOHIN! HINDI BAKLA ANG KUYA KO! LUMAPIT KA RITO PARA HIHIWAIN KO ‘YANG DILA MO!” nanggigigil kong sigaw sabay dinampot ang cutter sa sisidlan ng mga pen ng kuya ko at nilabas ko agad ang talim no’n. “H-Hey...Hey! Watch out that is sharp!” malalim n’yang saway sabay inangat ang dalawang braso para ipakita sa ‘kin ang kan’yang mga palad. “Calm down, okay? But I am telling the truth, we’re in a relationship. We are not gay, it is completely different from BISEXUAL. Gays... likes men but us...” Sabay tinuro pa ang sarili. “WE LIKE BOTH. MEN OR WOMEN, do you get it? Look, he still has a girlfriend right now so... I am little bit jealous.” Umiling-iling ako. “Tumahimik kang lalake ka! ISA PANG KASINUNGALINGAN NA MARIRINIG KO, HINDI KA NA MAKAKAUWI!” malakas na bulyaw ko habang naka-tutok sa kan’ya ang cutter na kapit ko. “MY BROTHER IS NOT A BISEXUAL—“ “He’s right, Ellah.” Bigla akong nanigas sa aking p’westo na’ng marinig ang malalim na boses ni Kuya Logan sa likuran ko at sunod kong narinig ang kan’yang mabibigat na yapak papunta sa kinaroroonan ko. Dahan-dahang umawang ang mga labi ko sa pagkabigla at parang pinapasok ko pa sa utak ko ang mga sinabi n’ya ngayon lang. “Thank goodness, you’re here. Your sister was about to kill me, Logan,” seryosong sabat ng mayabang na lalake at napagtanto ko na lang na huminto si Kuya sa kaliwang gilid ko sabay kinuha ang cutter na hawak ko. “She scared the s**t out of me. She’s wild,” komento pa ng lalake habang hindi pa rin ako naka-galaw. “We will talk about this later, Ellah,” pormal na saad ni Kuya sabay nilapag ang cutter sa mesa at tumalikod muli. “Let’s go, Levai. We have a meeting with Mayor for today and fix yourself. You have a decent job so dress like one.” Nakita kong sinundan s’ya ng lalake pero bago s’ya mawala sa paningin ko, bigla n’ya akong kinindatan. Ilang sandali pa, narinig kong sumara ang pintuan pero naiwan akong naka-awang ang bibig dahil sa naguguluhang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD